King of Pain

Nanaginip ako. Kumakain kami ni G sa labas, kasama ang dalawa pang babae na hindi ko kilala sa totoong buhay. Sa panaginip ko, para kaming magkakaibigan na nagchichikahan tungkol sa iba pa naming mga kakilala.

Napag-usapan namin si K at si P. I dropped the bomb, “Alam n’yo bang nagde-date sina K at P?” Sa panaginip ko, matagal na naming alam ni G ang balitang iyon (pero sa totoong buhay, hindi kilala ni G sina K at P). Nagulat ‘yung dalawa pa naming kasama. Sabay dumilat ang mga mata nila, at bahagya silang napaatras. ‘Yung isa, may subo-subo pang hamburger nang ibinulgar ko ang balita.

Natawa kami ni G. “Grabe ‘yung synchronicity ng reaction nila,” sabi ko kay G.

Paggising ko, malinaw na malinaw sa utak ko kung paano ko ginamit ang salitang “synchronicity” sa isang ordinaryo’t impormal na usapan. Pinag-isipan ko kung nagamit ko na nga ba ‘yung salitang ‘yun sa totoong buhay.

Kaya ‘ayun. Pagbukas ng iTunes, pinatugtog ko ang Synchronicity ng The Police. Wala naman. Sinasabi ko lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.