KANINA PA ako paikot-ikot sa go-to websites ko tuwing wala akong magawa. Naiinis nga ako kasi bakit ganoon, madalas naman akong laging may nahahanap na bago at laging may ginagawa sa internet. Hello, internet ‘to.
Saka ko na-realize kung anong problema. Kaya lagi akong may “ginagawa” dati sa internet, kasi lagi akong may dina-download (siyempre hindi ko na isinama sa equation iyong mga paghahanap ng tsismis tungkol sa kung sino-sino). Kung hindi pelikula, album. Kung hindi album, mixed playlist mula sa blog ng sinoman. O pwede ring playlist galing sa music sites na may free download function. Pucha, kaya kong sayangin ang oras ko sa katititig sa download bar, habang hinihintay na matapos ang almost 30 minutong (tang ina sa habang) proseso. At hindi ako mabo-bore d’un, pramis.
Nang ma-realize ko ‘yun, ang sunod na realization ay: pucha, halos wala akong bagong shit sa iTunes ko. Meron din, pero hindi sariling discovery. Discog ng Blur, Bag Raiders at Massive Attack mula sa jowawers ni Roomie. Album ng Velvet Underground, Ramones at discog ng The Smiths mula kay Other Roomie. May iba pang shit na galing din sa kanilang dalawa, at sa ilang kasamahan sa dyaryo (like discog ng Silversun, Phoenix at Foo Fighters), pero generally, halos walang bago.
‘Yung nasa Recently Added ko, isang album ng Eternal Summers, Rebulto album ni Dong Abay galing sa isang co-dyaryo pip na may hard drive na mayaman sa cultural capital, dalawang kanta mula kay David Guetta para sa isang video na trinabaho recently, at dalawang podcast ng TMR. Takte.
Pumunta ako sa 8tracks at nagpatugtog ng playlist na Best of 2012 shit, at na-realize kong puta, halos wala akong alam sa mga bandang ‘yun. Siyempre narinig ko sina Nicki Minaj, Maroon5 ang shit, pero ‘yung mga tago, ‘yung minamahal ng mga hipsters kasi sila-sila lang ang nakakaalam, ay puta hindi ko rin alam. Does that make me hipster no more?
Pero hindi ‘yun ang tunay na problema. Kung ipalilista sa akin ang pinaka-precious na musical finds ko ngayong taon, ‘tang ina, ano-ano nga ba? Dahil dalawang beses nasira ang laptop ko, I spent half of my “free time” re-downloading the songs. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kumpleto ang Beatles discog, kairita. But anyway, ‘yun, halos walang bago.
Tang ina, wala. Pordat, kailangan kong salain at sinsinin ang kakaunting “musical highlights” ng 2012 ko (sorry naman sa inimbentong term).