bawal mag-sorry

1.

May meeting kami kanina tungkol sa tamang asal at pakikipag-usap sa mga kliyente. Huwag daw magsuot ng pambahay tuwing haharap sa camera. Huwag gumamit ng mga negatibong salita gaya ng “hesitate” o “unfortunately” o “sorry.” Huwag gumawa ng ibang trabaho habang may meeting.

Lahat ng sinabi nilang huwag gawin, ginagawa ko araw-araw. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin — sorry naman — pero bawal nga pala mag-sorry.

2.

Sa kabilang banda, wala akong paki.

3.

Medyo maaga akong natapos sa trabaho ngayon. Maaga, as in alas sais ng gabi. Sana i-restructure ulit ang team namin. Ayaw ko talagang nagde-delegate ng trabaho. Ayaw ko ring humaharap sa kliyente. Email, okay lang. Tawag? Hay. Meeting? Kung pwede lang magpalapa sa lupa.

4.

Kimchi rice ang kinain ko ngayong araw. Mabuti’t may natira pa sa kanin na niluto ko noong Lunes. Tinapay at peanut butter na lang ang pagkain ko para bukas. Kailangan ko nang mamalengke.

5.

Kung dati tinatatamad akong mamalengke, ngayon natatakot akong mamalengke. Nakakatakot ang Omicron! Sa pipitsuging supermarket pa naman ako namimili ng grocery. Ang daming tao palagi, tapos mababa pa ang pasuweldo sa mga empleyado. Malamang, may mga empleyadong may mild na sintomas na magtatrabaho habang naghihintay ng test result. Hay. Pero hindi nila 100% kasalanan. Nakakaurat lang talaga ‘tong pandemya na ‘to. Nakakaurat din ang sistemang mababa magpasuweldo sa mga empleyado.

6.

Nabasa n’yo na ba ang kuwentong “Anxiety is the Dizziness of Freedom” ni Ted Chiang? Kung hindi pa, tungkol ito sa many-worlds interpretation o MWI ng quantum mechanics — pero wait! Hindi ito nosebleed! Sa MWI, sinasabing ang bawat desisyon natin ay posibleng magluwal ng iba-ibang sangay ng uniberso. Halimbawa, kung hindi ako namalengke kanina kasi natakot ako, may isang sangay ng uniberso kung saan hindi ako natakot kaya namalengke ako. Sa kuwento ni Ted Chiang, may communication device na kayang pagtagpuin ang iba-ibang bersyon ng mundo — as in puwede mong makausap ang ibang ikaw sa ibang uniberso. Maganda!

7.

Paboritong sipi:

“And it’s not just your behavior in this branch that you’re changing: you’re inoculating all the versions of you that split off in the future. By becoming a better person, you’re ensuring that more and more of the branches that split off from this point forward are populated by better versions of you.”

Better versions of Nat. “Thanks,” she said. “That’s what I was looking for.”

8.

Madalas, iniisip ko, may bersyon kaya ng sarili ko na masaya? Na masarap ang ulam kanina? Na naging manunulat sa halip na, ewan ko — sino nga ba ako?


Kuha ni Chris Montgomery ang litrato.

13 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.