Everyone Says I Love You (Woody Allen). Mas simple at mas exciting sana kung musical ang buhay ko. May tendency akong maghanap ng saktong kanta para sa kung ano-anong real life na eksena. At kapag nakakarinig ako ng kanta, hindi ko maiwasang hanapin ang tamang tagpo kung saan ito babagay.
Sa musical, magaganda lahat ang boses ng kumakanta. Edward Norton at Drew Barrymore, kumakanta? Wushu. Pero dahil nasa isang musical sila, palong-palo ang enhancement na ginawa sa mga boses nila.
Masaya, pero mukhang hindi nakabuti sa akin itong pelikulang ‘to. Lalo pa nitong pinaliyab ang marami sa mga aspirasyon ko sa buhay (mga burgis na aspirasyon, sa totoo lang). Bukod sa pangarap na maging magaling na musikera (kahit hindi sa pagkanta, basta may kinalaman sa musika), nainggit din ako sa lifestyle ng bidang pamilya. Kung pwede lang manirahan sa New York at mabuhay tulad nila.
At isa pa, ang pinakamahalaga, gusto ko ring umibig (ampota). Lahat sila, “I’m thru with love, I’ll never fall in love again” ang moda. Pero ako, puta, kailan ba kasi ako makakaranas niyan? Tsk. Naalala ko tuloy bigla ang Luv Luv Luv ng Pansy Division.
Hesher (Spencer Susser). Hubad sa higit-sa-kahalating bahagi ng pelikula si Joseph Gordon Levitt. Kahit hindi nagsha-shampoo ng buhok at mukhang gawa sa tinta ng libag ang mga tattoo niya, witweeeew pa rin.
Pero bukod doon, juskodiday, napakalungkot naman ng pelikulang ito. Nagbasa ako ng reviews pagkatapos, mas nakumbinsi ako sa mga negatibo. Pero sa totoo lang, hindi naman ito sobrang pangit. Hindi ko gusto ang tulak-kabaong eksena (parang masyadong melodramatic na?) pero nakakadala ang pagiging fucked up ng buhay nila. Tipong kung-totoo-ang-diyos-puta-naman-nasa-yosi-break-ba-siya? Woops, blasphemy. Pero ganon. Puta naawa ako sa bata. At nainggit kay Natalie Portman (o sa character niya) dahil natira siya ni JGL (o ng character niya).
‘Ayun lamang.
Galing ang featured image sa IMBD.
Matagal na ‘kong naghahanap ng matinong DL link na may matinong seeders ng HESHER.
LikeLike