All the President’s Men, atbp.

DALAWA, TATLONG linggo ang nakaraan, naudyok akong magbasa tungkol sa Watergate scandal. Una kong nalaman ang tungkol dito noong bata pa ako’t masugid na tagabasa ng mga encyclopedia sa bahay. Dahil bata pa, napakalimitado ng pagkaunawa ko sa Watergate noon. Hindi kasi Pinoy-kid-friendly ang istilo ng pagkakasulat, kaya weno namang nalalaman ko sa wiretapping at CIA at Democrat-Republican rivalry. Masyadong stateside, wala akong background info kasi hindi naman ‘yan naituro sa akin sa Sibika at Kultura. Tinanong ko rin yata ang nanay ko noon, pero hindi niya rin naipaliwanag nang maayos. Aba malay din niya.

Hindi ko na maalala kung ano ang specific na kaganapang nag-udyok sa akin para muling tuklasin (naks) ang Watergate. Siguro ‘yung Facebook post ni Ronberlin tungkol sa All The President’s Men? O ‘yung malaon nang email ni Elesie tungkol sa iba’t ibang uri ng Journ freshmen (Woodward and Bernstein wannabes; Carrie Bradshaw wannabes; William Miller (of Almost Famous) wannabes)? Siguro pareho.

Sa tingin ko naunawaan ko naman na ang Watergate. Tipong kapag napag-usapan ‘yan sa inuman, kaya ko nang maglatag ng primer (with input, siyempre, sa mga taong mas may alam sa akin). At dahil sa kababasa ng mga artikulo sa Wikipedia, naengganyo rin akong manood ng mga pelikula na may kinalaman dito.

Una kong pinanood ‘yung All The President’s Men (ni Alan J. Pakula). Sa totoo lang, sa tingin ko napaka-accidental ng tagumpay nina Woodward at Bernstein. Nagkataong sila ang napiling kausapin ni Deep Throat. O pwede ring maraming journalist na kinausap ni Deep Throat, pero itong dalawang kumag  na ito lang ang nagtiwala at nag-pursue sa kwento. Siguro kailangan kong mabasa ang libro nila, para mas makumbinsi ako sa husay  nila bilang mga peryodista. Pero ano nga bang alam ko, e dropout ako ng Journ school? Naman.

‘Yung Frost/Nixon (ni Ron Howard), mas dramatization ng post-scandal life ni Nixon, at ang pang-eepal ni Frost sa buhay niya. Hindi ito primer-ish, pero okay na rin. Dahil limitado ang nalalaman ko sa “cast of characters” ng Watergate scandal, mas nagkakulay ang pagkatao ni Nixon sa pelikulang ito. At si Frost—ako lang ba o nakakairita talaga siya? Walang pagpapanggap na nakiki-ride lang sa hype ni Nixon para ma-redeem ang career niya sa Amerika. Pero siguro ang keyword e ‘yun nga, hindi siya nagpapanggap. Ako ang Briton na magpapaamin kay Nixon, ako ang magsasalba sa sangkatauhan, ako ang hari ng mundo! Kung kaibigan ko ‘yun, nahiritan ko siguro siya ng: “Ambisyoso ka, ulol.” Kaya lang nagtagumpay siya. Sumikat siya. At napahiya ako. Boom.

Pagkatapos kong panoorin ang mga ‘yan, sinamantala ko ang momentum at nanood pa ako ng mga pelikulang sariwang-sariwa pa sa files ko.

Nang sinabi ko kay Boy Ruso na napanood ko kamakailan ang Four Sisters and a Wedding, humingi siya ng kopya kahit hindi niya alam kung ano ang tinutukoy kong pelikula. “Konti lang ang alam ko kay CGM,” sabi niya. ‘Yun ang unang pagkakataon na narinig ko ang CGM. Ganoon na ba ka-fundamental si CGM at naka-acronym na ang pangalan niya? Taray.

Ang ikinatuwa ko sa pelikula: ‘yung acting. Hindi ko akalaing masasabi ko ‘yan sa isang Star Cinema prod, pero peksman, walang biro, natuwa ako sa acting. Natuwa ako sa pasigaw na pagtawag ni Shaina kay Enchong (“CJaaaaaaaaay”) kasi ganoon magtawagan ang mga tao sa bahay namin (and I suppose, sa bahay ng iba pang mga tao). At ‘yung awkwardness ng pagdating ni Angel Locsin sa semi-reunion nila sa kalye? Awkward talaga. Pero siyempre ano ba namang alam ko sa acting. Kapag ipinapanood ko ito sa dati kong roommates, siguro marami silang mapupunang kachakahan.

Gasgas ang kwento, at halatang-halata na vehicle ang script para magkaroon ng “shining moment” ang bawat lead actress. At bilang tipikal na pelikulang mainstream, talagang pilit nilang isinuksok sa ngala-ngala ng audience ang kung ano mang “gintong aral” na trip nilang i-share sa pamilyang Pilipino. As usual, para sa Star Cinema, masyado tayong bobo.

Pinanood ko ang Countdown (ni Nattawut Poonpiriya) dahil ito ang Oscar bet ng Thailand ngayong taon. Nagka-isyu kasi kamakailan tungkol sa napiling pambato ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film category ng Oscars (umalma si Erik Matti na Transit [ni Hanna Espia] at hindi On The Job [ni Matti] ang napili; sumama rin ang loob ng mga Noranian kasi bakit na-etsapwera sa debate ang They Womb [ni Brillante Mendoza]).

Hindi ko alam kung bakit ito ang napiling bet ng Thailand. Siguro dahil naganap sa Amerika ang kwento at malaking chunk ng script ang Ingles? Thriller daw ito, at maraming pagkakataon naman na nasindak at napa-“tang ina anong nagaganap?” ako.  Solid din ang cuteness n’ung short-haired chick. Pero disappointing ang ending, mehn. Ano ‘yun? Ano ‘yung eksena sa elevator na kausap ni Short-haired Chick si Jesus? Iyon yata ang version nila ng “gintong aral” natin. Ganito ba ang marami sa mga pelikulang third world? Talagang may let-me-shove-this-relevant-life-lesson-speech-into-your-esophagus? Sabi nga ng boss ko, “Such a damper!”

Pinanood ko ang Knocked Up (ni Judd Apatow) matapos kong mapanood ang This Is The End (ni Seth Rogen at Evan Goldberg). Ewan ko ba rito. Hindi ako kumbinsido sa problema ng dalawang bida. Wala akong pakialam sa kanila. Natapos ang pelikula na wala pa rin akong pakialam sa kanila. At hindi rin ako masyadong natawa. Anong nakakatawa sa mga lalaking jutes nang jutes all day, errday? Chongki humor. Blegh.

Pero ‘yung This Is The End, solid. Parang isang malaking self-deprecating shit ang buong pelikula. True enough, ‘yung bit about Pineapple Express sequel ang pinaka-hindi ko na-appreciate. Pero nakakatawa talaga ito, lalo na ‘yung mga huling eksena. Walang pagpapanggap na kalokohan lang ang lahat. Hindi maiiwasang mag-drop ng “gintong aral” dahil sa nature ng paksa (end of the world as told in Revelations), pero alam mong hindi nagpapaka-righteous ang mga bida. Saktong halakhak lang.

Last na. Nagpadala ako ng mensahe kay Sokifu, sabi ko natawa talaga ako sa This Is The End. Ito naman ang pelikulang ni-suggest niya sa akin. Natawa nga ako. At nalungkot din. Napakwestyon ako sa puwang ko sa mundo (na madalas kong ginagawa kamakailan).

At naalala ko si RJay. Sila ni Sokifu, actually. Sa lahat ng kakilala ko, silang dalawa ang tiyak kong makaka-appreciate talaga nito.


Galing ang featured image sa TV Tropes.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.