MAY MAGANDANG sinabi ang playwright na si Bertolt Brecht tungkol sa apathy:

Ganda, ‘no? Medyo antagonistiko nga lang. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Gui noong college: โMasakit kayang maparatangan na apathetic.โ I get it, man. Nakakapikon nga siguro ang ma-reduce agad sa โapathyโ ang kawalan natin ng tindig sa mga bagay-bagay. Sa dami ng mga inaalala natin — trabaho, pamilya, pag-ibig, etc — minsan wala na talagang oras para magmuni at umaksyon ukol sa mga nangyayari sa lipunan.
Pero may mga tao rin namang sadyang ayaw makisangkot sa kahit anong usaping pulitikal. Karaniwang argumento ang โmay iba kasi kaming paraan ng pagsilbi sa bayan.โ Madalas nababanggit ang pagbayad ng tamang buwis at pagsunod sa mga batas trapiko. โBeing a law-abiding citizen is our way of subversion,โ anila.
Minsan ko na ring sinabi ‘yan sa sarili. Kahit ngayon naman, sinusubukan ko pa ring maging mabuting Pilipino ayon sa mga batayang para sa akin ay superpisyal: tinatangkilik ko ang obra ng mga Pilipinong manunulat, nakikinig at bumibili ako ng OPM, hindi pa rin ako nagpapalit ng citizenship. Pero kailanman, hindi ako nakumbinsi sa retorikang โchange must start from within.โ At malinaw na sa akin ngayon kung bakit: wala kasi itong material basis na kumikilala sa existing power relations sa lipunan.
Ang siste, para bang nasa vacuum ang bawat indibidwal at walang kahit anong external factor ang nakaaapekto sa mga desisyong ginagawa natin. Drug user ako, kasi wala akong willpower to resist addiction. Magnanakaw ako, kasi masama ugali ko. Mahirap ako, kasi tamad ako.
E paano naman ang kawalan ng maayos na agrarian program para sa mga magsasakang kumakayod 10 hours a day? Paano ang complicity ng gobyerno sa contractualization policies ng mga kumpanya, o ang anti-environment practices ng mining companies na sumisira sa kalikasan at kabuhayan ng mga tao? Wala bang kinalaman ang mga โyan kung bakit marami ang nagugutom at napipilitang tumikim o gumawa ng bawal?
Personal ang pagpapasya, I know. Pero sa tuwing minamaliit natin ang hinaing ng ibang tao at inuugat ito sa kawalan nila ng perseverance sa buhay, ano ba naman ‘yung kilalanin din natin na hindi lahat ay may oportunidad na meron tayo? At sa tuwing dinideklara nating “nasa tao ang problema,” hindi ba dapat tanungin din natin kung “bakit nga ba tayo ganito”?
At kahit pa sabihing may mga tao talagang sira-ulo for sira-uloโs sake, hindi pa rin ako kumbinsido na sa behavioral changes nakasalalay ang pagbabagong panlipunan. Masarap lang pakinggan kasi pwedeng empowering (โnasa kamay ko ang pagbabagoโ), at pwede ring low-key accusatory (โtingnan muna natin sarili natin sa salaminโ). But really, this change-from-within argument only promotes the status quo because it encourages us to retreat into our personal bubbles instead of understanding the bigger external factors that cause our struggles. When we resort to individualist solutions, we disregard our capacity to unite and fight together as a people.
Convenient na panawagan ang pagiging mabuting tao — maging masipag, tumawid sa tamang daanan, mag-aral nang mabuti. Hindi ko rin naman sinasabing maging basagulero na lang tayong lahat. Pero kahit mamakyaw pa tayo ng Guimaras mangoes at mag-po at opo sa nakakatanda, kung magkaiba naman ang interes ng mga makapangyarihan sa interes ng nakararami, sa tingin ko, wala ring magbabago. #
Dito ko nakuha ang featured image. Mula umano ang quote sa Terra Nosa, pero wala akong mahanap na kopya.
Leave a comment