Searching 2.0

THERE ARE SO many important things to talk about tonight yet here I am doing this thing, this Searching thing, the thing in which I talk about the search terms that tricked random strangers into visiting my blog.

There’s no social relevance here whatsoever. I’m just going to answer questions, share some stories, and pretty much say whatever comes to mind. You’ve been warned, okay?

Now let’s begin.


Walang iisang hugis ang puki, papi. Iba-iba ang korte, iba-iba ang hulma, pero lahat mas matatag kesa bayag. ๐Ÿ’ช

Hindi ko rin alam e, sorry. Isang beses pa lang yata ako uminom ng Hydrite at dahil ‘yun sa sobrang kalasingan. Isinugod ako sa ospital tapos pinainom ako ng nurse ng tinunaw na tablet (I’m assuming Hydrite) at binigyan ng vitamins. Gan’un lang.

They’re called racerback tops, dear. Hindi ako mahilig sa ganyan kasi wala akong reliable na strapless bra. Medyo nalalaglag pa rin ‘yung strapless bras na meron ako ngayon e. May binibenta kayang boobs sa Lazada? Charot.

Scorned group-mate ka, ‘no? Lima kayo sa grupo pero lahat ng group-mates mo either BA Petiks or BS Org.

Pero bakit mo naman ‘to kailangang hanapin sa Google? Hmm…

Free writing ‘yung pagsusulat na walang preno kahit mali-mali na ‘yung sinusulat at wala nang pinatutunguhan ‘yung kuda. Ang punto yata ng ganitong exercise ay para mapurga ang mga ideya ng manunulat nang hindi (muna) isinasaisip ang form o correctness ng akda.

Sampol slash shameless plug ng aking “free-written” hanash: “Weak lungs and Rippingyarns,” “On Sundays I ramble“, and “Guitars, carpenters, and puppy loves.” ๐Ÿ™‚

Hindi pa ako nag-aahit ng kilay e, so hindi ko alam. Pero kung concerned ka sa speed ng kilay growth, mas mainam ngang ahitin mo na lang kaysa bunutin mula sa roots (e.g. plucking or waxing). Mas matagal tumubo ‘pag gan’un e.

Pero yeah, wala akong sagot sa tanong mo. Sorry dear.

  • Mga Pangalang Pilipino
    • Diwa – meaning kaluluwa o lakas ng isip
    • Dakila – meaning kingly o makahari
    • Daniw – meaning tula o poem
  • Mga Pangalang Hango sa Ibang Wika
    • Pablo – meaning small; kabaliktaran ng Dakila, kasi “Daks” charot
    • Arod – meaning “mabilis” sa wikang Rohirric
    • Lennon – meaning hindi ko alam, pero apelyido ito na pwede ring pampangalan
  • Mga Pangalang Hango sa Greek Mythology
    • Atlas – meaning koleksyon ng mga mapa, kasi si Atlas ‘yung literal na pumasan sa daigdig ayon sa Greek myth
    • Hector – meaning ewan ko, pero siya ‘yung pinakamakisig na mandirigma ng Team Troy sa Trojan War
    • Ares – meaning god of war; actually war freak ‘tong si Ares e pero ampogi pa rin n’ung pangalan naks โค

So anyway…

Uy, may sinabi si Einstein tungkol dito:

People like us who believe in physics know that the distinction between past, present and future is only a stubbornly persistent illusion.

– mula sa liham ni Einstein para sa pamilya ng yumao niyang kaibigan na si Michele Besso

So kung maniniwala tayo kay Einstein at sa Block Universe Theory, magkatulad nga ang Noon at ang Ngayon. Lahat ng Nangyari, Nangyayari, at Maaaring Mangyari ay nakakumpol lamang sa iisang block, at ang perception natin sa oras ay nakabatay (relative) sa kung nasaang bahagi tayo ng block nakapuwesto.

Gets ba? Kung hindi gets, siguro ‘wag mo na lang masyadong pag-isipan ang Noon at ang Ngayon. Sabi nga ni Dio sa I’m Drunk I Love You,

Everything past is unreal. Everything future is unreal. Ultimately real is the only present moment of physical efficiency.

Medyo questionable ‘yang quote na ‘yan kung hihimayin pero the point still stands: magkaiba man o hindi ang Noon at ang Ngayon, mas maigi pa ring ituon natin ang pansin sa kung ano ang nangyayari sa Ngayon. Okay, papi?

Kakasabi pa lang na mag-focus sa ngayon e! Charot.

Tao ba si Kaya? Sino siya? At bakit Google ang tinatanong mo at hindi siya mismo?

Pero ako, wala akong plano tonight. Gabi na e. Tatapusin ko ang post na ito, maghihilamos at magsisipilyo, tapos matutulog na.

Ayiiiie. Iilang bagay lang talaga ang makadadaig sa ligayang hatid ng sumisibol na pag-ibig.

So suddenly I’m in love with a stranger / I can’t believe she’s mine / Now all I see is you / With fresh eyes

From “Fresh Eyes” by Andy Grammer

Lagi na siyang naka-dress sa eskuwela / Naka-ayos palagi ang buhok niya / Lumulutang sa ulap ‘pag naglalakad sa kalye

Mula sa “Shirley” ng Eraserheads

I look into your eyes and feel all the security I long / I hold your hand and hear all our future songs

From “Charm Me” by Wake Up Your Seatmate

Aba sis malay ko naman sa ‘yo?

Pero interesting itong tanong mo ha. Sa philosophy kasi, merong tinatawag na solipsism. Ito ‘yung konsepto na tanging ang Sarili (o Self) ang tiyak na umiiral sa mundo. Lahat ng bagay — pag-ibig, ligaya, pighati — ay danas ng sarili at ng sarili lamang.

So dahil pumunta ka sa isang public platform (e.g. Google) para tanungin ang sarili mo kung ano ang pagkakaunawa mo sa mundo — baka unwitting solipsist ka, sis. Interesting ‘yung word choice na “ating” mundo, pero saka na natin pag-usapan ‘yan.

Aww, I believe they’re called art films charet. ๐Ÿ™‚


And that’s a wrap for now, kids. I have more search terms to address but I’m already sleepy and I need to wake up early tomorrow. I hope everything goes well in the elections (woops) and I wish everyone a happy Monday. ๐Ÿ™‚


The featured images were roughly patterned after the works of PaleIllusions and Linda Weissman.

13 Comments

    1. Jolens

      Lol, no you weren’t lost in translation at all! There’s one or two people who searched “shape of vagina” (in Filipino, of course) and the algorithms somehow led them to my blog. I drew the art because I wanted to show that female parts are shaped differently, lol. ๐Ÿ™‚

      Liked by 1 person

  1. rAdishhorse

    re: hugis ng p*ki: siguro yung nagsearch susulat siya ng tula, tapos gagawan niya ng metaphor, kaso di niya maisip kung ano bang katulad or kahugis nito. siguro masasagot na rin yung tanong niya ng post mo.

    may nabasa ako dati na what people usually refer to as vagina is actually the vulva. so, sad daw si vulva kasi di sya narerecognize. pero, di ko rin talaga alam kung alin ang alin at alin yung ano, at kung totoo ba yung nabasa ko.

    Liked by 1 person

    1. Jolens

      Ikaw ‘yung nag-search ‘no? Choz. ๐Ÿ˜‚

      Tama, vulva nga ang term para sa external female parts (labia, etc.). ‘Yung vagina sa loob pa ‘yun e, pero inisip ko na lang na hindi naman interested mga tao sa kung ano ang nasa loob hahaha ๐Ÿ˜‚.

      Liked by 1 person

    1. Jolens

      Hahaha. Bakit nga kaya ‘no? Parang hindi naman kasi ‘to assignment question e, tapos parang hindi rin typo (weird pa rin kahit “anong pagkakaalam MO sa ating mundo”). Ah well. Sana nalaman na ni ate/kuya ang sagot. ๐Ÿ™‚

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.