Sari-saring panaginip

Shannon

Nagsha-shopping ako sa isang mall kasama ang isang babaeng hindi ko kilala sa tunay na buhay. Shannon ang pangalan niya. Mestiza, matangkad at napakaputla. Naalala ko sa kanya ‘yung nerd na kaibigan ni Lindsay sa Freaks and Geeks. Pero sa halip na weird at religious, mukhang troubled child si Shannon. Binu-bully raw siya ng mga kaklase namin, pinagtatawanan, pero hindi siya nagsasalita. Para siyang bato. Ako lang ang kaibigan niya, pero kahit ako, hindi niya rin kinakausap. Sinusubukan kong magbukas sa kanya, nagkukuwento ako, pero poker face pa rin siya. May creepy vibe ang panaginip kong ito. Parang Carrie. Parang sa mga susunod na sandali, susunggaban ako ni Shannon at maghahasik siya ng lagim sa buong mundo.

Naanod sa ilog si EJ

Screen shot 2013-12-06 at 11.50.22 AM
Ito ‘yung bata. Mula siya rito.

Tagpi-tagpi lang din ang naaalala ko sa panaginip na ito. Una, nagbalik daw ako sa high school. Naroon daw ako sa classroom sa ilalim ng cottage, kasama ang mga bagong kaklaseng mas bata kaysa sa akin. Kaklase at katabi ko raw ‘yung isa sa mga bata sa Kids React ng Fine Bros. Tinatamad akong i-google ang pangalan niya, pero tiyak kong siya ‘yung batang nasa panaginip ko. Dahil masyadong matangkad ang batang nasa harap ko, ginalaw ko ang upuan ko pakaliwa. Nairita daw sa akin itong bata mula sa Kids React, nagreklamo, ba’t daw ang ingay ng upuan ko. Ako naman, pumatol. Inaway ko rin siya, nakipagsagutan ako hanggang sinaway kami ng teacher. Agit na agit daw ako.

Cut to another scene. Same school. May isang matarik na slope na kailangan naming akyatin—ibang mga tao naman ang kasama ko. Naakyat na nila ang slope, pero ako, kinailangan ko pang bumwelo. Naglakad ako paatras, tumakbo nang mabilis, hanggang sa wakas, nakarating din ako sa tuktok. Nasa gilid ako ng kalye, at tinawag ko si EJ para magpalit kami ng pwesto. “Ayaw kong mahulog sa ilog,” sabi ko sa kanya. Kapag sinilip mo ang bingit ng kalye, may rumaragasang ilog sa ibaba. Nakakatakot. Malakas pa ang hangin, kaya natatakot talaga akong matangay at mahulog.

Tapos nahulog si EJ. Inanod siya. Takot na takot ako kasi ‘tang ina baka mamatay siya. Pabalik ang agos ng ilog, at nakita naming sinusubukan ni EJ na lumutang kasabay ng agos. Tinakbo namin ang daan pabalik, dumulas kami sa matarik na slope at nahabol namin si EJ. Inabangan siya ng mga kasama naming mabilis at malakas. Nakaligtas siya. Nag-sorry ako pagkatapos at nagising.

Ang kyut mo parang bato

Mula rito

May science project akong ginagawa. Partner ko si Chito ng Parokya, at kalaban namin si Vinci at ang kapartner niyang babae. Nag-fail ang experiment namin, pero sa huli, natalo pa rin namin ang Team Vinci. Nang pauwi na kami, naisip ni Chito na mag-swimming. Ayaw ni Vinci kasi inaantok na raw siya. Inaantok din ang partner niya. Kami lang ni Chito ang bumaba sa van nang mag-stop over kami isang cold spring.

‘Yung sumunod na eksena, nakaupo ako at may tumulak sa akin. Nalaglag daw ako sa ilog nang patalikod. Mababaw lang ang ilog, kaya nakabangon agad ako. Pagbangon ko, nakita ko si Chito, kumakanta at sumasayaw. Saka ko lang napansin na may background music palang tumutugtog at para kaming nasa music video. Hindi ako naabisuhan, ito yata ang music video ng bago nilang kanta.

Natatandaan ko pa ang chorus: ang kyut mo/ang kyut mo/parang bato. Hindi ko alam ang ginagawa ko habang tumutugtog ‘yun, pero go with the flow lang ako. Nang dumating sa “parang bato” ang lyrics, kumuha ako ng tatlong bato mula sa sahig ng ilog, nilagay ito sa palad ko, at pinakita kay Chito with matching smile. ‘Yun ang naisip kong on-the-spot interpretation ng ang kyut mo parang bato. Kasi ‘tang ina anong sense ‘di ba?

Panay kanta at sayaw lang kami habang sumasabay sa agos ng ilog. Pagkatapos ng kanta, bumalik kami sa parking lot at nakitang pinapaalis na ang iba pang Parokya members. “Alas tres na, tapos na ang oras niyo,” sabi ng boses. Inaantok silang lahat, parang nabubugnot. Kami naman ni Chito, nagmadali ring bumalik sa van para umalis na. Pahina nang pahina ang background noise, ang ingay ng makina ng kotse, ang pagsigaw n’ung mamang nagpapaalis sa amin. Hanggang mag-fade to black ang eksena at nagising na ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.