ANAK NG tokwa ‘tong pelikulang ‘to. Napakunot ang noo ko sa unang 15 minuto: pota kilala ba ako ng nagsulat nito? Ito na ba ang kidlat na ipinadala sa akin ng maykapal para tamaan ako?
Okay, hindi ako feelingera (siguro slight?). Laking Cinema One ako ano. Kabisado ko ang “I’m so stupid” line ni Budjoy. Eksyusmi, may soft copy ako ng pelikula (sorry, pirata, pero hello may DVD ba ‘yun?). At sa lahat ng bespren-turned-lover flicks, paborito ko ang Kung Ako Na Lang Sana. Tuwing naaabutan ko iyon sa Cinema One o sa blockbuster afternoons ng ABS, mehn, tinatapos ko talaga. ‘Di baleng ‘di ko nasimulan. Solb na solb sa akin ang bespren chemistry nina Sharon at Aga (ShAga? GaRon?).
Pero kahit gasgas na ang premise, umalagwa pa rin ang pagka-assumera ko sa unang 15 minuto ng pelikula (si Mae Cruz ang direktor, FYI). Una sa lahat, bakit naman Cat ang pangalan ni Bea? Ikalawa, medyo bargas magsalita dito sa Cat—gumagamit ng salitang “ulol,” at malayo siya sa “prim and proper” archetype. Ikatlo, ‘yung eksenang pinipilit siyang magsuot ng magandang blouse? At hirit siya nang hirit ng, “‘Wag na, okay na ‘to”? ‘Tang ina ako ‘yun.
Pero obviously hindi ako maganda. At obviously, ‘yung Wacky ko e hindi ako mahal (“Wacky ko” eeew). At most obviously, hindi sa akin umiikot ang mundo kaya tiyak kong laksa-laksang babae rin ang naka-relate kay Cat. Hindi lang ako. (Medyo nakaka-aray ding isipin na ‘yung Wacky ko e may ibang Cat. Kapag napanood niya ‘to, alam kong may ibang babaeng papasok sa utak niya. Ganoon ko siya ka-kilala. Hay.)
Anyway, pagkatapos panoorin, my opinion still stands: pinakamaangas pa rin ‘yung Kung Ako Na Lang Sana sa lahat ng bespren films. Sumunod ‘yung Labs Kita, Okey Ka Lang, dahil sa charms ni Jolina (ehem!) at ng Baguio. Hindi ko pa napapanood ang Mangarap Ka, at walang silbi sa sangkatauhan ang Paano Na Kaya. Disente naman itong She’s The One—saktong swak sina Dingdong at Bea para sa isa’t isa, pero masyadong tuod ang kwento. Masyadong isiniksik ang sarili sa formula (TL;DR besprens secretly in love, end up together eventually). Kadiri ‘yung “break up” exchange sa kotse, ‘yung bigla-biglang “pagpapaubaya” ni Enrique “let’s be honest” Gil, at ‘yung rain scene sa dulo (naubusan ng ideya, mga ‘te?).
Pero hot si Dingdong. Wala naman akong reklamo d’un.
Galing sa Pinterest ang featured image
Leave a reply to thinksayfeel Cancel reply