Buryong

MINSAN MAY mga gabing nangungulila ako sa kausap kahit wala naman ako sa wisyong makipag-usap. Nakakatamad tumawag o mag-text, magbihis nang maayos, lumabas ng bahay, atbp. Dapat nga magkikita kami ni Ip ngayon e pero nakalimutan niya yata. Medyo wala rin akong ganang makipagkita sa totoo lang, kaya hindi ko na rin sa kanya ipinaalala.

Anyway Huawei, may nahanap akong Random Question Generator kanina. Basic lang ang mga tanong pero pwede nang patulan. E sa wala akong magawa e.


What incredibly strong opinion do you have that is completely unimportant in the grand scheme of things?

Si Sharlene San Pedro dapat ang naging “Grand Kid Questor” noon at hindi si Nash Aguas.

What is one of your favorite smells?

Alam n’yo ‘yung amoy ng lalaking nakainom? Hindi ko naman paborito pero natutuwa ako sa gan’on.

What’s on your bucket list this year?

Makapagsulat muli ng malikhaing akda. Char.

What is one of the great values that guides your life?

‘Yung isinulat ni Arundhati Roy na nakapaskil sa sidebar ng blog ko: “To never forget your own insignificance. To never get used to the unspeakable violence and the disparity of life around you.”

Pizza or tacos?

Pizza, pare! At ang mga paborito kong toppings: pinya (yez, pinya!), olives, kamatis, arugula, red bell peppers, at banana peppers. 😋

What makes you cry?

Stress. ‘Yung huling iyak ko — ‘yung iyak na hindi lang dahil sa nagbabadyang regla o nag-aamok na hormones — ay dahil sa trabaho. May malaking bulilyaso sa isang site at kinailangan kong ayusin ang gulo. Kinipkip ko sa dibdib ‘yung bigat ng responsibilidad na ibinagsak sa akin, at tiniis ko ang bigat hanggang natiyak ko na plantsado na ang lahat. Pero n’ung nagmamaneho na ako pabalik sa opisina, hindi ko na napigilang umiyak, pare. Ang hina hina hina ng loob ko noong mga sandaling iyon. ‘Tang ina talaga ‘yung araw na ‘yon.

What’s one of your favorite comfort food?

Cup noodles. Gumagaan ang pakiramdam ko sa maalat na sabaw.

What’s something you learned in the last week?

Uy, nice. May nahanap akong reading (via Strictly Film School) tungkol sa Third Cinema, isang film movement sa Latin America at Africa na sumasalungat — o nagnanais sumalungat — sa neoliberal na model ng paggawa ng pelikula sa Hollywood at sa Europa. Hindi ko alam na may ganoong movement pala kaya ‘ayun; I learned something new.

When people come to you for help, what do they usually want help with?

Kamakailan: si H, may hinihinging libro tungkol sa control systems; si R, may ipinapa-edit na technical report; si Mama, may ipinasusulat na thank-you note. Mga ganyang andar.

What’s your favorite piece of clothing you own?

Sports bras. ‘Yung padded, siyempre. 😂

What is something you can never seem to finish?

May gusto akong isulat tungkol sa Sid & Aya ni Irene Villamor pero hindi ko masimulan o matapos. Marami akong notes, marami na akong nabasang reviews at readings, pero hindi ko maupuan ‘yung ideya. Hmp. Saka na.

What are you a natural at?

Hulahoops! Unang giling, pak, ayaw malaglag! Hahaha.

Mountains or ocean?

Siguro mountains? Wala masyadong anyong tubig dito e. Pero maraming bundok, at magaganda talaga ang mga bundok. Mas mahilig din akong tumakbo at maglakad kaysa lumangoy, kaya mas pipiliin ko siguro ang bundok.

When was the last time you changed your opinion about something major?

Dati naniniwala akong hindi totoo ang bisexuality. Akala ko porma lang ito ng self-repression, tipong defense mechanism lang ng mga homosexual para makaiwas sila sa stigma ng pagiging bakla o tibo. Pero kalaunan, natutunan kong ang sexuality ay fluid, na marami sa mga aspeto nito ay social construct lang, at na posible namang mahalina tayo sa iba’t ibang tao, babae man o lalaki o kung ano pa man.

Favorite city?

Quezon City pa rin mga ulol! 🤘


Sinulat ko ito noong Sabado ng gabi. Linggo na ngayon, gabi na, at kauuwi ko lang mula sa isang party. Masaya naman. Na-satiate (satiate??) naman ang pagnanais kong may makahuntahan. 

Magandang gabi / magandang umaga sa iyo!😊

4 Comments

    1. Jolens

      O ‘di ba mas talented at mas charming si Sharlene??? Nagpundar yata talaga ang angkan ni Nash para sa text votes e, char.

      Team Sports Bra! 🙂

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.