MAY PINANOOD akong Korean shit kahapon—some “reality” show where these idol people date each other blah blah. May bahagi ang show kung saan pipili ang mga lalaki ng kanta, tapos patutugtugin ito nang malakas para marinig ng mga babae na nasa loob ng kani-kanilang kwarto. Kapag nagustuhan ng babae ang kanta, lalabas sila ng kwarto tapos ewan ko kung anong point.
Ito ‘yung kantang pinili n’ung isang lalaki, si JunK ng 2pm. Instant 100 pogi points for good taste in music, yo!
At dahil ang logical na hakbang kapag nakarinig ka ng magandang kanta e i-download ang kantang ‘yun, punta agad ako sa Google search. Ni-click ko ang Youtube video ng kantang ‘to—tapos nagulat ako na hindi puti (o Caucasian, if you want a better term) ang lalaking nasa image. At siguro dahil na rin sa Pinoy pride thing going on sa ganitong mga bagay, ni-assume ko agad na, “Woah, Pinoy si Jeff Bernat?”
Pero tinamad na akong mag-google further para i-confirm dahil wala akong nakitang page na magsasabi sa akin ng nationality niya—kahit wiki, wala.
Anyway, Pinoy or not, maganda ‘yung kanta. RnB goodness, masaya pakinggan kapag chill ka lang. O kahit hindi ka chill, keri lang—ang dami kong dapat gawin ngayon, walang dahilan para huminahon, pero napapabuntong-hininga pa rin ako sa kantang ito.
Galing ang litrato sa Genius