Katatapos lang ng taenang gawain kagabi (o kaninang umaga, mga bandang ala una), at ngayon, maghahanda na naman ako para sa isa na namang weekend ng kahaggaran. Wala pa akong maayos na tulog (sana makabuwelo mamaya), pero heto, naghihintay ako sa text ng isang kaibigan para sa paspasang inuman bago magsimula ang meeting.
Dahil pagtambay sa internet ang paborito kong libangan, ibabahagi ko na lang kung ano ang mga natuklasan ko sa nakaraang sampung minuto.
Una, magkakaroon pala ng Jeff Buckley biopic. ‘Tang ina ngayon ko lang nalaman. May dalawang version daw na ginagawa ngayon at magkaiba ang bida siyempre. ‘Yung isa, si Penn Badgley ng Gossip Girl.

‘Yung isa pa, si Reeve Carney ng Spider-Man: Turn Off the Dark, isang broadway musical.

Dati akala ko si James Franco na ang artistang pinakakamukha ni Jeff Buckley. Nagulat akong hindi rin naman pala si nagkakalayo ng dalawang napiling aktor.
Isa pa sa ikinagulat ko matapos sundan ang serye ng links para sa Jeff Buckley biopic: ‘tang ina kumakanta pala si Penn Badgley.
At ‘tang ina may rock musical pala ang Spider-Man.
Grrrabe lang. Hindi naman ako ang pinaka-avid na tagahanga ni Jeff Buckley pero pramis, isa siya sa mga pinakagwapong musikero na nakita ko (hindi personally, siyempre). Una kong narinig ang version niya ng Hallelujah. Binigyan lang ako ng kaibigan ko ng MP3 ng version niya ng kantang iyon. Kinilig ako. Madamdamin, mehn. Mas bet ko kaysa sa version ni Imogen Heap.
Nang minsang naalala kong i-search siya sa Youtube, hayun na nga–ampogi niya talaga. Siyempre nalaman ko ring namatay siya nang maaga. Sayang lang. Marami akong naririnig, lalo na mula sa mga kaibigan kong super-fan, na isa siya sa mga pinakasayang na musikero sa mundo.
Anyhoo gayunpaman, nag-reply na ang kaibigan ko at bukas na lang daw kami tumagay. Magsisimula na rin ang meeting namin, na susundan ng isa pang meeting pagkatapos. Balik na naman sa totoong buhay.
(Obviously, nagba-back-read ako ng posts mo under FILM. Hehehe.)
NKLN na hindi na pala si James Franco ang gaganap na Buckley. I love Buckley. 🙂 Last Goodbye, please!
LikeLike
Jeff Buckley! I Want Someone Badly ang tugtugan ko ngayon! Hahahahuhuhu.
LikeLiked by 1 person