annual review

1.

Annual review ko sa trabaho búkas. Ito ang unang annual review ko kaya hindi ko sigurado kung katulad lang ba ito ng performance evaluation, o kung bakit annual review ang tawag nila sa halip na performance evaluation.

2.

Sabi sa meeting invite, maghanda raw ako ng development plan. Development plan? Naghanap ako ng kung ano-anong template sa Internet; hindi ko alam kung tama ba ang planong ginawa ko, o kung may tama o mali ba sa mga plano.

3.

Kanina, sinabi ko sa boss ko ang aking long-term plan. Mukhang supportive naman siya, pero medyo halata na hindi ‘yun ang inaasahan niyang sasabihin ko. Gusto kasi niyang hasain ako para maging project manager balang araw, na ayos lang naman sa akin, pero mas interesado lang talaga ako sa ibang bagay.

4.

Medyo nagsisisi ako sa sinabi kong plano sa boss ko. Baka mawalan na siya ng interes na i-mentor ako, lalo na kung ang long-term plan ko ay iwan siya. Posible ring masyado akong ambisyosa. Medyo mahusay naman ako sa kasalukuyan kong tungkulin, pero paano kung kapag sinubukan ko nang gawin ‘yung bagay na mas interesado akong gawin — paano kung hindi pala ako magaling?

5.

Bahala na si Darna.


Kuha ni Channey Tang-Ho ang litrato.

4 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.