Are you tired? Are you taking this survey because you can’t sleep?
Dude, yes. I’m fucking exhausted. I’ve been working long-ass days and I’m still not done with all my tasks. Not even close, man. Hayyy.
Alam n’yo ‘yung problema ko? Hindi sipag e, kasi buong araw naman talaga akong nagtatrabaho. Hindi rin kawalan ng motibasyon kasi nga kumikilos naman ako. Ang problema ko, bobo talaga ako. Sadyang mahina at mabagal mag-isip. Gusto kong umiyak kasi awang-awa na ako sa sarili ko — sino pa bang dadamay sa akin kundi ako lang din naman —pero dios mio pati mga mata ko tuyo na rin. Wala nang lakas beh. Punyetang buhay ‘to oo.
Do you have something important to do?
Aba marami! Nabasa ko sa Twitter: but what is today’s to-do list, but yesterday’s to-do list persevering? Huhuhuhuhu.
Do you like Jalapeno Cheetos?
Kung bibigyan mo ‘ko hindi ako tatanggi.
(Sorry I’m writing in Tagalog. Whenever I’m tired, my brain defaults back to Tagalog/Bicol even when I’m speaking — especially when I’m speaking. Yesterday I’m pretty sure I told my boss something like, “If I replace this value with ‘yung ano, uhmm, the other value…”)
Do you wish you had a new phone?
Nope.
Name one thing you ate today?
Coffee…shit isa pa ‘yan. Sa kakatrabaho ko hindi na ako kumakain. Kape, tinapay, at tuna lang yata ang kinain ko buong araw. Hindi na rin ako gumagalaw at nakakapag-exercise. Ang sakit nga ng kaliwanag hita ko ngayon e kasi, mehn, no joke, nakaupo lang talaga ako sa harap ng kompyuter araw-araw. Huhuhuhu.
Do you like 80’s music? 60’s music? 90’s music?
All of the above, beh!
Do you find rap music annoying?
Nah, man. Why would I?
What song is stuck in your head?
Hay inday, mga tatlong araw ko na yatang nire-repeat ‘yung “Painting by Chagall” ng The Weepies. Natatakot na nga ako na baka ma-associate ko ito sa specific episode na ito ng buhay ko e — stressed, ngarag, haggard — so baka maghanap na ako ng ibang ire-repeat bukas.
Have you ever been to Germany?
Hindi pa!
Do you drink coffee in the mornings?
Oo e.
Do you become a fan of lots of things on Facebook?
Wala akong Facebook. Minsan nati-tempt akong bumalik kasi baka makahanap ako d’un ng jowa — charrr. May time ka ‘teh? Magpatalino ka muna ‘teh!
What time do you go to bed on school/work nights?
Madaling araw na huhuhu.
Have you ever seen a therapist?
Oo, parang. (Tinatamad akong i-explain kung bakit “parang” lang.)
Do you get in trouble at school often?
Yuhhh.
Do you watch videos on YouTube?
Yuhhh.
Name a song that makes you happy.
‘Yung “Painting by Chagall” napapasaya ako n’un. Disney songs, puwede rin, tsaka K-Pop at iba pang upbeat songs na sumikat n’ung bata ako. Alam mo ‘yung “Happy” ni Alexia? Saya haha.
Name a song that makes you want to dance.
Hindi talaga ako mahilig sumayaw e (kasi hindi man lang ako marunong sumayaw to begin with). Pero, hmm, may moments na kapag nakikinig ako sa mga kanta ni Robyn, lalo na ‘yung mga kanta niya sa Body Talk album, parang gusto ko talagang uminom at malasing at sumayaw.
Name a song that brings back memories.
‘Yung “Happy” ni Alexia.
Does the song above bring back good or bad memories?
Hmmm. Good siguro? Wala namang specific na bagay akong naaalala e. General nostalgia lang, ganyan, kasi nga medyo sumikat ‘yang kantang ‘yan n’ung bata ako e. Ginamit kasi siya na parang theme song sa isang ad ng ABS-CBN. Actually hindi talaga ad e, mas parang station ID — teka nga hanapin ko wait lang.
Okay, nahanap ko. Ito siya o:
What decade do you think is the best musically?
Ang hirap naman! Kung papipiliin — as in gun-to-head levels, ganyan — siguro pipiliin ko 2010s. Puwede ring 2000s. Hmm — wala, mahirap talaga e!
Do you take a long time to get ready in the mornings?
Wala nang ready ready beh! Minsan nagpapalit lang ako ng damit tas trabaho na agad. Huhuhuhuhu.
Do you wear a lot of makeup?
HIndi. Nasa bahay lang naman ako e.
Have you ever written poetry or fiction?
Oo e. Unfortunately.
Do you know how to read music?
Medyo? Pero not in any meaningful or valuable way ha. Hindi ko kayang magbasa at tumugtog at the same time.
Do you regularly use a blow dryer?
Pagkatapos maligo, oo.
When was the last time you went to church?
Hindi ko na talaga maalala. May naaalala akong mga misa at sermon pero hindi sila sa simbahan naganap e.
Would you date someone who was a different religion than you?
Parang hindi naman sa akin big deal ang religion, maliban na lang siguro kung pipilitin akong gumawa ng mga bagay na ayaw kong gawin, o kung pagbabawalan akong gawin ang mga bagay na gusto kong ginagawa. Medyo turn off din kung medyo righteous, although puwede namang maging righteous ang kahit na sino mula sa kahit anong relihiyon.
Ayy. Extra pogi points pala kung maalam sa liberation theology. Hehe.
What is your best subject in school?
Average lang ako sa lahat e.
Name something you do nearly everyday.
Magkape.
Do you take surveys a lot?
Saks lang. Ginagawa ko ‘to ‘pag tinatamad akong magsulat pero gusto kong kumuda.
Have you ever had sushi?
Oo naman.
Huy grabe naman yung sagot mo sa number one hehe. Be kind to yourself hehe
LikeLiked by 1 person
Di ako naniniwala sa unang part ng post mo. Ang bobo yung mga tao na naniniwala sa kung anu anong propaganda na nababasa nila sa peysbuk at yotyub. Mga hail bibiem, mga ganun. La lang. Mag peysbuk k n kc. Follow mo mga meme page 2lad ng memes out for u know u (clue may thirty sa pangalan). Ewan ko, sa mga ganito na lang ako natutuwa sa mga panahong ganito. Minsan parang gusto kong isipin o maniwala na kabataang memers talaga ang pag asa ng bayan. Chareng!
LikeLiked by 1 person
“Medyo turn off din kung medyo righteous.” Ito talaga iyon e. 🙂
LikeLiked by 1 person