Umuwi na tayo dahil wala nang sense ang ating mundo

N’ung Sabado, halos buong araw kong pinakinggan nang paulit-ulit ang Parnaso ng Payaso, ang tanging album ng Pan sa pagkakaalam ko. Ang sakit sa puso. Hindi naman malungkot at malakas maka-“aray naku” ang tema ng album. Sadyang may kakayahan lang talaga ang musika na manghikayat ng lungkot at mag-udyok ng pangungulila.

Kaninang umaga, naligo ako sa saliw ng “Nakauwi Na” ng Ang Bandang Shirley, isa sa mga paborito kong banda. Naadik ako sa kanila noong nasa Pilipinas pa ako at paulit-ulit ko ring pinatugtog itong “Nakauwi Na” sa opisina ng dyaryo. Minsang pinuna ng ilang kasamahan ang lyrics ng kanta dahil may mali raw sa grammar. Mali raw ang tense ng “nakauwi na” dahil inconsistent ito sa tense ng ibang linya. Siyempre ipinagtanggol ko naman. Katumbas kako ng “I’m home” ang “nakauwi na.” As in: “I feel like I’m home whenever I’m with you.” E wala sa mood makipagtalastasan ‘yung dalawang kumag kaya ‘ayun, nauwi na lang kami sa a basta.

Hindi ako super fan ng Rivermaya pero lolokohin ko lang ang sarili ko kung itatanggi kong natutuwa ako sa mga kanta nila. Kung batang 90s (o early 2000s) ka sa Pilipinas, mahirap iwasan ang Rivermaya. Laging nasa radyo ang mga kanta nila noon. ‘Yung mga kakilala kong nag-aaral maggitara, inaaral at tinutugtog lagi ang “Hinahanap-hanap Kita.” May tatlo kaming party noong hayskul at laging may Rivermaya para sa slow songs — You’ll Be Safe Here, If, 214, at iba pa.

Sa totoo lang hindi naman ako masyadong malungkot na watak-watak na sila. May “Rivermaya” pa rin naman pero hindi na maibabalik ‘yung dati. Sabi nga ng isang kasamahan sa dyaryo, “Buti na lang talaga marami silang naimbak na magagandang kanta.” True, true.

At siyempre, ang quintessential angas song ng mga OFW (kahit hindi naman ako OFW): “Balikbayan Box” ng Eraserheads. Ewan ko kung bakit hindi ito simpatok ng iba pang kanta ng ‘Heads. Ang husay/ganda/sarap sa puso ng buong Sticker Happy.

Hay. Nami-miss ko ang UP, mehn. Nami-miss ko ang Pilipinas. Oh well. Kibit-balikat na lang. At buntong-hininga. Isang malalim at payapang buntong-hininga.

4 Comments

    1. Jolens

      Hahaha. Nakaka-frustrate lang minsan kapag mag-isa ka lang nakaangkas sa trip mo, alam mo ‘yun? Haha. Kaya sobrang na-excite ako na mahilig ka rin sa mga ganito! Yey! Online apir!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.