‘Tang ina natalo ang Barcelona.
Ang saya siguro ng mga Madridista. Pinahiran nila ng tae ang clean sheet ni Bravo at sila ang unang nakatalo sa Barça sa Liga ngayong season. Mga neknek nila, peste.
Although sige, ibibigay ko naman sa kanila ang panalo. Ang husay e. Nakakabilib ang team effort — it was game won as a team and not by individual brilliance. Ni hindi man lang nag-shine bright like a diamond si Cristiano Ronaldo. Si Marcelo yata ang MOTM. Ang solid niya kasi kaliwa, both up front and in the backline. Solid sila ni Carvajal mga ‘tang ina nila.
Tapos puta nakapuntos si Pepe. Anak ng tinapa. Matindi talaga ang galit ko sa mukha ng pangit na ‘yun. Watching him celebrate is like hearing a chalk screeching against a blackboard. Nakakairita nang fatale!
Masaya naman akong makita si Suarez na naglalaro ulit ng football. Aaminin kong bago siya sumali sa Barça e hindi ko siya masyadong type (mainly because of the handball against Ghana, peste siya). Pero ngayon, dahil mahal ko ang Barcelona, mahal ko na rin siya. At masaya ako na mukhang kumportable siya kanina kahit apat na buwan din siyang hindi nakapaglaro, liban sa ilang national at league friendlies. Tiyak akong mag-iimprove pa siya lalo na ngayong lifted na ang ban. Magandang bagay naman ‘yun.
Isa pang magandang bagay: nasa top pa rin ng liga ang Barça. Isang puntos na nga lang ang lamang at posible pang maka-tie ang Sevilla. Kung nanalo sana sila ngayong araw (at kung matalo ang Sevilla), 7 points ahead na sila. Mahirap nang habulin ‘yun. Almost impossible in a “shallow” league with only 3 main contenders for the trophy. O sige, 5 kung kasama ang Valencia at Sevilla.
Hay buhay. Nakakainis na punyeta na ewan. Ito ‘yung mga tipong araw na tanging malamig na malamig na malamig na Pale Pilsen lang ang pwedeng gawing panulak sa sama ng loob.
Mula ang litrato sa Daily Mail