Naging archive ng mga pelikulang napapanood ko ang dati kong blog. Kaya ngayon, nagbabalik ang dating gimik. At dahil may preference ako recently sa mga kilig-kilig na bagay, heto:
Nick and Norah’s Infinite Playlist. Masaya; tamang timpla ng kilig. Nakadagdag din sa dating nito na hindi Hollywood celebrity level ang status/hitsura/appeal ng dalawang bida. At mukhang genuinely mahilig talaga sila sa musika at mga cool na bagay, kahit sa labas ng roles nila. At yes, wagi ang OST.
Flipped. Pogi ang bidang lalaki. As in. Tama si Juli Baker: “It’s his dazzling eyes.” Hindi ko akalaing maniniwala at ma-aappreciate ko pa ang salitang “dazzling” post-Twilight. Anyhoo, heartwarming ang pelikula. Hindi ko nabasa ang libro kaya inaasahan kong may mamamatay, batay na rin sa madalas na ending ng mga childhood love affairs sa kabukiran ng America (Bridge to Terabithia ang naiisip ko ngayon). Mabuti wala namang na-deads. Masayang kuwento lang ng unang pag-ibig.
Yung Flipped!!!! Maganda yung book girl. Ang dami kong feels doon kasi damang dama ko talaga na ako si girl tapos si Kyx yung lalaki. Kasi pacute na pacute ako tapos wala siyang pake sakin leche sya hahaha ayan. So isa yan sa mga pinakafavorite ko na pelikula at libor haha
LikeLiked by 1 person
Sheght hinalungkat mo nga! Potah 2012 pa ‘to hahaha. Maghahanap ako ng PDF ng Flipped, tas ‘pag may bago na akong crush ‘yan babasahin ko para mabuhayan ako hahaha. ❤
LikeLiked by 1 person