BURGIS NA kayabangan siguro itong maituturing pero hindi ba’t ang jologs ng mga pangalang may silent “h” sa gitna? ‘Yung tipong Jhasmine o Bhea o Dhonalyn. Naku, isa pa ‘yang mga pangalang nagtatapos sa “lyn” o kaya—dios mio patawarin—lhyn.
Hindi naman ako tumatawa o nangangantyaw tuwing may nakikilala akong Jhonalyn o Gheralyn. May agarang panghuhusga lang na kumakalabit sa isip ko: siguro hindi sila mayaman.
Class-based, oo. Mukhang wala naman sa hinagap ng mga Sy at Zobel at Gokongwei na magdagdag ng silent “h” sa gitna ng pangalan. Khecelyn Zobel o Jhobert Elizalde—parang ang sarap sagutin ng, weh?
Hindi lang kasi basta pangalan ang pangalan. Makapangyarihan ito kung tutuusin. Exhibit A: Jonalyn Viray.

Mahusay na singer si Jonalyn pero hindi naisalba ng nose job at kilay-on-fleek ang imahe niyang pang-class D. Ang hirap niya kasing i-market via word of mouth. Lakas ng Inter-barangay Singing Contest 2nd Runner Up vibe. Walang masama sa amateur singing contests ha, pero taob ang Jonalyn Viray sa regal elegance ng Nora Aunor at donya prowess ng Regine Velasquez.
Alam iyon ng mga producer ng Star Music kaya nang sumakabilang-network si Jonalyn, nag-rebrand si madame at naging, pak, si Jona. At bilang si Jona, mas nagkaroon siya ng potensyal na humakot ng mga fans na de-kotse at nagsha-shopping sa S&R. Ako talaga itong invested sa career ni Jonalyn ano?
Punta tayo sa Exhibit B: Queen Elizabeth Pacquiao.
Nouveau riche si Pacquiao, klasik na kwentong mahirap at yumaman kalaunan. Ngunit sa kabila ng kanyang social at political influence (would you believe it), patunay ang pangalan ng kanyang bunso na si Queen Elizabeth sa “taste” ni Pacquiao. Wala rin namang masama sa ganyang pangalan; elitista at mapanghusga lang talaga ang lipunan. O ako lang ba ang napapangiwi ng labi sa pangalang Queen Elizabeth? Dinamay ko pa ang buong lipunan.
Ang punto ko: may kultura’t kasaysayan na ipinapahiwatig ang mga pangalan natin. May kultural na batayan kung bakit noo’y sikat ang mga pangalang Diosdado o Milagros pero ngayo’y mas patok na ang Joshua o Hailey. Bagaman mas matagal tayong napailalim sa kolonya ng Espanya, nagbigay tulay naman ang globalisasyon at ang pag-unlad sa teknolohiya upang mas umigting ang impluwensiya ng popular na kulturang Amerika.
Ngunit kung mayroon mang consistent na impluwensiya sa mga tanyag na pangalang Pilipino, iyon ay ang impluwensiyang Kristiyano. Kung magtitiwala tayo sa babynames.ch na batay raw ang mga datos sa NSO, ang consistent na pinakatanyag na pangalan sa Pilipinas ay Angel at ang mga derivative nitong Angelica o Angela.
Isa pang sikat na pangalang pambabae: Maria. At Exhibit C: ako, si Ma. Jolina. O ‘di ba ang kapal ng apog kong manlait e ako naman itong may Maria sa pangalan. At hindi lang basta Maria, ‘yung abridged version pa!
Ngunit ano’t ano man, patuloy kong lulunukin ang bungisngis at susubukang busalan ang panghuhusga sa tuwing may nakikilala akong kakaiba o kakatwa ang pangalan. Sabi ko nga sa simula, middle class arrogance lang ito. Wala nang mas nakakairita pa sa mga taong nangmamata sa kulturang masa na para bang hindi sila nakapaloob dito.
Totoo. Haha. Medyo subversive ‘yung ‘I’m Drunk, I Love You’ kasi burgis si Pathy na may ‘h’.
Sa Kulê ka ba nagsulat nung nasa UP ka pa? Hula ko, isa ka dun sa mga kolumnista sa end pages.
LikeLiked by 1 person
Nagsusulat nga ako d’un sa likod paminsan! Omygaaad nakakahiyaaa! Hindi mo naman ako kilala ‘no? Waaah. Don’t judge pleazzze! Charot nagpanic? Hahaha. Aaaaaaah.
LikeLike
Hahaha. ‘Wag ka mag-alala, hindi kita kilala as a person. Hula lang talaga ‘yun based sa recent posts mo. Ganito kasi magsulat ‘yung mga makukulit na writers sa Kulê diba.
LikeLiked by 1 person
Phew, yehey! Haha. Tagal ko nang wala sa UP hindi ko na alam kung anong meron sa Kulê ngayon. Sana nag-Kulê ka noon! Hehe. 😀
LikeLiked by 1 person
kamusta naman si Uvuvwevwevwe Onyetenyevwe Ugwemuhwem Osas haha
LikeLiked by 1 person
Totoo ba ‘yaaan?? Hahahahaha.
LikeLike
meron sa youtube at facebook 😀
LikeLiked by 1 person
Kaloka hahaha.
LikeLiked by 1 person
napanood mo na? astig diba!
LikeLike
Yung “H” sa pangalan, naalala ko ung eme ni Carson sa “I’m Drunk, I Love You” Maaliw ka.
For sure anak ko aawayin ako pagmagsusulat na at most likely magrereklamo saan ko kinuha pangalan niya. Bigyan ko ba naman ng tatlong pangalan, yung isa galing anime pa. Hahaha.
LikeLiked by 1 person
Hindi ko alam saan makakapanood ng “I’m Drunk, I Love You!” Parang maganda nga batay sa trailer!
Hahaha, ‘yung mga kaklase kong mahahaba ang pangalan, inis na inis tuwing exams kasi ang dami nilang bilog na kailangang i-shade sa scantron. 😀
LikeLike
Wala pang dvd copy available, teh. You can find cinema copies online, kung di ka nabobother sa malabong copy, background noise at minsan magalaw na screen at may mga ulo pa. Hahaha.
LikeLike
Ay mars hindi ko matiis ang camrip quality. Naluluka ako lalo na kapag nakatagilid yung kuha. Mamimirata na nga lang hindi pa nag-effort na ayusin ang angle haha.
Sana kasi may online repository ang mga pelikulang pinoy. Okay lang sa akin mag-subscribe gaya ng sa Netflix para lang makapanood huhu.
LikeLike
Hahaha! Tawang-tawa ako sa blog na ‘to. I feel you. Ang jologs talaga ng may “lyn” sa pangalan. Ang sama pakinggan at ang judgmental ko sa sasabihin ko loord, pero tunog pangalan ng kasambahay sorna. Si Jennylyn lang ang may “lyn” sa pangalan na alam kong umalagwa ang showbiz career. Yung rebranding ni Jonalyn was super right. Discussion din namin yan ng friend ko na nasa ABS (galing akong GMA dati). Napapa-cringe naman ako sa Queen Elizabeth na pangalan ng anak ni Pacquiao. Ang dami ko nang naisip na eksena na nabu-bully siya sa school dahil sa pangalan niya huhuhu.
LikeLiked by 1 person
True, in fairness naman kay Jennylyn. May angking talent din si teh kumpara sa mga kasabayan niya sa Kamuning so bet. Sana naman hindi nabu-bully si Queen Elizabeth. I’m sure kung nasa pang-alta na schoool siya wala namang konsepto ng jologs ang mga tao d’un haha. Baka isipin pa nila witty ‘yung pangalan n’ya haha.
LikeLike
Oo sa lahat ng batch 1 parang siya lang ung may successful career talaga. Ewan ko lang dyan kay Queen Elizabeth, natatawang ewan talaga ako sa name niya hahaha.
LikeLiked by 1 person
P.S. Maganda yung I’m Drunk, I Love You. Twice ko pinanood sa sine at napa-La Union kami ng friends ko dahil sa pelikula. Kainez
LikeLiked by 1 person
Ay taray! Tinanong ko friends ko hindi raw nila bet. Pero gusto ko pa ring mapanood! At gusto kong uminom habang nanonood! Charot hahaha.
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Maganda. Wala pa kong nakausap naman na hindi nila nagustuhan. Hindi siya typical Filipino romcom. Super relatable yung palabas, ganda ng OST at hangpogi ni Paulo Avelino. Haha! Ito seryoso, nagustuhan namin kasi pati ung dialogue, yung alam mong pwede mong gamitin in real life, hindi tunog script sa pelikula.
LikeLiked by 1 person
Huhu gusto ko talagang mapanood! Sana maglabas sila ng DVD!
LikeLiked by 1 person
Hopefully! Yang mga ganyang pelikulang Pilipino/indie festivals ang isa sa dahilan kaya iniisip ko kung mag-OFW ba ko haha
LikeLiked by 1 person
Ay true, nakakapanghinayang talaga huhu. Nakaka-miss din ang mga libro! Wala kasing e-copies ang releases ng local publishers. Kailangan talagang umuwi para lang makabili e ang mahal ng pamasahe hahahuhu.
LikeLike
I died at Gheralyn hahahahaha. Salamat sa insight~ 🙂 Found myself agreeing to every point.
LikeLiked by 1 person
Eee, thank you! 🙂
LikeLike
Natawa ako sa post mo, grabe. Naalala ko tuloy yung role ni Anne Curtis sa isang pelikula: Dhonabelle ata. As in Do-ho-na-belle. Pero true, napaka-matapobre lang ng attitude, kahit ako guilty nyan.
LikeLiked by 1 person
All About Love! Hahahaha. 😀
LikeLiked by 1 person
Hahaha! True. Once may auditor na bumisita sa opisina namin. Ang name nya? Princess Apple. Unang rinig ko pa lang naisip ko for sure Pinay yan. I was right. “What kind of a name is that?!” sabi ng officemates ko. Ang hirap i-explain. 😂
Kanya-kanyang culture din siguro, sa Hong Kong sobrang kakaiba ng English names nila. May kilala ako na Cosmo (dahil fave daw nya ang Cosmopolitan magazine, e ang naisip ko agad si Cosme ng Home Along), Vanilla, and Silver.
https://www.theatlantic.com/international/archive/2012/10/hong-kong-loves-weird-english-names/263103/
Hello from a fellow Maria (yung buo, hindi abridged) 😉
LikeLiked by 1 person
Naloka ako sa Princess Apple! Parang Princess Peach lang ng Super Mario hahaha. 😂 At gusto ko ‘yung pangalang Chlorophyll d’un sa article. It’s so green I love it haha! 🙂
Hello Maria! Looking forward to reading more of your blog. 🙂
LikeLiked by 1 person
Nahiya tuloy ako sa pangalan ng panganay ko haha. Adrhei pinangalan ko sa kanya, pinagsama ko kasi yung tatay ng asawa ko at tatay ko, Ado saka Rhey, haha. Saka nadale din yung sa parte na Maria kasi yung baby girl ko, Ria ang pangalan 😛
Pero ayun… Sa mga mom groups, mas grabehan magpangalan yung iba, may sz, ck,xz
LikeLike
Hahaha, ayos ‘yan! Aba’y kapag lumaking duktor o abogado si Adhrei, sino naman ang papansin sa “h”? Haha. At may kakilala ako Skyzx ang pangalan. Galit yata ang mommy niya sa vowels hahaha. 😛
LikeLike