Chickpea Pasta Salad + Sandwich

ANG STAR ng mga putaheng kinain ko ngayong araw ay chickpeas o garbanzos. Sinusubukan ko kasing kumain ng mas maraming beans at legumes, lalo na ngayong medyo bitin ako sa protina.


Mga Sangkap

  • Olive oil
  • Garlic
  • Chickpeas
  • Cherry tomatoes
  • Spinach
  • Salt & pepper
  • Herbs

Nagawa ko na ang salad na ito dati. Ang pagkakamali ko noon, hindi ko muna niluto ang bawang. Ang tapang pala ng lasa ng hilaw na bawang! Lumalaban, baks! Daig pa ang mga babaeng mulat sa kanilang mga karapatan!

Sa usaping pangkababaihan, siyempre doon tayo sa matapang at militante. Sa usaping pambawang, mas gusto ko kapag medyo pabebe kaya, ‘yun, mas masarap kung iginigisa o tinutusta muna ang bawang.


Mga Sangkap

  • Sliced bread
  • Chickpeas
  • Carrots
  • Celery
  • Dijon Mustard
  • Vegan mayo
  • Spinach
  • Salt & pepper

Gumamit ako ng food processor sa paghiwa ng carrot at celery. Gusto ko kasi ‘yung pagkakahiwa na pinong-pino, bukod pa sa tinatamad talaga akong maghiwa, period.

Asin at paminta lang ang pampalasa ng palaman. Sa susunod, maglalagay siguro ako ng basil at iba pang herbs para may dagdag na oomph. (Bahala kayo kung ano man ang pakahulugan ninyo sa oomph).

Bukod sa pagluluto, natapos ko rin ang mga dapat kong tapusin ngayong araw. Hindi nga lang ako nakapag-exercise. Hala, apat na araw na pala akong walang ehersisyo! Bukas — o siguro ngayon, bago matulog — magwu-workout ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.