Nabisto ng kaibigan ko ‘yung dati kong tahanan, kaya lipat-bahay mode ako dito sa WordPress.
1. May boyfriend na ang cool kong roommate. Ngayong araw ang anibersaryo nila. Dumaan pa nga dito sa bahay ‘yung lalaki (halos kaaalis lang, mga 4am sumibat). Nakakakilig ang gabi.
2. Nakakainggit din. Ajejeje.
3. Nagsasalin ako ng saligang batas ng isang org. Sakit sa bangs ng mga salitang “hereby,” “self-empowerment” at “stakeholder.”
4. Now playing: Thinking About You ni Norah Jones. Woops. May tao ngang pumasok sa isip ko. Yuck.
“Nagsasalin ako ng saligang batas ng isang org. Sakit sa bangs ng mga salitang “hereby,” “self-empowerment” at “stakeholder.”” – hahaha. 🙂 hello, Jolens… thanks for the follow.
~ate san
LikeLike
Hello din po! Salamat din sa pagbisita! 🙂
LikeLike