DAHIL MAYA’T maya na lang tayong nagluluksa, isang paalala:
Awit
sa lapida
Dagdagan pa
Ang itinabong lupa
Sa aking mukha.
Hindi ako masusugpo.
Bagkus gaya ng damo
Sa paligid ng nitso
Lalago
Lalago
Lalago.
- Benilda S. Santos
Ang featured image ay mula sa CNN Philippines. Ang tula ay mula sa Pali-palitong Posporo: Mga Tula (Anvil Publishing, 1995) ni Benilda S. Santos.
Leave a comment