1.
Tatlumpung minuto na akong nagtatayp at nagdi-delete ng tinatayp. May mga araw yata talagang gaya ngayon na kahit anong isulat ko, mandidiri at mandidiri ako.
2.
Wala namang nakakadiri sa gusto kong ibahagi. Sa simpleng sabi: maganda ang lagay ng panahon ngayon dito sa amin. Nahihirapan lang akong ilarawan kung ano nga ba ang ibig kong sabihin sa “maganda,” at kung ano ang pamantayan ko sa “kagandahan” ng panahon.
3.
Una, maaraw. Ikalawa, presko ang hangin. Ikatlo, walang yelo sa daan. ‘Ayun lang naman. Pero hindi ako nasasapatan sa ganyang paglalarawan. Show, don’t tell. Gumamit ng pandiwa sa halip na pang-uri. Gumamit ng mga tayutay hangga’t maaari.
4.
Maganda ang lagay ng panahon ngayon dito sa amin. Maaraw, presko, at walang yelo sa daan. Bihira ang ganitong sigla ng araw lalo na tuwing buwan ng Enero. Tuwing taglamig kasi, kinukumutan ng nanigas na yelo ang mga kalsada ng lungsod. Dumudulas sa daan ang mga gulong ng sasakyan at mga suwelas ng sapatos. Parang latigo rin kung humampas ang hangin, at sumasalubsob sa kaibuturan ng balat at buto ang ginaw nito.
Ngunit ngayon, araw ng Linggo, tinunaw ng galak ng araw ang mga yelo. Maginaw pero banayad ang simoy ng hangin. Maliwanag ang paligid, pakampay-kampay ang mga hubad na sanga ng mga puno, at may mga ibon na naghuhuntahan sa balkonahe ng apartment ko. Kung ganito siguro ang lagay ng panahon dito palagi, marahil matutunan ko ring ibigin ang lungsod na ito.
5.
Noong nakaraang linggo ko pa isinulat ang mga tala sa itaas. Hindi ko lang nailathala rito sa blog kasi, ewan, nakaligtaan ko yata. Maganda pa rin naman ang lagay ng panahon ngayon pero ayon sa forecast, bubuhos na ulit ang niyebe sa mga susunod na araw.
6.
Lunes na ulit bukas. Bago magpaalam sa mga huling sandali ng Linggo, isang tula:
Any Common Desolation by Ellen Bass can be enough to make you look up at the yellowed leaves of the apple tree, the few that survived the rains and frost, shot with late afternoon sun. They glow a deep orange-gold against a blue so sheer, a single bird would rip it like silk. You may have to break your heart, but it isn’t nothing to know even one moment alive. The sound of an oar in an oarlock or a ruminant animal tearing grass. The smell of grated ginger. The ruby neon of the liquor store sign. Warm socks. You remember your mother, her precision a ceremony, as she gathered the white cotton, slipped it over your toes, drew up the heel, turned the cuff. A breath can uncoil as you walk across your own muddy yard, the big dipper pouring night down over you, and everything you dread, all you can’t bear, dissolves and, like a needle slipped into your vein— that sudden rush of the world.
Kuha ni Saurav Mahto ang litrato.
may tagalog ba ang “i miss you”? halp! pero ayun, I miss you Jolzi! ❤
LikeLiked by 1 person
Misyutu Isles!!! 🥰😘
LikeLike
Wow so ganyan pala yung nahihirapan magdescribe. Ahhhh … hahahaha galing pa din eh.
LikeLiked by 1 person