Panaginip: Naruto

Kasama ko ang mga ka-batch ko noong high school—25 lang kami sa buong batch, kaya kilala namin ang isa’t isa. Nasa isang playground daw kami, naghihintay sa mga lalaking magse-setup ng film viewing set para mapanood namin ang huling episode ng Naruto ever.

Hardcore Naruto fans daw kaming lahat, kaya nga kami may pa-special viewing ng final episode. Kung bakit sa playground, hindi ko alam. Habang naghihintay, todo ang batchmates ko sa pag-reenact ng battle scenes mula sa previous episodes. Pero sa halip na mga kage bunshin hand commands at paglipad-lipad, tumatalon-talon sila at nagbabanggaan na parang mga cute anime figures. Kulang na lang, may sound effect na toink-toink-toink sa bawat pagtalon. Tawa ako nang tawa.

Naghiyawan kami nang sa wakas, dumating na ang mga kuyang mag-aayos ng setup—hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa naming mag-outsource ng tulong para gawin ito. Habang nae-excite sa papalapit na film showing, nilapitan ako ni Gwenifu.

“Kung may ________, ano ang tawag sa mga tulad ni Neji?” tanong niya.

Hindi ko na maalala kung ano ‘yung nasa “_____” pero may sinabi siyang counterpart ng sagot na hinahanap niya. HIndi ko rin alam ang sagot, pero ang hunch ko ay Okahairi.

“Hindi ko alam pero baka Okahairi?” sabi ko.

Well obviously walang Okahairi sa Naruto universe, at aware kami ni Gwenifu na hindi Okahairi ang sagot sa tanong niya.

“Parang owamba wamba something,” sabi niya. ‘Yung mukha ko, parang, ha? Anong owamba wamba? May ganoon ba?

Sumuko din kami at pinanood na lang ang mga kuyang nagse-set up. Ginagaya pa rin nina EJ ‘yung battle scenes. Naroon din si Elle sa tabi namin, kahit na tiyak kong wala siyang pakialam sa Naruto sa totoong buhay.

May trail of thought na sumegue sa utak ko. Nag-hesitate pa akong magsalita noong una, pero nasabi ko rin: “Ayoko sanang sabihin kasi baka husgahan n’yo ako, pero Naruto ang Harry Potter ng buhay ko.”

Nagkibit-balikat lang si Elle at sinabing, “That’s fine. Nobody minds.”

Litrato ni Higor Hanschen sa Unsplash

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.