Hindi ko kinaya ang Ingles ng dalawa ha. Ganito ba ang mga concert noon? O baka naman ito ‘yung tipo ng concert na sa CCP nagaganap, at hindi sa Araneta (o sa Folk Arts Theater, for more vintage). Huma-high brow. Sabi sa video, sa Celebrity Sports Plaza daw itey noong 1980 (1980!). Saan ba ‘yun? High brow nga ba ‘yun?
Pero grabe ‘yung mga suot nila. Kumukuti-kutitap. Walking disco ball (na kulay green pa). Nakakasilaw. Ganyan ba ang high brow noon? Also, high brow levels ba si Kuh noon? Mehn, wala akong ideya sa henerasyon nila. Ni hindi pa ako buhay nang ma-cast si Lea sa Miss Saigon. Woooh.
Speaking of, congrats kay Rachel Anne Go na na-cast bilang Gigi, ang “one of the most important small roles,” ayon sa producer nitong si Cameron Mackintosh.
Bongga ka, Rachel. Hindi ako super fan at generally kebs lang ako sa ‘yo lalo na n’ung naging Kapuso ka (tho nauunawaan ko kung bakit kinailangan mong lumipat; mas nag-shine ka nga n’ung nasa GMA ka na kasi wala kang kalaban ‘teh!). Still, congrats! Magpabida ka doon, girl. Dapat hindi ito ang una’t huling role mo sa isang bonggang musical production, keri? Char. Feeling ko lang e, ‘no?
By ze way, may Lea Salonga vibe ang fez ng bagong Kim lalo na d’un sa video ng audition niya. Lakas maka-Lea ng panga at bunganga.

At ang lakas ko ring maka-comment sa bagong cast, e hindi ko naman napanood ever ang Miss Saigon. Kapapanganak ko pa lang yata nang mag-open ang show. Pero parang maganda. At least batay sa mga nababasa kong synopsis online, parang interesting. Hanggang ngayon, totoong-totoo pa rin ‘yung sentimiento on “American dream,” lalo na sa Southeast Asia.
Maganda rin sigurong gawan ito ng “remake” version, pero Pinas naman. Tapos sa halip na sina Kim at Chris, maaari sigurong ihalaw ang kwento sa Subic Rape Case. Nicole at Daniel Smith ang peg. Pero hindi romantic, front lang ‘yung romance part (kasi hello, walang romansa sa rape!). ‘Tang ina. Hanggang ngayon—hanggang putang inang ngayon—nakakapanggigil pa rin ‘yang rape case na ‘yan. Ni-rape na nga, dinuraan at tinatapak-tapakan pa ng US ang pagkabansa ng Pilipinas. ‘Tang ina.
Anyway. Sige, pag-isipan ko itong “remake” version ko. Susubukan kong lagyan pa ng lalim ang character nina Daniel at Nicole—gagawa ako ng character sketch! Orayt. Tapos gagawa rin ako ng plot—beginning, middle, ending. Waw. Go Jolens. Panindigan mo ‘yan!