And While We Were Here (2012), That Awkward Moment (2014)

Alam mo ‘yung pelikulang nagpipilit magpaka-artsy? Ito ‘yun.

Okay please, I know. Siguro mas marami pang pelikula ang mas akmang ituring na pretentious kaysa rito sa And While We Were Here ni Kat Cairo. Pero mehn. Ang setting: sa isla ng Ischia sa Italya. And bida: si Jane, played by Kate “ang payat-payat ko na” Bosworth. Ang problema ng bida: hindi na sila masaya ng asawa niya kaya’t pansamantala siyang “nahulog” sa isang 19-year old na nakilala niya habang nililibot ang isla.

I mean, confused chick trying to find herself? With quotes like, “Do you think he recognized the blank infinity just stretching out?” Ay ‘tang ama. Spell pa-deep.

Karamihan sa mga eksena ay naganap sa kalsada/katubigan ng Ischia, na naaayon naman sa soul searching motif. It’s also worth noting that indoor scenes were mostly of Jane just staring into space.

Screen Shot 2014-06-07 at 2.16.10 PM

‘Di ba paminsan, nahuhuli natin ang ating mga sarili na nakatitig lang sa labas ng bintana? Tapos maya-maya, depende sa mood, matatawa tayo kasi ang arte-arte lang. Well, that’s basically what this film is about: ang chronic contemplation fez ni Jane, at ang mga kaartehan niya sa buhay.

Wala naman akong allergy sa existential conflicts, o sa pa-deep dialogs, o sa titig-sa-kawalan blocking. Hindi lang ako natuwa sa pelikula, marahil dahil hindi talaga compelling ang character ni Jane. Masyadong mahina, masyadong conflicted at indicesive. Maaaring iyon ang mismong punto ng pelikula, pero sorry, mas nairita ako kaysa nakisimpatya.

Pagkatapos ng pelikula, kebs. And yes, sa huling frame ay nakatitig pa rin si Jane sa kawalan. Of course.

O isa pa. That Awkward Moment, directed by Tom Gormican.

Tungkol ito sa tatlong magkakaibigan at sa kanya-kanya nilang romantic pursuits. More specifically, tungkol ang pelikulang ito sa tayo-na-ba-o-hindi-pa stage ng relasyon—that DTR (defining the relationship) stage.

In recent years, mahirap nang makahanap ng pelikulang nais lamang maging stereotypical. Most genre movies try to subvert the genre itself, or at least deliver more than what’s normally expected.

‘Yung mga young-adult fantasy, mayroon nang political undertones (kahit nga Step Up, nagkaroon ng “revolution” mode thanks to the mainstreaming of the occupy movement). Sa recent Disney films, hindi na basta dependent sa prince charming ang bida. Mangilan-ngilan ding pelikula ang sumubok i-reinvent ang Manic Pixie Dream Girl archetype (I think 500 Days of Summer makes a strong case for this assertion, but that’s for another discussion).

So nang pinanood ko ang pelikulang ito, inasahan kong may kahit mapusyaw na bahid man lang ng subversion. Siguro hindi gaanong masaya ang ending, o siguro walang sappy confession/give-me-a-second-chance scene.

But no. Mali ako. Hualei. The whole time, I was like:

Neknek n’yo. Ugh.


Galing ang featured image sa Pinterest.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.