PANGARAP KO talagang maging rockstar noong hayskul. Pantasya kong maging gitarista sa isang banda, at kami raw โyung bandang hindi sobrang sikat, pero hindi rin naman nakabaon sa kaibuturan ng โwho u.โ Sakto lang. Sapat lang.
Marunong akong maggitara pero hindi ako mahusay. Sabi sa mga nababasa kong magazine dati, hindi rin daw technically mahusay ang Eheads noong nagsisimula pa lang sila. Pinanghawakan ko ‘yun, baks. Kasi ibig sabihin, hindi ko rin kailangang maging henyo bago ako maging legit na musikero.
Pero napapaligiran ako noon ng mga batang henyo. Ang dami kong ka-eskwela na mahusay sa gitara, sa violin, sa cello, pati sa kudyapi at sa kulintang. At sa tantya ko, sila โyung mga batang sadyang ipinanganak na mahusay. Gifted, kumbaga.
Minsan isang gabi, habang nag-eensayo ako sa dorm gamit ang gitarang hiniram ko lang kung kanino, may narinig akong tumutugtog ng โIkaw Lamangโ ng Silent Sanctuary. Present lahat ng instrumento, may flute pa nga yata e, tapos cajon sa halip na drums. Ang ganda ng tunog, parang propesyunal na saliw.
Maya-maya, minash-up nila โyung โIkaw Lamangโ sa โMataโng Mojofly. May babae at lalaking kumakanta at ang sarap sa tenga ng harmony. Hindi mo aakalain na mga totoy at nene lang โyung tumutugtog kasi pucha, pare, ang husay talaga.
Nanliit ako. Heto akoโt tinitiis โyung kirot ng lecheng B minor habang dโun sa kabilang cottage may umu-orkestra. Panis, โteh. So ang ending: nauwi na lang ako sa pagtugtog sa kwarto mag-isa, walang ka-banda, wala ring kasama.
Sana may twist ang kwentong ito, pero wala e. Pagdating sa college, wala ni isa sa circle ko ang mahilig magbanda. Pero nanatiling buhay ang rockstar dreams ko. Noong college, sa wakas, nakabili na rin ako ng sarili kong instrumento. Gitarang acoustic, cheapipay lang kaya sobrang taas ng lintek na string action.
Pagdating ko sa huling taon, kinapalan ko na ang mukha ko. Niyaya ko โyung isang kakilala ko sa FA na magbanda. Nagkawatak-watak kasi โyung dati niyang banda at ako naman, #oportunista.
โTayo na lang magbanda, mars,โ sabi ko kay B. โMagbigay ka ng kanta, aaralin ko.โ
Game siya. Applause* daw ni Lady Gaga, tas may binigay siyang YouTube link para sa areglo. Game na game ako. Nagpapraktis ako noon sa isang sulok sa Vinzons nang marinig ako ni MC. Metalhead โtong si MC, philo major na nakilala ko lang din sa klase. Hindi kami close kaya nagulat ako nang sinabayan niya ako. May dala rin siyang gitara noon.
โJols, ganito gawin mo,โ sabi niya sa akin, tas may dinemo siyang chord sa gitara. โMas madaling maglipat-lipat ng tunog ‘pag ganito,โ dagdag niya. Kay MC ako natuto ng power chords. Rak. ๐ค
Kaya lang huling taon na ito. Busy ang mga tao sa thesis, naging busy rin ako sa dyaryo, may election coverage pa, may budget deliberations sa Kongreso — basta maraming ganap. Hindi kami natuloy nina B kasi hindi nagtugma ang mga free time namin. Sayang.
Minsan tumambay si D sa bahay. Si D โyung tropa kong tumutugtog ng kudyapi. Sinubukan niyang baguhin โyung tono ng gitara ko nang biglang napigtas โyung isang string. Natigilan ako nโung marinig ko โyung โting!โ Nagkatinginan kami ni D.
โSorry Jolens!!!โ sabi niya. Halos mamutla si gago, pero agad rin namang humupa ang gulat ko.
โOkay lang,โ sabi ko. โHindi ko na rin naman โyan magagamit.โ
At hindi ko na nga ito nagamit. Binigay ko na lang kay D โyung gitara bago ako umalis sa Pinas. Hindi na rin nakapagbanda si B sa pagkakaalam ko. Si MC naman, nag-aaral na ng Law.
Matagal na akong wala sa bansa. Matagal ko na ring sinukuan ang pangarap kong maging rakista. Tumutugtog pa rin naman ako paminsan. Marunong, pero hindi pa rin magaling. At gaya pa rin ng dati, sa kwarto lang mag-isa, at hanggang ngayon, wala pa ring ka-banda.
Sa Stereogum ko nakuha ang featured image. Litrato ‘yan ni Jenny Lee Lindberg, bahista ng Warpaint. Ang ganda niya ‘no?
*Binago ko ang kanta at baka matukoy ako ni B rito, haha.
Leave a comment