Linggo ng umaga

Nanaginip ako: may sort of reunion daw ang batch ko noong hayskul. Nasa isang malaking gazebo kami. May kumakain, may mga nagtatawanan. Kahit 25 lang kami sa buong batch, may kanya-kanyang mesa pa rin ang bawat “barkada.”

Sa panaginip, hindi ako gaanong nakikisalamuha sa kanila dahil abala ako. Hindi ko na maalala kung ano nga ba ang inaasikaso ko. Nagsabi rin ako na maaga akong uuwi dahil may kailangan pa akong puntahan. Totoo ‘yun, walang stir. Abala talaga ako at hindi lang basta nagpapalusot.

Mukhang may planong mag-roadtrip ang batch kaya napag-usapan kung sino ang mga may sasakyan. May sasakyan ako at game naman akong mag-long drive. ‘Yun nga lang, kailangan ko na talagang umalis. Inisip kong sabihin na hahabol na lang ako, o kaya susubok na bumalik agad kapag natapos ko na ‘yung gagawin ko. Pero bago ko pa man nasabi iyon, biglang nag-transition ang eksena: may kasal.

Kasal daw iyon nina Ashley at Marc. Kaklase ko si Ashley noong elementary, at si Marc ang jowa niya siguro mga anim na taon na. Hindi ko naging kaklase si Marc, pero naging kaklase siya sa hayskul ng mga kaklase ko noong elem. Ang hindi ko maunawaan: anong ginagawa ng kasal nila sa gitna ng reunion namin? Siyempre panaginip lang naman ito, kaya hahayaan ko na lang na maging rhetorical ang tanong na ‘yan.

Nakausap ko rin sa panaginip si Jayson, isa sa mga ka-batch ko na naging kaibigan kong malapit, pero hindi rin. Sa tingin ko kasi, masama ako noong hayskul. Pino-project ko sa ibang tao ang mga insecurity ko, kaya kakaunti lang ang masasabi kong tunay na kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Nag-aaral na ng medisina si Jayson. Sa panaginip, tinanong ko siya kung sa Iloilo siya nakatira dahil doon siya nag-aaral, pero sinabi niyang hindi—iba raw ang probinsya sa lungsod ng…ewan ko.

Mula sa kasal nina A at M, nag-transition ulit ang panaginip ko. Napunta ito sa eksena sa trabaho noong Biernes (walang kinalaman sa reunion o sa kasal). Nagmadali akong umuwi para maabutan ang 4pm bus. Ako ang huling tao sa opisina, at naalala kong puta, hindi ko pala na-set ang security alarm. At nagising ako.

Nag-aalala ako. Totoong iyon ang nangyari; nakalimutan ko talagang i-set ang putang inang alarm. Pwede kaya akong mag-drive papunta sa trabaho ngayong araw para lang i-set ang alarm? Pero hindi ko man lang tiyak kung bukas ang building dahil Linggo ngayon. O baka naman pwedeng pumunta na lang ako sa trabaho nang maaga bukas (Lunes), para walang makaalam na hindi ko na-set ang alarm. Pero puta, 7am pa lang naroon na si Ruth, at medyo conspicuous kung pupunta ako roon bago mag alas siete dahil alas otso pa ang simula ko.

Ay ‘tang ina. Hahayaan ko na lang. Bukas, hihingi na lang ako ng tawad sa kapalpakan ko. Sana wala namang nawala, o nanakaw. Sana walang nangyaring masama dahil nakalimutan kong i-set ang alarm. O sana, may pumunta sa opisina at naka-realize na naka-off ang alarm at siya na mismo ang nag-set nito. Pero ya, wishful thinking. Asa pa.

Anyway, magandang umaga!


Ang featured image ay screenshot mula sa kalakip na video.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.