Ilang Paboritong Akda

SA DALAS KO ba namang magsayang ng oras sa WordPress, imposibleng hindi ako magkaroon ng mga paboritong blog post. Gusto ko nga sanang magsimula ng buwanang listahan e — ‘yung tipong monthly favorites ba — pero lagi naman akong gahol sa oras.

Kaya paspasan lang din itong post na ito. Nais ko lang ilista at ibahagi ang ilan sa mga akdang madalas kong binabalik-balikan, bago ko pa man sila makalimutan.


Deboto ako ng mga senyales.

Sa tuwing iiyak ang pinto, alam kong nariyan ka na. Musika ang tunog ng mga yapak mo papunta sa ’kin. Kapag may uwi kang sariwang lumpia, ibig sabihi’y hindi ako nawaglit sa maghapon mo. Walang bantas ang mga mensahe mo kung sabik kang makita ako.

Mula sa “Para Sa ‘Yong Naghihintay ng Senyales” ni Ron Camino

Pati pala sa pag-ibig may kontraktwalisasyon. Kaya itong nabiting pag-ibig ni ate gurl na pinagtuunan niya nang buong atensyon at nag-allocate pa ng ‘budget for harowt 2018’ ay pang-contractual lang pala. From June to December lang. Hindi pwedeng ma-regular.

Mula sa “May kontraktwal pala sa pag-ibig” ni Clementine

Araw-araw, sa telebisyon, sa dyaryo, sa balita mula sa mga drayber at mga barbero, me nilalangaw at tinatakpan ng dyaryo. Di lang isa, bultuhan, halos lahat, mahihirap. Di lang isang tama ng bala, maramihan; kung minsan, bakas pa ang mga marka ng hirap na dinanas bago pa tuluyang malagutan ng hininga.

Mula sa “Utak at Itak” ni Karlabaw

And when I’m meeting people, it’s this one thing i’m trying to look for. That effortless kind of connection. Getting along with any kind of conversation, serious or not, good laughs or the bad cries or even the comfortable silences. But, nada. Most people, they’re just lurking around, passing the time.

From “Dear Whoever You Are” by Liz Calingacion

I think even the loudest, most outgoing people have a hidden side, a psyche lurking in the shadows. In a way, we, the quiet and reserved, are more truthful by frankly observing and listening, refusing to explain whether we are content, uncomfortable or just plain shy. 

From “Of Literary Spies and Real-Life Selves” by Leah Ranada

Pero ayoko kasi sanang dumaan ka lang sa buhay ko eh. Gusto ko yong mananatili ka at hindi dadaan lang para umalis. Yong hindi dadaanan lang sa buhay ko dahil yon ang route na binigay ng waze sa kanya.

Mula sa “Sinong hinihintay mong dumaan?” ni Patricia Rolda

Lahat ng kwento ay may simula, gitna, at katapusan. Madalas hindi na natin matukoy kung saan nagsimula. Parang itong sinulat na ito. Napakalabo na kaya dapat na wakasan. Sa kabila nito, may mga agam-agam pa rin sa aking isipan. Wakas ba ito? O simula pa lamang? Hindi ko alam.

Mula sa “Soliloquy” ni CJ

At ‘yan naman na muna ang ibabahagi ko sa ngayon. Ang featured image nga pala ay pinamagatang, “Nang Humithit si Jolens ng Katol” charot.

11 Comments

    1. Jolens

      No prob! 🙂 Lakas maka-writer niyang “eeekkk!” reaction, haha. Uy, by the way, I’ve read some of your short stories in online lit magazines — galing! I rarely find Pinay-centred immigrant lit so they’re really refreshing. ❤

      Liked by 1 person

      1. Leah Ranada

        Haha, “eeekkk” kasi nawala ang poise. Thanks so much for the support. At so true about Pinay-centred immigrant lit–it would be nice to read a wider range of Filipino abroad experiences. Parang nada-dilute yung individuality in a way, when you live abroad.

        And love the variety of your picks.

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.