Hindi na ako marunong magkuwento

SABI SA AKIN ng isang kaibigan kamakailan lang, โ€œJolens, hindi ka na marunong magkuwento.โ€

Nag-usap kasi kami sa video call at napansin niyang ang tipid ko raw magkuwento. Kahit simpleng paglatag sa kung ano ang ginagawa ko sa araw-araw, parang hirap na hirap daw ako. Paikot-ikot, walang sinasabi kahit may sinasabi—basta magulo.

Ang totoo kasi niyan, wala lang talaga akong maikuwento.

E sa wala e. Simula nโ€™ung natapos ang semestre at naubusan ako ng mga gagawin, wala nang nangyayari sa buhay ko. Magigising, magkokompyuter, makikipagtitigan sa kompyuter—ganโ€™un lang. Naghahanap din ako ng trabaho, siyempre, pero matumal talaga ang ekonomiya ngayon.

Ang dami ko tuloy oras para mag-isip. Pati โ€˜yung pintas na hindi na ako marunong magkuwento, palagi kong naiisip. Mauunawaan ko naman kung tungkol โ€˜yun sa pagsusulat; matagal na rin talaga kasi nโ€™ung huli akong nagsulat ng maikling kuwento. Pero kung tungkol sa aktwal na usapan? Grabe. Pati pala sa gan’un posibleng mangalรกwang ang tao.

E paโ€™no kung sadyang wala akong maikuwento?

Hindi naman kasi talaga ako mahilig lumabas ng bahay e. Kahit walang pandemya, hindi ko talaga hilig ang makihalubilo sa mga tao rito. Isa yata ito sa maraming aspeto ng buhay ko na mahirap ipaunawa sa mga kaibigan ko sa Pinas. Mahirap ipaliwanag na, dito, wala akong kaibigan at wala akong kausap. Parang pelikula nga, kung tutuusin. โ€˜Yung alienation sa Her at โ€˜yung katahimikan sa Goodbye, Dragon Inn — halos kamukha ng mga โ€˜yun ang pang-araw-araw na buhay ko.

Pero hindi naman ako nanlilimos ng awa o ng pampalubag-loob. Ayos naman sa akin โ€˜yung ganito, sa totoo lang. Tuwing pinipilit ko kasi ang sarili na makisalamuha sa ibang tao, napapagod lang ako. Literal, napapagod talaga ako. May pisikal na manipestasyon โ€˜yung pagkaubos ng lakas. Iniisip ko pa nga lang na kailangan kong makipagkita kina ganito at pumunta sa ganyan, hinahapo na ako.

Tanong ng isang tula ni Mary Oliver, โ€œListen, are you breathing just a little, and calling it a life?โ€ Baka nga ganโ€™un ang ginagawa ko: humihinga, nagpapahinga, tumutunganga.  

Nโ€™ung isang araw lang nagsimula akong magkabisado ng mga tula bilang paghahanda sa kamatayan. Ang dami kasing namamatay na mag-isa ngayon, hindi ba? Matagal pa naman siguro bago dumating ang araw ko, pero nadadalumat ko na ang senaryo: nakahiga ako sa isang kama, nakapikit ang mga mata at mag-isang nag-aabang na malagutan ng hininga.

Habang naghihintay, bibigkasin ko sa isip ang mga kinabisadong tula. Ibubulong ko sila nang marahan kung may lakas pa ang bagร . Nananalig akong hanggang sa kamatayan, mainam na pampagaan ng mabigat ang ebanghelyo ng mga makata.

Ngayon ko na lang naisip na ang lungkot pala nito, โ€˜no? Ang lungkot pala na sa halip na maging masigla sa buhay, pinaghahandaan ko na ang pinakadulo, ang pinakawakas, ang pinaka-hangganan ng buhay. โ€œWe tell ourselves stories in order to live,โ€ sabi ni Joan Didion. Wala na talaga sa hinagap ko ang magsulsi ng mga kuwento, kahit man lang para sa sarili ko. Sumuko na ba ako? Ano nga ba’ng point ko?

Tama nga ‘yung kaibigan ko. Hindi na nga ako marunong magkuwento.


Mula kay Math ng Unsplash ang litrato.

9 responses to “Hindi na ako marunong magkuwento”

  1. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

    Liked by 1 person

  2. โ€œPero hindi naman ako nanlilimos ng awa o ng pampalubag-loob. Ayos naman sa akin โ€˜yung ganito, sa totoo lang. Tuwing pinipilit ko kasi ang sarili na makisalamuha sa ibang tao, napapagod lang ako. Literal, napapagod talaga ako. May pisikal na manipestasyon โ€˜yung pagkaubos ng lakas. Iniisip ko pa nga lang na kailangan kong makipagkita kina ganito at pumunta sa ganyan, hinahapo na ako.โ€

    Sobrang totoo at madalas hindi naiintidihan ng iba na may interval dapat ang โ€œsocializationโ€. Kailangan mo din ng panahon para makakuha ulet ng lakas para lumabas, makisalumuha, at makipag-usap.

    Liked by 2 people

  3. As an introverted person, sobrang gets ko ‘to.

    Liked by 3 people

  4. grabe ka, iha! kahit ala kang makwento, tagus-tagus naman sa dibdib ang tama ng mga banat mo!

    Liked by 1 person

  5. Nakaka-relate ako sa part na sadyang wala lang talagang maikwento

    Liked by 2 people

  6. Medyo nakakarelate ako as also an introvert. Pero okay lang ‘yan, let’s be ourselves.

    Liked by 2 people

  7. I read. Nasa Pinas Ka ba?

    Liked by 1 person

    1. Canada po. ๐Ÿ™‚

      Like

Leave a reply to clementine Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.