Sunday Currently #7

NIYAYA AKO NI IP na lumabas ngayong gabi. Tumanggi ako kasi, ewan ko, ayokong lumabas ng bahay e. Mukhang ayos lang naman kay Ip, pero bakit parang may guilt sa bahagi ko? Dahil ba kaarawan niya ngayon? Masama ba akong tao?

Hay nako. So para ma-distract, ginawa ko ‘yung collage sa itaas. Nagbasa rin ako ng mga balita at mga blog, tapos naglista ako ng mga librong babasahin sa mga susunod na araw.

Ngayon magsusulat naman ako. Ngayon, araw ng Linggo, ako ay:

nagbabasa ng Stories of Your Life and Others ni Ted Chiang;

So far, highly recommended ko ang kuwentong “Liking What You See: A Documentary.” Tungkol ang kuwento sa isang hi-tech device na kayang i-neutralize ang kapasidad ng tao na mag-detect ng beauty sa mukha. Basahin n’yo kung curious kayo, tapos pag-usapan natin. 😀

nagsusulat ng isang essay tungkol sa mga kantang OPM na may kinalaman sa space o kalawakan;

N’ung napabalita kasi na ginamit sa isang NASA campaign ang “A Song About Space” ni Reese Lansangan, napaisip ako: ano-ano pa ang mga kantang Pinoy na may kinalaman sa outer space?

nakikinig sa album na Stuff Like That There ng Yo La Tengo;

Ang ganda ng “My Heart’s Not In It” bilang paunang kanta, at gusto ko rin ang cover nila ng “Friday I’m In Love.” May mood na binabagayan ‘yung bagal at bigat ng buong album: ‘yung mood na “I’m So Lonesome I Could Cry,” sabi nga sa isa pang kanta.

nag-iisip kung kakain ba ako o hindi;

Dis-oras na ng gabi, Lunes na nga kung tutuusin, pero parang umaangal ulit ang sikmura ko. Kakain pa ba ako o matutulog na lang? Kung kakain ako, anong kakainin ko? Hmm.

nakakaamoy ng beer at ng tinunaw na asukal;

Umiinom ako ngayon, pulutan ko leche flan. Parang kailangan kong kumain kasi may kalahating-bote pa ako, e hassle uminom kapag walang ginigiling ‘yung tiyan, hindi ba? Hmm. Choices, choices. (Kay burgis!)

humihiling na sana matapos na ang pandemya;

Kahapon nagpunta sa duktor ang mga magulang ko. Sabi ng family doctor, ang latest update daw ay sa next summer pa magiging okay ang lahat (hindi ma-explain ng nanay ko kung ano ‘yung ibig sabihin ng ‘okay,’ basta “next summer” daw sabi ni Doc). Ang next summer ay isang taon pa mula ngayon, at “minimum” pa raw ‘yun. Ang tagal pa! 😦

umaasa na sana hindi matuloy ang nilulutong constitutional amendments (CA) sa Pilipinas;

Nag-trend ang #OustKiko noong isang araw dahil may plot umano na palitan si Sen. Kiko Pangilinan bilang chair ng Senate CA committee. Ngayon naman, sinabi ng isang congressman na magko-convene daw ang House CA committee after ng SONA para i-discuss ang posibleng pag-amyenda sa Constitution. Iba rin!

nakasuot ng t-shirt at mini skirt;

Ganito naman palagi ang suot ko tuwing tag-init. ‘Pag taglamig naman, sa halip na palda o shorts e leggings. Never pa yata ako nagsulat ng Sunday Currently na nakasuot ng damit na hindi pambahay.

umiibig sa musika, specifically sa mga kantang nadiskubre ko kamakailan lang;

Bukod sa album ng Yo La Tengo, lagi ko ring pinapakinggan ngayon ang “Treetops” ng Cloud Control, “An Anniversary Away” ng Reverie Sound Revue, at “Warped Window” ni Anna Mieke. Kay gaganda! ❤

nag-aasam na sana may universal healthcare sa lahat ng bansa;

Hindi ko maunawaan (masakyan?) kung bakit wala pa ring universal healthcare sa US. Highly developed country naman sila, hindi ba? Sobrang lakas ba talaga ng konserbatismo sa Amerika? Sobra-sobra ba ang dami ng mga tutol sa libreng medical services para sa lahat ng tao? Iba rin!

nangangailangan ng trabaho;

Although ayos lang naman sa akin na wala akong full-time work ngayon. May mga raket naman ako kahit paano, tapos natutuwa rin ako na marami akong panahon para magbasa at magsulat. Meron na rin akong mga naiisip na gawin sa Fall, so keri pa naman.

nakadarama ng gútom at ng hindi maipaliwanag na ligaya.

Nagugútom talaga ako, mehn. ‘Yung ligaya naman, dahil ‘yun sa kantang “Warped Window” na tumutugtog ngayon. Para akong dinuduyan sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam! Ligaya nga ba ito? Pangungulila? Lungkot?

Hmp, baka gútom lang.

O s’ya, s’ya. Ingat kayong lahat, mga chikiting! ❤

7 Comments

  1. rAdishhorse

    Uy, Yellow Tango!?

    Marami bang OPM na kantang may kinalaman sa outer space? Kalawakan (Pupil) lang naiisip ko (pumasok sa labas ng kalawakan), tsaka siguro yung Galactic Gimik ni Yman (https://pinoyalbums.com/36035/yman-galactic-gimik/)… di ko pa to napakinggan..

    Counted ba yung Spaceship (may nakita akong spaceship… sa 7-11), Mr. Pogi in Space at Astro ng Sago? Pwede rin ba yung Ambi Dextrose ng Eheads (dahil sa line na “Aloha Milky Way”)? Eh yung Galactik Fiestamatik ni Rico Blanco? Meron pang isang kanta yung Itchyworms.. pero wag na, pangit yung kanta na yun (lost in space with rey langit).

    Liked by 1 person

    1. Jolens

      Yes, Yellow Tango!! Hahaha.

      “Marami bang OPM na kantang may kinalaman sa outer space?” — ang hypothesis ko ay hindi masyado. Parang sci-fi lang, hindi gaanong marami kasi hindi naman technologically advanced ang Pilipinas. Hindi masyadong nae-explore ‘yung advanced concepts like space travel etc kasi masyado pa siyang, uh, ‘alien’ hehehe.

      Nasa listahan ko lahat ng ‘yan! Bukod d’un sa Galactic Gimik, ngayon ko lang narinig ‘yan. Hehe. Ang sinama ko from Eheads instead of Ambi ay Lightyears. High concept din ‘yun kung tutuusin e, ‘di ga?

      Like

      1. rAdishhorse

        @lightyears: ala ey, oo naman. mas ok nga lightyears kesa ambi. may naalala pa ako pero baka nasama mo na rin: stargazer at I fell like I’m on drugs (The Strange Creatures), Outerspeys (ourselves the elves).

        ganda ng cover ng friday i’m in love, ganda din ng MV.

        tsaka ang ganda din nung reverie sound revue..

        Liked by 1 person

        1. Jolens

          Sinama ko rin Outer Speys! Ngayon ko lang narinig ‘yung sa Strange Creatures pero sige, go. Hahaha.

          Cool n’ung MV ‘no? Ganda n’ung literalization ng “beating hearts” hahaha.

          Yez, super bet ng Reverie Sound Revue! 😀

          Liked by 2 people

    1. Jolens

      “Productive” with air quotes hahaha.

      Uy ako rin, super bagal ko na magbasa! Huhu. Kaya go for short stories ako ngayon e. Kahit mabagal at least feeling ko may naa-accomplish ako kasi maikli lang, hehehe. 🙂

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.