1.
Sa mga nangangamusta — okay lang ako. Pagod lang.
2.
Miminsan na lang akong magkaroon ng libreng oras nitong mga nakaraang buwan. Tuwing nagkakapuwang naman sa araw ko, pinipili ko na lang matulog o manood ng palabas sa TV. Isang libro pa lang ang nababasa ko ngayong taon. Marso pa lang, pero tustado na ang utak ko.
3.
Don't Hesitate by Mary Oliver If you suddenly and unexpectedly feel joy, don’t hesitate. Give in to it. There are plenty of lives and whole towns destroyed or about to be. We are not wise, and not very often kind. And much can never be redeemed. Still, life has some possibility left. Perhaps this is its way of fighting back, that sometimes something happens better than all the riches or power in the world. It could be anything, but very likely you notice it in the instant when love begins. Anyway, that’s often the case. Anyway, whatever it is, don’t be afraid of its plenty. Joy is not made to be a crumb.
4.
Pinapanood ko ngayon ang Upload. Nakakatawa!
5.
May lalabas daw na bagong model ng Dyson Airwrap sa summer. Kailangan na ring ipaayos ‘yung bubong ng bahay namin sa summer. Dyson Airwrap? O bubong ng bahay? Hmm. Magkano na ba bentahan ng kidney ngayon?
6.
Kuha ni Eunice Stahl ang litrato.
Leave a comment