
Dulot na rin siguro ng kawalang-magawa sa buhay, nagsagot ako ng tatlong personality test kanina.
Ayon sa 16 Personalities Test na hango sa Myers-Briggs Type Indicator, Logician o INTP raw ako: Introverted, Intuitive, Thinking, at Prospecting. May tendensiya raw ang mga INTP na tumahak ng mga hindi kumbensyunal na landas. “Inventive” at “creative” pero “very private” at madalas ay “condescending.”
Sa lahat ng nakalistang Weaknesses, ito marahil ang pinaka-akma sa akin:
Logician personalities know that…any work they do is second-best to what they could do. Unable to settle for this, Logicians sometimes delay their output indefinitely with constant revisions, sometimes even quitting before they ever begin.
Oo nga, madalas nga akong kumabig. Lagi ko kasing naiisip na hindi ko rin naman mapaninindigan ang isang proyekto o gawain. Bukod pa rito, madalas din akong tinutupok ng realisasyon na hindi naman talaga ako mahusay o magaling.
Sabi rin sa resulta, mahirap daw maging kaibigan ang mga INTP.
Logician friendships are knowledge-based, defined by the exchange of ideas, theories, and concepts, and those who aren’t able to keep up with this, or who have sharply differing tastes (don’t talk to Logicians about celebrities) will find stony faces that border on rude.
Nakakatawa ‘yung pasaring sa mga usapang-celebrity. Medyo sablay nga lang kasi, sa totoo niyan, may encyclopedic knowledge yata ako sa Pinoy showbiz. Hindi ako kontra sa mga usapang-artista at hindi ko kailanman ikinahiya ang pagiging jologs o bakya.
Ang akin lang, hindi sapat na pag-usapan natin, halimbawa, kung gaano kaganda si Nadine Lustre. Mas masigla ang diskusyon kung susuriin din natin ang history ng kanyang karera, kabilang ang pagiging former PBO jock niya bilang si VJ Bangsie at ang promotional tactic ng VIVA na gawin siyang look-alike umano ni Kathryn Bernardo. Sa ganitong usapan maaari tayong makabuo ng comparative analysis sa mga proseso ng pag-manufacture ng mga artista sa Pilipinas at ng pag-develop ng mga idol sa South Korea.

(mula sa PPop Domination)
Pero mabalik tayo sa personality test. Bukod sa 16 Personalities, sinagutan ko rin ang Four Temperaments Test na may apat na pangunahing klasipikasyon: Choleric, Melancholic, Sanguine, at Phlegmatic. Melancholic daw ako.
Melancholic people often were perceived as very (or overly) pondering and considerate, getting rather worried when they could not be on time for events. Melancholics can be highly creative in activities such as poetry and art – and can become preoccupied with the tragedy and cruelty in the world.
Mabilis nga akong mabahala sa halos lahat ng bagay. ‘Yung pagiging preoccupied naman sa mga trahedya sa mundo, palagay ko e likas naman ‘yon sa mga tulad kong minsang naging aktibo sa kilusang kabataan n’ung araw. Ngayong mas matanda na ako e nararanasan ko na mismo ang epekto ng mga inirereklamo ko lang dati. Kontraktwalisasyon sa trabaho, katarantaduhan ng mga bangko, deregulated market ng langis — hay, dios mio. Sabi nga nila, mahirap talagang masanay sa liwanag kapag namulat ka na.
Perfectionist din daw ang mga Melancholic, pero palagay ko e hindi naman ako gan’on. Napapakunot-noo nga ako tuwing naririnig ko ang ibang tao na ipinagmamalaking perfectionist daw sila. Hindi ba’t mas mainam na isarili na lamang ang pagmithi sa Perpekto? Pero ako lang naman ito. Siguro hindi lang talaga ako kumportable sa bansag na perfectionist kasi alam kong malayong-malayo ako (at ang mga likha ko) sa Perpekto.
Ang hulíng test na kinuha ko ay ang “What Do You Look for in Relationships?” ng Personality Assessor. Opo, humantong na po tayo sa ganito po opo.

Ito umano ang mga preference ko sa isang relasyon kumpara sa average na tao (ako ‘yung You):
You want to spend very low amounts of time together in your close relationships.
You need very high levels of communication in order to feel close to others.
You require about average intimacy in your close relationships, which means that you want to share about average amounts of personal information.
Your desire for people to be there to support you when you need them is very high.
In order for you to feel close to others, you require very high levels of emotional connection, which means it’s of very high importance to you that other people like you, feel happy thinking about you, and miss you when you’re not around.
When trying to feel close to others, you need about average amounts of affection, which includes others finding ways to show you they love you.
Tumpak naman halos lahat. Sa kabuuan, palagay ko e sakto naman ang mga resulta n’ung tatlong personality test. Posible rin siyempre na confirmation bias lang ang lahat ng ito — kumbaga e tumatak lang sa akin ang mga detalyeng nais kong marinig tungkol sa sarili ko. Hindi rin naman scientific ang mga personality test, kung tutuusin, pero nauunawaan ko ang therapeutic na epekto nito sa mga tao.
Ayon sa manunulat na si J.C. Pan, isa raw sa mga dahilan kung bakit patok ang mga personality test ay ang ating “deeply human urge to find comfort or purpose in a world often marked by injustice, failed relationships, and unsatisfying jobs.” Sa araw-araw ba namang binubugbog tayo ng masasamang balita, hindi ba’t kalugod-lugod nga na ituon muna natin ang atensyon sa Sarili at sa pagkilala sa Sarili?
Ang hirap pa namang umopensa ngayon, hindi ba? Bawal lumabas ng bahay, bawal magreklamo sa social media, bawal maging Itim, bawal maging mahirap, bawal maging babae — lahat na! Ang nagiging panangga tuloy ng mga gaya nating Middle Class laban sa mga kababuyan o/at karahasan ay ang self-discovery, self-care, at self-love — ang Self o ang Sarili ang nagiging sentro.
Wala namang masama sa ganito, pero palagay ko ay maya’t maya pa rin nating dapat alalahanin na hindi hiwalay ang Sarili sa lipunang ginagalawan natin. May quarantine man o wala, lumalabas man tayo ng bahay o hindi, lahat tayo ay bahagi pa rin ng isang mas malaking komunidad.
At iyon na siguro ang pinaka-takeaway ko sa exercise na ito. Wala akong maisip na radikal na potensyal ng mga personality test e, meron ba?
Basta sa ngayon ang ayaw ko ay makalimot. Ayaw ko ring matulad sa iba na ang puno’t dulo ng insight ay “wala na tayong magagawa.” Paalala sa sarili (at sa iba pang tao): maaaring kilalanin, alagaan, at mahalin ang Sarili nang hindi nagbubulag-bulagan sa karima-rimarim na kalagayan ng mundo.
And I, thank you.
Bow. ❤
Hango ang bahagi ng pamagat ng post na ito sa liriks ng kantang “Hello, Hello” ng Radioactive Sago Project.
Hango ang quote ni J.C. Pan sa sanaysay niyang “The Tyranny of Personality Testing” na inilathala sa The New Republic.
Hango ang ideya ng pag-blog tungkol sa personality tests kay Jirah ng Writings by JM.
Grabe sobrang na-enjoy ko basahin ‘to! Maraming salamat din sa pag-link sa blog ko! 🤗💛
LikeLiked by 1 person
TIL na naging legit marketing tactic pala for Nadine Lustre yung Kathryn Bernado-lookalike! Akala ko ako lang nakapansin. 😂 (si neri pala ‘to, haha)
LikeLiked by 2 people
Neriiii! Hello, hehehe. Yea, n’ung Diary ng Panget days, sobrang pinu-push nila na magkamukha ‘yung dalawa. 😂
LikeLiked by 2 people