GRACIAS, Amielle, por la nominacion! I wasn’t planning on updating this blog but thank you for giving me a reason to! ๐
THE RULES:
- Thank the person who nominated you.
- Tag it under #awesomebloggeraward in the Reader.
- Answer the questions your nominator gave you.
- Nominate at least 5 awesome bloggers.
- Give your nominees 10 new questions to answer.
- Let your nominees know that theyโve been nominated.
1. What is your childhood dream that you never get to push/achieve?
Okay mga baks, may kwento ako.
Noong bata ako, gusto ko talagang maging botanist. Mahilig akong magbasa ng encyclopedia at sa dinami-rami ng pwedeng aralin, botany ang paksa na pinakapumukaw sa interes ko. Nahihiwagaan kasi ako sa pagiging “living thing” ng mga halaman. Para bang marginalized sila sa napakaraming aspeto, ultimo sa pagkakaroon ng top-billing sa mga bugtong kasi wala sila sa karaniwang intro na “hindi tao, hindi hayop.”
Kinder pa lang, kaya ko nang i-spell ang photosynthesis (muchas gracias Sineskwela). Pagtuntong ko sa Grade 3, may project para sa amin si Mrs. Antonio, ang adviser ng Grade 3-Narra. I-drawing daw namin kung ano ang gusto naming maging paglaki. Ako naman, siyempre feelingera, drinowing ko ang sarili kong nakatayo, medyo nakayuko, at may hawak na magnifying glass. Hindi ko pa tapos ang drawing, wala pa ‘yung halaman na dapat inoobserbahan ko, nang biglang nag-comment ang echosera kong seatmate na si Julie.
“Hala, gusto mong maging singer?” sabi niya sabay tawa. Akala ni bakla mikropono ‘yung magnifying glass!
Napalingon tuloy ‘yung iba pa naming seatmate at lahat sila, takang-taka at tawang-tawa sa drawing-slash-pangarap ko. Wala namang nakakatawa sa pagiging singer; hindi lang talaga kapani-paniwalang magaling akong kumanta. At bilang mahiyaing bata, kumabig ako kaagad.
“Ay hindi,” sabi ko. “Gusto ko talagang maging painter!” Tapos ginawa ko na lang paintbrush ‘yung magnifying glass at sa halip na halaman, easel na lang ang ipininta ko. Okay lang ‘yan, sabi ko sa sarili ko. Mas madali namang ipaliwanag sa kanila ang “painter” kaysa “botanist.” Bata pa lang may higher-than-thou attitude na ako, feeling datu kumpara sa mga kaklase kong timawa.
Wala na akong interes sa mga halaman pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang araw na iyon kung kailan ko natutunang 1) wala akong kakayahan sa pagdo-drawing, at 2) sa maraming pagkakataon, wala rin akong bayag.
Hay buhay.
Bow.
2. If you could wake up and be anywhere in the world, where would it be?
Teka, bitbit ko ba ang pasaporte at pera ko? Kasi kung oo, gugustuhin kong mapunta sa Barcelona o kahit saan sa Espanya para makapanood ako ng laro sa La Liga o ng kahit anong friendly ngayong pre-season.
Kung wala akong bitbit na kahit ano, siguro sa Quezon City na lang. At least doon may mga kaibigan akong pwedeng magpainom hehe.
3. Books or movies?
Siguro books kasi mas may bigat ang pahayag na “nabasa ko ang libro” kumpara sa “napanood ko ang pelikula.” Lakas maka-matalino. And for that very pretentious reason alone, I prefer books. Haha.
4. Would it be fine if your future child reads your blog?
Ayokong magka-anak, baks. Pero kung magkakaroon ako ng anak, sige lang, read at his/her own risk.
5. If you could give an advice about the future to the 7-year-old you, what would it be?
Sabihin mo sa mga magulang mo na gusto mong mag-aral ng taekwondo o karate o ng kahit anong martial arts. At kapag may taong gustong gumawa ng masama sa ‘yo, ‘wag kang matakot na manakit at lumaban. Tatanda ka ngunit hindi mababawasan ang mga gago sa mundo. At kahit madalas wala kang lakas ng loob, lagi mong tatandaang may mga pagkakataong kailangan mong piliing maging matapang. Mahirap, pero kakayanin natin ‘yan.
Labyu, mwah mwah. ๐
6. Where do you see yourself in 5 years? (Not a job interview question; I just really want to know.)
Sana engineer na ako.
7. Do you think youโre still writing when youโre 40?
Siguro naman, oo.
8. If writing isnโt your hobby at the moment, what do you think are you doing?
Magbabasa. Manonood ng football at makiki-tsismis tungkol sa football. Manonood ng mga pelikula at ng Friends.
9. If you could have the writing skills of a specific blogger, who would it be?
Gusto ko talaga ang content ng Reverse Delay at Breeding Like Larva. Well-written pop culture review/analysis. Nakakatuwa.
10. What is your lifeโs greatest accomplishment so far?
Parang wala naman. Batay sa kapitalista’t konsumeristang depinisyon ng tagumpay, hindi ako matagumpay. Loser kumbaga. Hehe, huhu.
At heto naman ang nominees ko, na hindi ko alam kung pumapatol sa mga ganitong paandar pero gusto ko pa rin silang banggitin:
Si Bessy, na mabangis ang taste sa indie music. Bisitahin n’yo ang blog niya at matutuwa kayo, lalo na kung mahilig kayong makinig sa mga bandang walang masyadong nakikinig.
Si Eca, na mahilig kumuda tungkol sa mga bagay na mundane pero relatable gaya ng kawalang katiyakan ng mga barkadahan at ng pag-uugat sa kung bakit wala siyang (kaming) pakialam sa personal grooming.
Si Mismei, na kamakailan ay nagtungo sa Japan at namalengke ng kung ano-anong kyut na abubot. May mga travel tips din si madam kaya dalaw kayo sa blog niya kung may plano kayong maglakwatsa sa Japan.
Si Kat, na malapit nang ikasal! Nakakaloka. Mahilig siya sa K-pop at sa mga bagay na pa-beauty. Beterana rin siya pagba-blog kaya marami siyang blogging tips. Mabait si ‘teh, mapag-reply sa mga katanungan kaya pramis, matutuwa kayo sa katalogue niya!
Si Alona, na may baby girl na! Nakakaloka Part 2. Paminsan lang siya mag-post at hindi lahat ng kwento niya, masaya. Minsan napapagod at nalulungkot din si ‘teh and you really get to appreciate the genuineness of her posts (naks).
Narito ang aking mga katanungan:
- Excluding social media and blogging platforms, is there any other website that you constantly visit?
- Let’s say I want to start a twee pop band. Raw guitar sound, anti-folkish vibe, and tamad-tamaran school of singing a la Zooey Deschanel—care to suggest a band name?
- If I were to visit your city, would you meet up with me so we could make chika in person?
- Do you identify as a feminist? Why or why not?
- Would you ever consider going vegetarian?
- What do you think about President Duterte’s term so far?
- Favorite book?
- What’s the last song that got stuck in your head?
- Do you ever get hit by a sudden feeling of loneliness? How do you deal with it?
- Anything you want to achieve before the year ends?
Hayan lang muna! Salamat ulit sa napakagandang si Amielle. ๐
Dito ko nakuha ang featured image.
Hahahaha tuwang tuwa ako sa pagsagot mo sa mga tanong!! Pero baks bakit ayaw mo magka-anak?
LikeLiked by 1 person
Ang laking responsibilidad, baks. Parang ang dami nang masasamang tao sa mundo, nakakatakot na baka makadagdag pa ako. Pero okay lang sa akin maging tita o ninang! Tagapisil lang ng mga kyut na pisngi! Hahaha.
LikeLiked by 1 person
OMG yan din nasa isip ko. Ang hirap magpalaki ng tao at nakakatakot din! Hahaha may bata akong kinurot dati, nagkapasa sa sobrang gigil ko…oops! Hahaha
LikeLiked by 1 person
Hafraid! Hahaha. Iniisip ko nga at least ‘yung pagpapalaki kahit paano ay kontrolado natin. Pero paano ‘yung ibang factors na wala tayong control? ‘Yung mga bully, mga mamamatay-tao, mga pari na nanghahalay…naku nakakatakot! ๐ฆ
Pero nega lang ako hahaha. Sabi nga ni Alona girl, iba rin ang fulfillment ng pagiging magulang. ๐
LikeLiked by 1 person
Kailangan ko atang patulan ito para may laman na ulit ang blog ko. Hahaha.
LikeLiked by 1 person
HOLY SHIT BUHAY KAAAA!!! YES PLEASE!!! NAMISS KITAAA!!!
LikeLike
Holy shit magkakilala kayo ni Marco?! Lol
LikeLike
Dito lang sa blog! Haha. Magkakilala kayo in real life??
LikeLike
Yes. Magkaklase kami nung college! Haha!
LikeLiked by 1 person
Small world kaloka haha.
LikeLiked by 1 person
Maliit lang naman mundo ng mga nagba-blog na Pilipino I think. Or konti pa lang nadidiscover ko haha
LikeLiked by 1 person
Trulalu.
LikeLike
i hope wp translated this correctly. lol
LikeLiked by 1 person
Oh no, probably not lol. Thanks for “reading” anyways haha. ๐
LikeLike
I thought it would do Canadian better. ๐
LikeLiked by 1 person
thank youu!!! gusto ko to :’D dami ko tawa lalo na sa kwentong botanist mo pambihira. ako din ayoko magkaanak hehe.. mas gusto ko na lang mag alaga ng mga pusa. o baka takot na lang din ako. ewan. hayy.
LikeLiked by 2 people
May takot factor talaga ang pag-aanak ‘no? Hehe. At mas bet nga ang mga pusa. At least sila pwede mong iwan sa bahay nang ilang araw at hindi mo poproblemahin ang pang-tuition haha. ๐
LikeLike
Gurlllllll, grabe thank you naman. Mabangis talaga?! LOL. Same tayo, ayaw ko rin magka-anak. Ika nga ng isang stand up comedian: “Why own when you can uncle?”
LikeLiked by 2 people
Mabangis talaga! Hahaha. Bet ‘yung quote! Let’s be aunties na lang! Hahaha. ๐
LikeLike
Patulan ko rin ata ‘to para di na ako magisip ng content. HAHAHAHA.
2 years ago sabi ko din ayaw ko “pa” magkaanak kahit na sobrang kinukulit na ako ng lola ko na maganak na daw ako (take note, anak lang sabi niya, walang asawa) kasi matanda na daw ako. Duh, bente-otso lang ako nun. Kaya pa ng matres kong matengga ng ilang taon. Pero dahil masunuring apo ako sinunod ko naman si lola. Binigyan ko siya ng apo sa tuhod sans asawa.
Scary ang thought na magkababy pero napaka fulfilling kapag andun na (in my case, unplanned eh sooo, waley choice bes). Next year na lang ung asawa. HAHAHAHAHA.
Hindi kita pipiliting magbaby kasi masaya maging tita’s of manila. Tsaka magastos, bes. Sobraaaa.
LikeLiked by 2 people
Ay naks. ๐ Siguro nga walang makakatumbas sa fulfillment na nararamdaman ng isang nanay. Hindi ko lang alam kung para talaga sa akin.
At totoo buh na may pag-aasawang magaganap next year? Bongga! ๐
LikeLike
May chance, teh. Hahahaha.
LikeLike
Gandaaa! Ganda neto talagang dinibdib! Thank you, Ate!
Naloka ako sa photosynthesis parang grade school ko pa ata huli na-encounter ‘yung word na ‘yun… ๐ฆ HAHAHA
LikeLiked by 3 people
Salamat din sa pag-nominate Amielle! Haha. ๐
LikeLiked by 1 person
Panalo yung story ng botanist-turned-painter. ๐ Changing the magnifying glass to paint brush real quick means may pagka-dugong artist ka. Heheh..
LikeLiked by 2 people
Napagkamalan kasing microphone ang magnifying glass e kaya napilitan hahaha. ๐
LikeLiked by 1 person
Salamat po sa nomination naks haha
Saka salamat din sa pagtyaga basahin yung mga post kong parang laging lost sa real world. Dramuch sa mga simpleng bagay ๐
LikeLiked by 1 person
Walang anuman! ๐
LikeLike
Maraming salamat sa pagtangkilik sa mga sinusulat ko haha. Dahil diyan, pag napadpad ka talaga dito sa QC at game ka, ililibre kita ng beer o kung anuman. Let’s meetup and make chika lol.
LikeLiked by 1 person
Hoy sabi mo ‘yan a! Walang bawian! Matagal pa siguro bago ako makauwi pero peksman mamatay man ‘yung painom ha! Yaaay! ๐
LikeLiked by 1 person
It’s on public record here, doncha worry. Game, Red Horse sa Route o Lights sa (bagong) TKick o kung anong trip. Pwede din Sarah’s, grad student na ako, hindi parin ako nakakaapak doon. Hindi naman sa burgis ako, pero ‘yung mga kainuman ko kasi. Hahaha.
LikeLiked by 2 people
Wah, as in never ka pa nag-Sarah’s ever? Ever?? Kaloka, hindi na ba patok ang Sarah’s ngayon? Pero sa bagay ako rin naman dati hindi ko first choice ang Sarah’s. At game ako kahit saan basta may Pale! Pale over Red Horse over Lights! Haha. ๐
LikeLiked by 1 person
Yep ever. Ewan ko ba, hindi uso sa circles ko haha.
LikeLiked by 1 person
Tawang-tawa ko sa kwentong botanist putek naiimagine ko ung eksena sa classroom HAHAHAHA!
LikeLiked by 1 person
Congrats!
LikeLiked by 1 person