THERE’s A Techy Romantics song on loop while I was lying in bed this afternoon. The thought of wallowing in a depressive morass was tempting, but who does that on a Sunday?
I do, chos.
Last night in a part-nostalgic, part-masochist whim, I decided to click the teaser for Tonette Jadaone’s Alone/Together. It’s just a trailer, no big deal, but it opened a truck of worms for me, man. Filthy worms. Worms that have followed me all the way from halfway across the world.
So I guess I lied when I wrote this. I still miss home, I really do. Home is like an old lover, a precious flame — the one who taught me what it’s like to love, to kiss, to loll tongue upon tongue while our hearts beat in sync. Wait, what was I writing about again?
Maybe I’m just romanticizing this, whatever this is. The clip is just a trailer, the Sunken Garden is just a place, and my home is just a country. Big fucking deal, Jolens. Now get out of your fucking head.
The featured image was made after I decided to wake up from the coma and get out of my mind (ajejeje). It’s based on Boss Hog’s Drinkin’, Lechin’ & Lyin’, which I spotted in rAdishhorse’s Favorite Nude/Sexy Album Covers.
PS: I need to learn how to digitize these watercolor shitbits, don’t I? I can learn how to paint better, but I can also learn how to post-process them, ‘no? Or is that not a thing for watercolor? Tsk, whatever.
Have a happy Sunday / Monday, everyone!
HA! Painting mo ito? Ang ganda.
Napanood ko din yung Alone Together na trailer kagabi, at yung totoo, bilang hindi ako nag-aral sa UP, hindi ko nakuha yung feeling. Isa pa, nakaconcentrate ako masyado sa mga bida, tinitingnan ko kung ano ang ibubuga nila sa pag-arte kasi baka kako puro ganda lang ang laban nila bilang wala akong napanood na palabas o series nila.
Binasa ko ang mga comments sa trailer na puro papuri sa pag-arte nung dalawa pero kahit pinanood ko ulit yung trailer hindi ko pa din nakuha. HAHA. Baka dapat kong panoorin ng buo para magets ko o baka tumatanda na ako kaya ako nagkakaganito bwahahaha
LikeLiked by 1 person
Kunwaring painting lang, haha. Tenks, Aysa. ❤
Pinanood ko ulit dahil binanggit mo. Oo nga 'no, ang awkward nga umarte n'ung dalawa? 'Yung acting ni Liza d'un sa isaw scene, parang halatang umaarte. Hindi natural, kumbaga.
Pero kagabi, n'ung napanood ko 'to, parang nanariwa ulit 'yung mga sugat sa puso ko (wuw, hahaha). Tibak kasi ako dati pero heto na ako ngayon, nasa malayo na, at malapit nang maging enabler ng kapitalismo (wuw ulit). So n'ung sinabi ni Liza na, "alam mo, hindi ko rin talaga alam kung anong nangyari" — para akong binigwasan sa sikmura, mars. Ano nga ba ang nangyari sa akin? Charat.
Pero 'yun nga, baka naman love life pala nila ni Enrique ang tinutukoy niya. Gusto ko ring mapanood ito nang buo. Iniisip ko na lang na baka naman mahusay na direktor talaga si Tonette, siguro kaya niya ring i-bring out ang potential ng LizQuen gaya ng ginawa niya sa JaDine. Sana 'di ba? Sayang naman kung hindi. 😦
LikeLiked by 1 person
HAHA so painting mo yung mga featured image mo? Ang gaganda akala ko kinukuha mo lang sa pinterest WAHA!
WAHA siguro nakita ko with ‘fresh eyes’ yung trailer bilang hindi ako fan nila so nakita ko sila as they are not because fan ako LOL
Isa pa, feeling ko, hindi ko nagets yung feeling dahil nga wala naman akong memories sa lugar kaya iba siguro yung dating sa akin at iba yung tama sa puso mo
Nung binitawan ni Liza yung linyang yun sa dulo na umiiyak siya, naisip kong, hindi ba dapat madurog ang puso ko sa linyang iyon pero sorry baks, wala.
Iniisip ko ngang baka may problema sa akin bilang si Tonette nga ang direktor so baka sabi ko maiksi kasi yung trailer kaya di ko nagets, baka dapat mapanood ko ang buong pelikula HAHAHA
LikeLiked by 1 person
Painting ko nga, haha, pero kinopya ko lang din sa mga litratong nakita ko sa Internet. Wala akong nude models dito e, tas alangan naman ipinta ko sarili kong boobs? Naging landscape bigla, kapatagan, ganyan. Hahaha.
Gets kita! Hindi rin ako fan ng LizQuen e, at ‘yung na-feel ko sa trailer ay largely dahil sa attachment ko sa setting.
Kamusta si Tonette para sa ‘yo? Nagustuhan mo ba ‘yung mga nakaraang pelikula n’ya?
LikeLike
Natawa ako sa landscape BWAHAHAHAHHA
Hala Kita kita lang ata ang napanood ko sa mga movies niya WHAHA
LikeLiked by 1 person
Ay iba ‘yun! Si Sigrid Andrea Bernardo ‘yung sa Kita Kita, haha. Kay Tonette naman ‘yung That Thing Called Tadhana. 😂
LikeLike
Hindi ba kay Tonette yun bwahahahHahhah kLa ko sa kanya dahil maganda wHahahaha
LikeLike
Hindi, haha. Daming babaeng direktor sa Pinas ‘no? Saya! 🙂
LikeLike
Waha
LikeLike
Napanood ko din yung trailer. Ang tagos nga nung last line dun sa teaser para kasing vague pa sya so nung binitawan ni Liza nakarelate agad yung mga tao anuman ang pinagdadaanan nila. Kahit di ako taga-Diliman, nagegets ko yung feeling ng nostalgia dun sa Sunken Garden. Sarap din magreminisce minsan. Nababasa mo din ba yung mga fan tweets na nanghuhula kung bakit nakaitim si Liza? Sana lang din hindi tungkol sa pag-ibig yung linyahan ni Liza sa huli.
LikeLiked by 1 person
P.S. Ang ganda pala ng mga kanta ng Techy Romantics.
LikeLiked by 1 person
YEZZZ!!! ❤ ❤ ❤
LikeLiked by 1 person
True, ang sarap (at sakit) nga mag-reminisce paminsan. Sana hindi maging sobrang Diliman-centric ng pelikula, ‘no? Sana parang One More Chance lang — taga-USTe sina Popoy at Basha ‘di ba? Haha.
Nabasa ko ‘yung fan tweets! Nakakatawa ‘yung literal ghosting, haha. May nagustuhan ka bang plot prediction? Parang na-intriga ako d’un sa nagsabing mamamatay daw ‘yung asawa ni Liza tapos si Enrique ‘yung duktor. Baka NPA ‘yung asawa ni Liza, charot! Hahaha.
LikeLiked by 1 person
Hindi ko na naisip na magiging Diliman-centric yung pelikula kasi pakiramdam ko part lang sya ng istorya ni Liza pero sana nga ‘wag naman at baka maging UP pips lang ang target viewers nito.
Ay nabasa ko din ‘yung ghosting. Tawang-tawa din ako. May isa pang nakakatawa but which makes sense din naman (schizophrenic daw si Liza at imagination lang si Enrique). Kaya daw kahit ang ingay ni Enrique sa computer shop at sa graduation, wala daw pumansin. Siguro kasi sa trailer, hindi pa talaga pinapakita ‘yung totoong character ni Enrique. As of now, ‘yung main role palang n’ya ay maging supporter ng character ni Liza. Pinakagusto ko na tweet ay ‘yung “a tragedy about how we don’t grow up to be the world-changers we once aspired to be”. Ito ‘yung una kong naisip pagkatapos ko mapanood ‘yung teaser at hindi ko talaga naisip na lovestory ang pelikula, natauhan nalang ako nang maalala kong lizquen nga pala ang bida. Haha.
Nakaintriga yung NPA ang asawa ni Liza. Haha. Magiging anak ba nila si Zia. May nabasa din akong tweet na kasama si Zia eh. Haha.
LikeLiked by 1 person
Sinong Zia? Zia Dantes? Wazak! Haha.
‘Yung schizophrenia theory, nabasa ko rin ‘yan tungkol sa Sid & Aya trailers dati. Figment of imagination lang daw ni Dingdong si Anne, which actually makes sense based on the teasers haha. Nakakatuwa ‘tong fan theories ‘no? Akala mo comic book movies lang e.
Nabasa ko rin ‘yang “tragedy about how we don’t grow up to be the world-changers we once aspired to be.” Ang ganda, huhu. I think love story pa rin ‘yung pelikula (LizQuen e), pero baka ‘yung underlying theme ay tungkol sa pagguho ng mga pangarap at ng ideyalismo ng kabataan habang tumatanda.
Hay, mars, sana talaga maganda ito. 🙂
LikeLiked by 1 person
Ay Xia pala. Xia Vigor. May pics ata kasi si Liza with Xia Vigor inside the car so kinoconnect nila dun sa movie. Haha.
Nakakatuwa nga e. Mas naging exciting tuloy ‘yung movie dahil sa mga fan theories. Sino kaya ang mga tumama. Haha. Sana nga yung underlying theme ay ang pagiging idealist ni Liza. Pero looking forward din ako sa kung ano ang gagampanang role dun ni Enrique aside from being a boyfriend.
LikeLiked by 1 person
May nakita akong bagong pics, nasa New York ‘yung dalawa! Ang hilig mag-abroad ng mga mag-jowa sa Philippine cinema ‘no? Daming pera, haha.
Ako rin, curious sa role ni Enrique. Pinanood ko ulit ang trailer recently, pati na rin ‘yung ibang trailers ng previous films ng LizQuen. The more I watch them, the more I realize na ang awkward nila umarte pareho. Pero sana nag-improve naman sila dito. Hahaha.
LikeLike
But Sunken Garden is not just a place! Lol jk. I hope the good memories outnumber the filthy worms.💕
LikeLiked by 1 person
It isn’t, is it? Huhu. Nakaka-miss! 💕
LikeLike