Kagabi, mga bandang alas diyes, dumaan sa bahay ang isang kaibigan. Nawalan ako ng cellphone dalawang araw ang nakalipas kaya hindi niya ako naabisuhan. Hihiramin niya si Plum, ang kyut kong camera.
Nagyaya din siyang uminom, at dahil matagal na rin nang huli akong tumoma, payag naman ako. Wala pang tatlong bote ng Red Horse ang naubos namin. May amats ako pero hindi naman ganoon kalala. Pagkauwi sa bahay, tambay muna kami sa labas hanggang nagsialisan na rin ang mga tao sa inuman sa tapat ng bahay namin.
Pinasakay ko ng taxi si friend (na by the way ay lalaki, at oo, pakiramdam ko dapat kong linawin ‘yun haha) bago ako pumasok sa gate ng bahay. Puta pagtingin ko sa pinto, may note si roommate. Ni-lock niya ang pinto at in case of emergency raw ay tawagan ko siya–kalakip ng note ang number niya siyempre. Pero dahil wala akong cellphone, hindi ko siya ma-summon para sabihing mehn, wala akong susi.
Long story short, naghanap ako ng kung ano-anong materyales sa kapitbahay, mula chicken wires, piniping lata, takip ng galon ng ice cream, hanggang sa may maisiksik ako sa pinto at tuluyan na nga itong nabuksan. May maikling pagkakataon pa nga na nahiga na ako sa parking lot dahil tang ina, suko na ako, pero siyempre makati, kaya balik ulit sa bukas-pinto-nang-walang-susi.
Nakapasok ako sa bahay, nakapagbihis pa at lahat. Nakalimutan ko nga lang magsuot ng napkin dahil tang ina, dinatnan ako habang umiinom kami ni friend.
Pagkagising ko sa umaga, boom, sobrang sakit ng puson ko. Hindi lang basta masakit–talagang intolerable siya at gusto ko nang mamatay sa sobra sobra sobrang sakit. Para akong magtatransform na manananggal at may matinding rebolusyon sa aking tiyan-puson-tadyang.
Bumangon ako para magbanyo. Uminom ako ng tubig. Nanlalamig ang tenga ko, at isinusuka ko ang tubig. Dahil wala nang laman ang tiyan, ilang beses akong nag-aakmang sumuka pero asido lang ang lumalabas at hanggang sa lalamunan ko lang umaabot. Pagbalik ko sa kama, ganun pa rin, pilipit pa rin ako sa sakit.
Wala akong pain reliever at hindi ako pwedeng uminom ng gamot dahil walang laman ang tiyak ko. Nagtangka akong lumabas ng bahay para bumili ng gamot at pagkain, pero hopeless talaga. Nahihilo ako, nanlalamig, at sobrang namimilipit sa puson pain.
Sa huli, ginising ko ang roommate ko. Iniwan namin ang jowawers niya sa bahay, at dinala niya ako sa infirmary. Pinainom ako ng hydrite (?) ng duktor, pinakain at tinurukan ng gamot para sa tiyak. Pinainom din ako ng paracetamol para yata sa sakit ng puson, hindi ko na alam.
Guminhawa ang pakiramdam ko. Pag-uwi, wala nang sakit sa puson at hindi na ako gaanong nahihilo. Pero may sipon-plema na naiipon sa lalamunan ko at sa bahaging ngala-ngala kaya hindi pa rin ako panatag. Nanghihina pa rin ako at pakiramdam ko, matutuloy ‘to sa trangkaso. Pinag-iisipan ko rin ang posibilidad ng tetano, dahil kagabi, noong hindi ako makapasok sa bahay, sinubukan kong akyatin ang likod-bahay namin at nasugatan ako sa legs ng, hindi ko alam, yero siguro.
Pero ang point ng post na ito: ganoon ako kasakitin puta. At ayoko na ring maging babae kasi masakit at kadiri at ugh.
Sidenote:
1. Namamaga ang tenga ko kasi binigay sa akin ni friend ang hikaw niya, at sinuot ko naman. Tinanggal ko kanina kasi tumigas ‘yung paligid ng butas, at parang may muta-muta shit na around it.
2. Nakapaglaba na rin ako ng panty sa wakas. Kadiri may regla ako tas wala akong pamalit.