I want someone to stand, stand by me

Ito ‘yung isa sa mga kantang ang tagal-tagal nang nakatengga sa playlist ko pero miminsan ko lang mapakinggan. Nagulat ako nang biglang tumugtog n’ung isang araw habang naka-shuffle mode ako. ‘Tang ina. Parang mahabang text o email mula sa kaibigang matagal ko nang hindi nakakausap. Parang paghiga sa kama matapos ang isang buong araw na digmaan laban sa sangkatauhan. Ang sarap sa tenga/pakiramdam.

Inis na inis ako sa English class ko. Wala akong natututunan. ‘Yung academic paper namin, 5 references maximum. Oo, maximum—bawal lumampas. Akala ko noong una, mungkahi lang iyon. Tipong suggested retail price na maaaring patungan kapag ibinibenta na sa mga suking tindahan.

Kaya nagtanong ako kung pwedeng gumamit ng higit sa lima. Aba’y hindi raw. Imposible raw humigit sa lima kung limang paragraphs lang ang kailangang isulat. Limang talata? Ay aba teka teka. Seryosong hanggang limang talata lang ang maaari naming isulat? Ano ang hitsura n’yan, limang malalaking bulto ng Times New Roman sa papel? Hindi ba nakaka-asulto ‘yan sa mata?

“Just do it,” sabi ng kaklase ko. Nainis yata dahil gulat na gulat ako sa 5-paragraph limit. Sumuko na lang ako. “All right,” sabi ko. Pero sa loob-loob ko, anak ng puta, naglolokohan ba tayo?

Ibinahagi ko sa nanay ko ang galit ko. Sabi ko pakiramdam ko nagsasayang ako ng oras at ng pera. Hindi dapat ganito ang inaaral ko. Hindi ganito ang inasahan ko rito. Naturingan pa man ding first world.

Maraming sinabi si madir. Mag-aral na lang daw ako ng abogasya o kaya maging engineer—ano raw? Pero ang pinakamatalino niyang sinabi, bakit daw hindi ko subukang mag-aral sa ibang eskwelahan. Baka mas maayos, at baka mas mabawasan ang mga kailangan kong kunin na kurso bago ako ma-admit sa university. Oo nga. Tama. Iyon ang gagawin ko. Ang galing. Ang galing ni Mama.

Tabingi 'yan, alam ko. Tatlong taon na sa akin ang camera ko pero bano pa rin ako kumuha ng litrato.
Tatlong taon na sa akin ang camera ko pero bano pa rin ako kumuha ng litrato.

Uminom ako ng Coke ngayong araw. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako iinom ng sopdrinks pero iba rin ang hikayat ng junk food tuwing may poot ako sa dibdib. Para bang gusto ko lang abusuhin ang sarili ko. Parang ‘tang ina, suko na ako. Pwede bang lusawin n’yo na lang ang sikmura ko, pasabugin ang mausok na baga, at putaktihin ng kanser ang sistema ng katawan ko?

Pero magsisisi rin ako pagkatapos. Masama ang tingin ko sa lata ng Coke ngayon. Bakit ba kita ininom ‘tang ina ka. Pula. Pula ang kulay ng kanser.

O panginoon ‘wag naman po sana akong magkakanser.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.