MAY PASOK ako ng 6:15 pm pero naiwan ako ng jeep at bus na dapat sasakyan ko. Ang ginawa ko, tiningnan ko ang iskedyul ng mga bus at jeep. Sumakay ako sa jeep na sa tingin ko magdadala sa akin sa train station na may byahe papunta sa school.
Umupo ako sa likod ng drayber para pwede kong matanong si manong kung saan ako dapat bumaba. Nang nilingon ako ni manong, anak ng potek, si Luis Suarez! Hindi naman ako sumigaw o umarteng parang shunga. Stick pa rin ako sa orihinal na problema na kailangan kong makarating sa eskwelahan bago mag-alas sais.
Tinanong ko si Suarez kung may tren ba doon sa susunod na stop (as if may konsepto ng “jeep stops” sa Pinas). Meron daw, sabi ni Suarez. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta, nakichika pa siya sa ibang pasahero. Baggy blue shirt, lumang maong — porma’t hitsurang uring manggagawa si Suarez mehn!
Sa gitna ng biyahe, napansin ko na nagmumukhang probinsya na ang scenery. Sa halip na abalang lungsod, mga sakahan at green-brown fields ang nasa daan. Internal panic mode on! Kalabit kay Suarez.
“Uy manong, dadaan ba talaga kayo sa train station?” tanong ko.
“Oo, merong istasyon doon sa stop,” sagot ni Suarez. In Tagalog, oo.
Nakarating kami sa stop. Kinausap ako ni Suarez kung saan ba talaga ako pupunta. Nawala ‘yung sandalan ng driver’s seat at nilingon niya ako nang direkta. Kinausap niya rin ang ibang pasahero kung may train station nga ba roon. Meron naman daw. And may I just say na habang kinakausap ako ni Suarez, nakapatong ang kamay niya sa legs ko — pero walang malisya. Hindi naman ito sexual assault creepy panaginip.
Bumaba ako sa jeep at sinamahan ako ni Suarez na hanapin ang tren. Sinundan namin ‘yung mga sign pero pota, nakarating kami sa simbahan. Doon ko nakita ang kaibigan kong si El (na Suarez din ang apelyido) at ang jowa niya. Napahinga ako nang malalim.
“Huy El, pupunta ka ba sa train station?”
Oo raw, pupunta raw sila sa train station. Sabi ko hintayin nila ako, bibili lang ako ng tiket. Sabi nila sige.
Hinanap namin ni Suarez ang bilihan ng tiket. Nakarating kami sa isang open karindirya — walang pader pero maraming upuan at may mga mesa kung saan nakahain ang mga putahe. May nakapaskil din na “bus ticket? available!” Nagutom si Suarez kaya sabi niya uupo muna siya. Sabi ko sige.
Bumili ako ng bus ticket at tinanong ang tindera kung nasaan ang train station. Sabi niya malayo-layong lakarin pa raw ‘yun pero hindi naman sobrang layo. Sinenyas niya sa kamay ang distansya pero hindi ko na tinanong kung ano ang scale conversion niya at kung ano ang depinisyon niya ng malayo. Solb na ako basta ba kumpirmadong may train station sa baryong ‘yun.
Hinanap ko sina El. Ang problema, medyo magulo ‘yung mapa ng baryo. Sinubukan kong i-trace ‘yung daan na binagtas ko papunta sa karindirya galing sa simbahan. Wit. Liliko ako sa akala kong tamang kanto pero mali pala. Didiretsuhin ko ang daan pero waley din. Nakarating ako sa bahagi ng baryo na may dagat pero nang masilayan ko ang dalampasigan, woops, atras agad.
Matagal-tagal din akong nag-ikot. Tumingin ako sa relo at malapit nang mag-6:15. Hindi na ako aabot sa klase. Baka iniwan na rin ako nina El at baka umalis na rin si Suarez dahil may byahe pa siya. Binagtas ko ang daan pabalik sa karindirya. Mas madali palang bumalik kaysa pumunta. Hindi na ako nagmamadali.
Malayo-layo pa ako sa karindirya nang makita kong naroon pa rin si Suarez. Nakaupo, nakatalikod. Binilisan ko ang lakad at confeermed, si Suarez nga, kumakain ng tinapay.
“Uy!” sabi niya. “Ano, nahanap mo sila?”
Hindi na ako sumagot. Tumayo lang ako at tinitigan siya habang tinatakam ang sandwich. Shet, inisip ko, papasa pala talagang jeepney driver si Suarez.
Ang featured image ay mula sa Daily Star.
Hahahaha! Haneeeeep si Suarez pumasok sa panaginip mo! Sana si Messi pumasok din sa panaginip ko! Haha.
Nice!
LikeLike
Lakas ‘no? Hahaha. Nood ka lang nang nood ng Barca games, mapapanaginipan mo rin si Messi! Hahahaha.
LikeLike
Haha! Yun nga eh, di na ‘ko makapanodd lately. Invite mo nalang ako tsaka si Messi sa panaginip mo. Sali nalang kami sa’yo. Haha.
LikeLike
Hahaha kung pwede lang e. 🙂 Naku ‘te, natalo ang Barcelona today huhuhu. 😦
LikeLiked by 1 person
Jusko! Si Suarez eh isa sa mga naging crush ko (hanggang ngayon pa rin naman). Ang ganda na panaginip, nainggit ako! Hahahaha.
LikeLiked by 2 people
Buti na lang talaga malapit nang matapos ang ban ni Suarez. Nakaka-excite ang kanyang pagbabalik! :)))
LikeLiked by 1 person