WHEN I STARTED Jumping Jolens back in 2012, search terms on Google were unencrypted. I could read every keyword that lured random strangers into the stinky pits of my blog and they were pretty cool, but I didn’t gain much from them save for the occasional entertainment.
Some search terms were funny (“kailan tutubo pag nag ahit ng kilay”), some were lewd (“hugis ng vagina ni [celebrity]”), and some were legitimate queries (“ano ang spaghetting pataas at pababa”). Today I will try to answer some of these questions and address other pressing concerns, all in the spirit of Ayokong Asikasuhin ang Buhay Ko Kaya Ito na Muna ang Gagawin Ko.

And I assume hindi rin matino sa spelling? Charot. Mukhang kanya-kanya naman tayo ng pamantayan sa kung ano ang tunay na kaibigan, baks. Pero kung curious ka talaga sa opinyon ko, please refer to my Dead Body Theory of Friendship, tengkyu.

Uy, alam mo bang tinanong ko rin ‘to sa nanay ko n’ung bata pa ako? Nice!
Anyhoo, ang Watergate Scandal ay isang scandal (aka gulo, aka kalat) sa Amerika noong 1970’s na kinasangkutan ni then-President Richard Nixon. Nais ni Nixon na mahalal muli bilang presidente kaya gumamit siya ng “dirty tactics” laban sa Democratic Party (Republican si Nixon). Kabilang sa dirty tricks na ito ay ang pag-wiretap sa Democrat headquarters sa Watergate Hotel.
E nahuli sa akto ‘yung mga akyat-bahay na inutusang mag-wiretap. Nagkaroon ng imbestigasyon, na-involve ang FBI at CIA — tas ‘ayun, pak, nabisto si Nixon. Eventually napilitan din siyang mag-resign bilang presidente. Sa kasaysayan ng Amerika, si Nixon pa lang ang tanging presidente na nag-resign sa puwesto.
Gets ba? Kung hindi, e ‘di ikaw na mismo ang magbasa ng entry sa Wikipedia.

Gather your/my/our things? Collect your/my/our stuff?

That would be the seminal hymn “Halukay Ube” by future National Artists for Dance, the Sexbomb Dancers. Get? Get? Get, get, aw!

Kung gusto n’yo po talagang masagot ko ito nang maayos, kailangan kong malaman ang apelyido ninyo. Tuwing nagpapangalan kasi tayo (wuw, expert?), dapat isinasaisip natin ‘yung arrive ng buong pangalan. Dapat ‘yung madulas sa dila, ‘yung tipong madaling maalala.
Tsaka syempre dapat ko ring malaman ang taste ninyo bilang tao. Pero sige, sabihin nating generic na muna. Sa ngayon nagagandahan ako sa mga pangalang Alon, Tala, Pablo, at Armada. Lahat ng mga ‘yan bagay sa apelyido ko, na siyempre hindi ko ibubulgar dito.

Tinatanong mo ba ako kung ano ang mga senyales / sintomas kapag malapit nang dumalaw si Satanas? Marami e, at depende rin sa babae. Ako, personally, bigla na lang akong nalulungkot nang ‘di ko mawari kung bakit. One time may nadaanan akong dairy farm pauwi galing trabaho at may nakita akong Baby Cow na sumususo sa kanyang Mommy Cow. Grabe naiyak ako, baks! Iniyakan ko talaga ‘yung mga baka! Huhuhu. 😦
Ay teka hindi ko yata nasagot ‘yung tanong mo. Mukhang wala namang tanong e. Moving on…

Feeling ko isa kang high school student na siguro mga trese o katorse anyos pa lang. Enjoyin mo lang ‘tong joke na ‘to. Kasi alam mo ‘pag tanda mo, mahihirapan ka nang enjoyin ang buhay mo.
(Wow, triggeredt??)

I think you’re looking for the song “Fucking Boyfriend” by the bird and the bee. Good song, ‘no? You’re welcome.

Here’s the Björk interview in which she spoke against musical snobbery using food references: “It’s like saying filet mignon is brilliant food but bananas are stupid to eat — it’s not!”
Si Björk na nagsabi niyan a!

Laki ng problema a! Are your friends and family stopping you from listening to the song? Why do they have to understand what it means? Hmm…

Sige, sabi mo e.

Good question! “Pare Ko” ng Eheads lang ang alam ko e. I will do some research on this and I will try my best to get back to you. But in the meantime, please consult Breeding Like Larva; they know more about this “tangina” business than I do.

It isn’t, unfortunately. Otherwise I would be one brilliant literary critic.

Right?? They look the same, right??

I feel you, man. Ako rin e. #asthmaproblems

Ayos kang bata ka e, ‘no? Buti na lang pampasko ‘tong tanong mo. So heto: nais mong (1) magkaroon ng bagong sapatos, at (2) tumangkad ng kahit isang pulgada. Gumamit ka ng pang-uri sa bagong sapatos at ng pang-abay (na pampanukat) sa isang pulgada. Merry Christmas!

‘Wag ka na kasing magyosi, papi.

May gumagamit pa ba ng iPod shuffle ngayon? Hmm. Pero ang sagot ay oo, pwede kang gumamit ng kahit anong site para maka-download ng mga kanta. I-drag mo lang ‘yung audio files sa iTunes tapos pwede mo na silang idagdag sa shuffle mo. Mag-Spotify ka na rin para mas masaya! 🙂

Hindi ‘yan dudugo kung (1) naglangib na ang sugat, (2) wala ka nang dugo, (3) wala ka naman talagang sugat, pabebe ka lang. Charot, loko lang.

Hi fans! Hahaha.

Wow galet??

Sorry, baks, matagal na akong wala sa QC e. Juju.

Buy original, bakla! Or go to Buhay Pirata (dot) net, ajejeje.

May I refer you to da real expert, Pinoy Transplant. 🙂

Uy, interesting. Oo nga ano? Ano nga ba ang ipinapangalan ng mga lalaki sa mga diary nila? ‘Yung diary lang ni Anne Frank ang alam kong sikat na diary na may pangalan e, pero babae siya. Kitty, by the way, ang pangalan ng diary niya.
Kitty rin ang ipinangalan ko sa diary ko bago ko pa man nakilala si Anne Frank. Tapos n’ung medyo dalaginding na ako, sinimulan kong i-address ang diary ko kay Vic Zhou. Yez, baks, ‘yung F4. Totoong hibang na hibang ako kay Vic Zhou noon. Sinisimulan ko talaga ‘yung entries sa “Dear Vic.” Ang andar kasi ay parang ina-update ko siya sa mga nangyayari sa buhay ko. Tapos kapag kasal na raw kami, saka ko lang ipapabasa sa kanya ‘yung diary para patunayan na he has always been my one and only. Ewan ko ba, lumaklak yata ako ng Baygon n’ung bata ako e, ‘no?
Pero going back to the question, ayos lang ang kahit anong pangalan! Wala namang kaso ke babae ka o lalaki. Diary mo ‘yan e.

Tinanong ko tatay ko tas sabi niya oo. So, oo.

Luh ba’t ako tinatanong mo? Mukha bang may alam ako sa mga ganito? O wala ka nang ibang makausap, ‘no? Ganyan naman ako sa ‘yo e. Takbuhan mo kapag may problema ka. Taga-sunod, taga-bigay ng advice, taga-enroll, taga-gawa ng assignment. Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka. Taga-tanggap ng kahit na ano. And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling. In love. With my best. Friend.
‘Tang ina mo ka, Ned!

Sino? Ako? Hindi e, malamig dito e.

Ay baks, naranasan ko rin ito. Hindi nakapagbayad ‘yung housemate kong nakatoka sa kuryente kaya ‘yun, pak, naputulan kami. Ako lang ‘yung tao sa bahay n’ung pumunta si Kuya Meralco. Medyo hungover pa nga ako n’un e, tas nagising lang ako kasi biglang tumigil ‘yung ugong ng electric fan. Paglabas ko sa bahay para sana usisain kung brownout din sa buong Maginhawa, sinalubong ako ng landlady ko.
“Uy, may tao pala dito!” sabi niya.
“Po? Sino po?”
“Ikaw!”
“Po? Ako po?”
Parang timang, ‘di ba? Lasing na nga, bagong gising pa. Tinanong ko si Kuya Meralco kung anong dapat gawin. Sabi niya bayaran ko lang daw ‘yung balance sa billing center tas ikakabit ulit nila ang kuryente in 1 to 2 business days. Tas ‘ayun, binayaran ko and the following day we’re back to regular programming. Hehehuhu.

Bakit pakiramdam ko hindi talaga tungkol sa baboy ang pelikulang hinahanap mo? Hmm…
Pero kung gusto mo talaga ng libreng pelikulang pambaboy, I recommend Bato The Movie: The General Ronald De La Tae Story.
Orayt, I have to stop now. I’ve been having so much fun answering / trolling these questions that I forgot to do certain errands (e.g. feeding myself and doing my laundry). Now it’s almost midnight and it’s Monday tomorrow — hayayayay.
I don’t even know if any of you would enjoy reading these shitbits as much I enjoyed writing them. Just please be advised that there will be a Part 2. I still have a list of questions to answer and, as always, wala pa rin akong ganang ayusin ang buhay ko.
Leave a reply to rAdishhorse Cancel reply