Huling-huli na ako sa KPop. Ang daming grupo na ang nag-debut, pero hindi man lang ako naglaan ng oras para subukan silang mahalin—I give everyone a chance coz, you know, I chew everything [Bjork reference right there].
Kahit noong almusal-pananghalian-hapunan ko pa ang stress dahil sa dyaryo, bumibisita pa rin ako sa mga kpop websites pero para lang tingnan kung may bagong release ang mga sinusundan kong grupo. O para makiusisa sa mga scandal, gaya noong nawafaz si Hwayoung sa T-ara kasi na-bully raw siya, at noong dinalaw daw ni Eunhyuk si IU para dalhan ng sopas (‘di baleng topless si Eunhyuk sa picture at mukhang hapong-hapo ang mga mata nila dahil sa magdamag na labing-labing).
Wala na akong pakialam sa mga bago, gaya ng TAHITI at Fiestar at kung sino pa. Pare-pareho na lang naman silang rehash ng 2nd generation groups. At siguro sasabihin ng iba: e pare-pareho naman ang mga pinapakinggan mo e. Siyempre noong una, bago sila sa akin. Tsaka kung ikukumpara sa 1st generation (HOT, SES, Fin.KL), medyo iba naman ang Girls’ Generation, 2ne1, Beast at 2pm—mas HQ ang production ng music videos, halimbawa, at mas kasikmu-sikmura ang hairstyle.

Don’t get me wrong ha (feeling may kausap talaga), may mga gusto akong tanders na KPop people. Gusto ko ‘yung Because I’m A Girl ng KISS, kasi sikat ‘yun sa Pilipinas kahit noong wala pa akong muwang sa mundo. Gusto ko ang Jinusean version ng How Deep Is Your Love. Pero hanggang d’un lang sa mga kanta—masyado pa akong bata noon para sundan sila, at mahirap i-access ang mga produkto nila kasi bano pa ang internet noong kasikatan nila.
Anyway, sa mga bagong KPop groups, BTOB lang ang pinaglaanan ko ng oras—so far. Pogi kasi ang mga miyembro, mahirap tanggihan. Madalas, iyon naman ang first step para i-digs ang KPop—you must find them pogi, or cute at the very least, and you must look beyond the make-up, the metrosexual clothes, and the overly cute gestures, which by Western (and probably heterosexual) standards, is borderline gay. Nang pinapanood ko sa isang beking kaibigan ang video na ito, sabi niya, “mukhang tibo” raw ang karamihan. Na totoo naman. Pero pogi si Sungjae at Minhyuk at Hyunsik—pwedeng-pwedeng laman-tiyan (hehe).
Galing ang featured image sa Pinterest.