pagoda cold wave lotion

1.

Noong college ako, usong-uso ‘yung mga beki expression gaya ng Haggardo Magbanua (“haggard”) at Stress Drilon (“stressed”). Noong college ko rin narinig ‘yung expression na Pagoda Cold Wave Lotion (“pagod”).

2.

“Ano ‘yun?” tanong ko sa kaibigan ko.

“Short for pagod,” sabi niya.

“Alam ko pagod ‘yung meaning,” sagot ko, “pero ano ‘yung Pagoda Cold Wave Lotion?”

“Pampakulot yata ng buhok?”

Hindi siya sigurado kaya akala ko pauso lang niya — ‘yun pala totoo. Totoong may cold wave product nga na Pagoda Cold Wave Lotion ang pangalan.

3.

Sumagi sa isip ko ang Pagoda Cold Wave Lotion ngayong gabi kasi pagoda cold wave lotion talaga ako. Pasado 10 pm na ako natapos sa trabaho (at 8 am ako nagsimula!). Marami pa akong kailangang tapusin, pero nang mapansin kong lampas alas dies na, tumigil na ako. Tumayo ako para makapag-unat sa wakas. Pagkatayong-pagkatayo ko, para bang nalantang gulay ang buong katawan ko. Pagoda cold wave lotion! Napahiga na lang ako sahig.

4.

Isang tasang kanin at isang latang sardinas lang ang kinain ko buong araw. Tsaka kape. Uminom ako ng dalawang mug ng kape.

5.

Wala na akong de-lata sa pantry. Hindi ko alam kung ano ang uulamin ko bukas.

6.

Tiyak, sa dami pa ng mga dapat kong tapusin sa trabaho, pagoda cold wave lotion na naman ako bukas.


Kuha ni Matthew Tkocz ang litrato.

5 responses to “pagoda cold wave lotion”

  1. Yun pala ang Pagoda Cold Wave Lotion!!

    Liked by 1 person

    1. ‘Yun na nga! Haha ๐Ÿ˜€

      Like

  2. di ba haggardo verzosa yon?
    iniisip ko dati kung related ba yung pagoda cold wave lotion at yung pagoda tragedy sa bulacan. XD

    Liked by 1 person

    1. Mas ginagamit ko ang Haggardo Magbanua! Haha.

      Naisip ko rin ‘yan! Pero wala yata silang kinalaman sa isa’t isa, ‘di ko lang sure haha ๐Ÿ˜€

      Liked by 1 person

  3. Yung Pagoda Cold Wave Lotion ay para nga sa buhok hahaha akala ko nga dati lotion talaga as in pinapahid sa katawan! hahahaha

    Liked by 1 person

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.