Sunday Currently #8

NGAYONG ARAW NG Linggo, ako ay

nagbabasa ng Crudo ni Olivia Laing;

nagsusulat ng wala naman in particular;

Tinatamad akong tapusin ‘yung essay tungkol sa mga kanta about outer space. Last week nagsulat din ako ng isa pang essay tungkol naman sa pagbabasa pero hindi ko rin matapos. Meh.

nakikinig sa kantang “Bad Boy” ng Red Velvet;

Kagabi ko lang ‘to napakinggan tapos naka-repeat na siya sa Spotify ko ngayon. Nakakainis, haha. Napanood ko rin ‘yung music video tapos lalo akong nainis kasi ang gaganda nila. Hindi ako makapagpasya kung sino favorite member ko, at hindi ko rin alam bakit feeling ko compelled akong magkaroon ng favorite. Nyahaha.

nag-iisip kung ano na ba ang gagawin ko sa buhay ko;

Hayayay buhay.

nakakaamoy ng sunog na asukal;

Gustong-gusto ko ‘yung leche flan na kinain ko last week so sinubukan kong gumawa ng leche flan kahapon. Nagawa ko naman, in fairness. Medyo sunog nga lang ‘yung asukal pero keri lang, leche flan pa rin.

May hugis-puso na llanera sa bahay, wew.

humihiling na sana matapos na ang pandemya;

Sana matapos na ‘tong krisis pangkalusugan na ito ano po. 😦

umaasa na sana magkaroon na ng COVID-19 vaccine;

Sana hindi na tumagal pa kasi, grabe, ano na lang mangyayari sa mga taong nawalan ng trabaho at nakaasa sa ayuda? 😦

nakasuot ng t-shirt at mini skirt;

Pambahay, as usual.

nahuhumaling sa ganda ng panahon ngayon;

Sana summer na lang lagi.

Nagpausok kami sa likod-bahay kanina. Hindi akin ‘yung sapatos, obviously.

nag-aasam na sana masarap ang ulam ng lahat ng tao sa mundo;

Kung puwede lang, ‘no? Sana lahat ng tao nakakakain sa tamang oras, nakakakain ng pagkain na masustansya, at nakakakain nang hindi kailangan sumilip sa ulam ng iba kasi pare-parehong masarap ang ulam nating lahat. Wew.

nangangailangan ng trabaho;

Oooh oooh (oh-eh-oh-eh-oh) | SOURCE

nakadarama ng antok, pagod, at low-key pagkairita.

Antok, kasi madaling araw na; pagod, kasi marami akong ginawang errands kanina; at pagkairita, kasi ewan ko ba kung bakit nagpasya akong tumutok dito sa SONA. Hmp.

Makatulog na nga.

5 Comments

  1. pinaymama@sg

    Ahaha… gateway ko sa Red Velvet yung Satang Mix sa Spotify (Bubblegum K-Pop yata yung dating name nung playlist). Natuwa ako sa Power Up tsaka Red Flavor. Pero mas gusto ng anak ko yung Twice. 😄

    Liked by 2 people

    1. Jolens

      Pinakinggan ko ‘yung Satang Mix! Very bubblegum pop nga, ang saya! Hahaha. Nagustuhan ko na rin Power Up at Red Flavor hahaha. Cute din ‘yung Twice, very kid friendly, although parang mas may vocal talent ‘yung Red Velvet naks hahahaha.

      Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.