Nahihilo na ako sa dami ng mga dapat kong gawin kaya heto, pahinga muna. May nahagilap akong mga “random” na tanong sa Thought Catalog at sasagutin ko lang ang mga ito nang paspasan.
Iyon ang keyword, paspasan. Isa hanggang tatlong pangungusap lang. Hindi ako maglalaan ng mahabang panahon kada tanong, at lalong hindi ako dadaldal. Sabi nga ni Mareng Donna Cruz, isang tanong isang sagot lang — times one hundred and one.
1. When was the last time you experienced nostalgia?
Kanina, habang nakikinig sa mga kanta ng Silent Sanctuary.
2. What’s the scariest dream you’ve ever had?
Nanaginip akong sinaksak ko ang sarili ko ng nail cutter.
3. What’s the weirdest thought you’ve ever had?
Wala akong maisip.
4. What’s the first thing that comes to mind when you hear the word “fidget”?
Tamagochi.
5. What made-up word would you incorporate into the English language if you could?
Wala rin akong maisip.
6. What animal would you want to be reincarnated as?
Agila siguro.
7. If you could visit one planet, which would it be?
Pwedeng dwarf planet? ‘Yung Farout, para malayong-malayo sa Earth.
8. What super power do you wish you had?
Pagtalon sa oras.
9. What’s your very first memory?
Sa tuwing naaabutan ko sa TV ang Three O’clock Prayer, lumuluhod ako at ipinaglalapat ang mga palad para magdasal. N’ung bata pa kasi ako, TV yata ang itinuturing kong altar.
10. What did you say as a kid when asked: what do you want to be when you grow up?
Botanist.
11. If you could change careers right this second, what would you do?
Mahirap na tanong. Kailangang tasahin ang pang-ekonomikong kapasidad ko na magbago ng trabaho kaya, umm, wala akong maisip na posible talagang mangyari.
12. What makes you happiest?
Sa tuwing masaya ang mga magulang ko.
13. When was the last time you could remember feeling totally at peace?
Matagal na e, mga hayskul pa siguro.
14. Which of the Seven Wonders of the world do you want to visit the most?
Hindi ko man lang kabisado kung ano-ano ang mga kasama sa pito.
15. What country do you most want to travel to?
Pilipinas!
16. Which foreign language would you like to learn?
Espanyol!
17. What’s the most ticklish spot on your body?
Talampakan.
18. When was the last time you really laughed out loud?
‘Yung malakas na malakas talaga? Hindi ko na maalala.
19. What’s your favorite joke?
“So kailan ka gagraduate?”
“‘Tang ina mo rin.”
20. When was the last time you vomited and why?
Mga tatlo, apat na taon na siguro ang nakaraan. Napasobra sa inom.
21. What’s the first movie that made you lol?
Hindi ko na maalala.
22. What’s the first movie that made you cry?
Trudis Liit yata, ‘yung may batang pinakain sa aso.
23. What’s the most memorable book you’ve ever read?
Marami-rami rin, pero ‘yung isa sa mga unang teksto na tumatak sa akin ay ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal (salin sa Tagalog nina Guzman-Laksamana-Guzman). Paborito ko ang Kabanata 21.
24. What’s your favorite color?
Wala akong paki sa mga ganito.
25. What song do you most associate with your childhood?
Marami rin, at isa na roon ang “King and Queen of Hearts” ni David Pomeranz.
26. What major historical event took place in the year you were born?
Secret.
27. What era would you choose to live in if you could?
2100’s siguro, kung hindi pa nalulusaw ang mundo.
28. What place would you first travel to if you could teleport?
Quezon City!
29. What do you think about artificial intelligence?
Dati gusto ko talagang maging developer ng AI.
30. What’s your opinion on fate?
Hindi ko pinag-iisipan.
31. Do you believe in aliens?
Bakit hindi?
32. Have you ever seen a UFO?
Marami akong nakikitang kung ano-ano sa langit n’ung bata pa ako. Isa siguro d’un UFO, hindi ko lang sigurado.
33. Is there anything about yourself you’ve never told another soul?
Aba marami.
34. Do you have any “skeletons in the closet”?
Meron din.
35. What living celebrity do you most identify with?
Si Anna Akana siguro, n’ung hindi pa siya mayaman.
36. Which dead celebrity do you most identify with?
Wala akong maisip.
37. If you could be famous for something, what do you wish it would be?
Rakstar. 🤘
38. How would you spend 100 million dollars?
Babayaran ko ang mga utang ko at ng pamilya ako. Ewan ko pa kung ano ang gagawin ko sa matitirang pera.
39. If you won the lottery tomorrow, what would be your very first expense?
Student loan payment.
40. What’s the most ridiculous thing you’ve ever done?
N’ung college kung saan-saan lang ako umiihi. Baboy lang.
41. What’s the biggest misstep you’ve ever taken?
Pass!
42. What is your biggest life regret?
Hindi ko na rin ‘to pinag-iisipan at nalulungkot lang kasi ako. Pero ngayon, pagkabasa ko n’ung tanong, pumasok agad sa isip ko ‘yung pinili kong kurso n’ung kolehiyo. Sana talaga lumipat ako.
43. If you could domesticate any animal in the world, which would you pick?
Wala.
44. What is the biggest lesson you’ve learned so far?
Marami, pero wala akong maisip na “pinakamalaki.”
45. What do you wish for the world ten years from now?
Tagumpay para sa hukbong ‘di matalo-talo! 🤘
46. What really gets on your nerves?
Kapag wala akong tulog at sinusubukan kong matulog pero may (mga) nag-iingay sa paligid.
47. Is there a personality trait you just can’t stand?
Pagiging matapobre.
48. What book has impacted you more than any other?
Wala akong iisang sagot sa tanong na ito.
49. What’s the last meaningful book you read?
Ang bigat naman ng salitang “meaningful.”
50. What’s your favorite line from a movie or book?
‘Tang ina bakit isa lang?
51. What’s your all-time favorite quote?
Wala yata e.
52. What’s the last thing you did just for yourself?
Nagtimpla ng kape at kumain ng pizza.
53. If you could do something mischievous without anyone every finding out, what would it be?
Wala akong maisip.
54. In what circumstances is it okay to commit a crime?
Para saan? Para kanino?
55. What food do you crave more than any other?
Gumiginhawa talaga ang loob ko sa tuwing humihigop ako ng mainit na sabaw: ramen, pho, sinigang na boneless bangus, at iba pa.
56. What skill do you wish you had?
Sana mahusay akong maggitara.
57. What personality trait do you wish you could automatically adopt?
Pagiging masipag.
58. What job could you never imagine doing?
Dancer ng G-Force.
59. If you were a bagel, what type of bagel would you be?
Maple french toast! Kay sarap!
60. What song lyrics best mirror your life motto?
“Today I don’t feel like doing anything…”
61. Which pop artist do you secretly wish you could be?
Wala e.
62. Which holiday would you erase altogether from our calendars if given the opportunity?
Independence Day. Kalokahan!
63. What’s the best dream you’ve ever had?
N’ung bata ako kinilig talaga ako nang mapanaginipan kong kabarkada ko raw ang cast ng Kakabakaba Adventures.
64. When were you last totally lost in thought?
Kani-kanina lang.
65. When was the last time you changed your mind about a big issue?
Hindi yata tamang tawaging Filipino ang Tagalog? Teka hindi ko pa pala tiyak.
66. Have you ever changed someone else’s mind about something big?
Siguro naman.
67. What’s the funniest thing you’ve ever witnessed?
N’ung isang araw natawa ako sa isang meme tungkol kay Francis Fukuyama.
68. What’s the most disturbing thing you’ve ever witnessed?
May naaalala ako pero masyadong kadiri para isulat.
69. Have you ever had to scream “help!” and if so, why?
Hindi pa yata e.
70. What’s your greatest fear while swimming in the ocean?
Ang malunod o kaya matinik ng urchin.
71. Do you have any irrational fears and if so what are they?
Hindi ako gumagamit ng mga kumplikadong equipment sa gym kasi baka mali ang paggamit ko tapos may mag-video sa akin at mag-viral ako.
72. What’s your strangest habit?
Wala e, charot.
73. What’s the weirdest thing you do when you’re totally alone?
Hindi naman weird, pero tuwing may nalalaglag na pagkain sa mesa o sa sahig, pinupulot at kinakain ko pa rin.
74. How do you feel about wombats?
Okay naman ‘yung banda.
75. What’s the ugliest part of the human body?
Wala. Naks.
76. What’s the ugliest living creature you’ve ever encountered?
Si Ano, na mukha na ngang bagang e pinagkakakitaan pa sa blog niya ‘yung mahahalay na video ng kung sino-sinong tao. Kadiri! Ang pangit ng mukha at ng ugali!
77. What makes you anxious?
Tuwing nasa-stuck ako sa isang task sa trabaho.
78. What makes you lose track of time?
Tuwing nasa-stuck ako sa isang task sa trabaho.
79. What makes you angry?
Hindi ako madalas magalit e. Hindi rin naman ako pasensyoso. Siguro kakaunting bagay lang talaga ang itinuturing kong mahalaga para pumukaw sa galit ko.
80. What makes you hopeful?
Wala yata. Matagal ko nang sinukuan ang pag-asa.
81. What are you looking forward to most right now?
Biernes.
82. What’s the best thing you’ve ever eaten?
Hindi yata ito “best” pero solid talaga ang sinigang na bangus sa Kyusinero n’ung araw.
83. When have you felt most proud of yourself?
Hindi pa yata nangyayari ito.
84. When have you felt happiest to be alive?
Kapag kumakain ako ng masarap at mainit na sabaw.
85. What are you most grateful for?
Mga magulang ko.
86. What or who drives you absolutely crazy?
Nawiwindang ako sa mga taong isinasantabi ang kulturang popular dahil hindi umano sila “mahilig sa mababaw.” Sa tingin ko ang tunay na sukatan ng “lalim” ay ang kakayahan na magsuri at bumuo ng diskurso ukol sa mga bagay na madalas ituring na “mababaw.”
87. Why do you do what you do?
Kasi kailangan ko ng pera.
88. What’s your worst nightmare?
Ang mawalan ng bahay ang mga magulang ko.
89. If not blue, what color do you think the sky should be?
Indigo sa dapithapon.
90. If not blue, what color do you think the ocean should be?
Bughaw lang yata ang kulay na nababagay sa dagat.
91. If you could cure a single disease, which would you choose?
Kanser siguro.
92. If you discovered you were immortal, how would you change your life starting right now?
Igugugol ko ang mga susunod na araw para alamin ang hangganan ng pagiging imortal ko.
93. How would you describe humanity to an alien civilization?
Kung ano lang ang maisip ko sa mga oras na iyon.
94. What would you like your dying words to be?
Iisipin ko pa ba ito kung matotodas na ako?
95. If you could teach your pet to say one thing, what would it be?
Nine-one-one.
96. What’s the worst thing you’ve ever been caught doing?
Marami akong bulilyaso, lalo na n’ung hayskul at college, pero wala akong maisip na “worst.”
97. If you woke up and you could walk through walls, what’s the first thing you’d do?
Gaya ng isa sa mga sagot ko sa itaas, aalamin ko rin ang hangganan ng kapangyarihang ito.
98. Have you ever had a crush on a fictional character, and, if so, who?
Parang wala e. Si Holden ng The Catcher in the Rye siguro, pero mas nagkakagusto pa rin ako sa mga tunay na tao.
99. If you could tell your teenage self one thing, what would it be?
‘Wag Journ ang isulat mo. Hindi mo naman gusto ‘yan e.
100. If you had exactly one wish to make that would come true ten years from now, what would it be?
Isa lang? Sana guminhawa na ang buhay ng mga magulang ko.
101. What do you do when you can’t fall asleep?
Nagbabasa.
Binasa ko talaga lahat. I’ amazed by your ability to remember your dreams. Do you always dream vividly? Nightmarish talaga yung scenario sa nail cutter. Argh. I won’t be as scared siguro kung normal tool yung ginamit. Per nail cutter? *shudders* You also wrote a lot of things I’m curious about. Haha. Although I won’t ask because it might sound like I’m prying.
Also, this is a nice writing exercise. I might do this, too, just to get started on writing again. Can I borrow the idea? 😀
LikeLiked by 1 person
Hindi naman nightmarish ‘yung nail cutter dream, haha. Parang comedy nga e. ‘Yung eksena, na-late daw ako for a final exam tapos para mag-qualify ako for a deferred exam, kailangan ko ng doctor’s note. E since I wasn’t sick or anything, I decided to stab myself with a nail cutter. Nagising din naman ako soon after, haha.
I don’t always remember my dreams, actually, but I make sure to keep note of the ones that I find interesting. One time when I was younger, mga 13 or 14 siguro, I woke up and went straight to writing on my journal a particularly vivid dream. Tapos my mom called me from the kitchen and asked me to turn off the stove or something (kumukulo na yata ‘yung tubig). When I went back to my room to finish writing my dream, wala na akong maalala! As in boom, pak, in just a few seconds nawala agad sa utak ko ‘yung panaginip! I tried going back to sleep so I could dream about the same dream again pero siyempre hindi nangyari. Hay nako nakakainis talaga, haha. I don’t even remember anymore what that dream was about, but I can still remember how devastated I was when my dream “left” me in a snap. Kainis, hahaha. 🙂
Of course you can do this too! Go lang nang go! 😀
LikeLiked by 1 person
Hahaha. Omg. Glad to know it wasn’t as dark as I imagine it to be. Ang weird kasi na saksakin mo ang sarili mo using nail cutter, I don’t know. 😂
Hah! I have those times, too. Yung super vivid niya and you’re trying to take note of it tapos ma-distract kay for a few seconds and then it’s poof. Frustrating talaga siya. Minsan rin it just leaves you with a nice, curious feeling when you wake up pero wala kang maalalang detalye. Haha. When I remember my dream, I tend to look up what it means. I always dream about water, flashfloods, and seeing shooting stars. Ang weird.
Yehey! Will try to do this after work. 😄
LikeLiked by 1 person