Naging archive ng mga pelikulang napapanood ko ang dati kong blog. Kaya ngayon, nagbabalik ang dating gimik. At dahil may preference ako recently sa mga kilig-kilig na bagay, heto:
Nick and Norah’s Infinite Playlist. Masaya; tamang timpla ng kilig. Nakadagdag din sa dating nito na hindi Hollywood celebrity level ang status/hitsura/appeal ng dalawang bida. At mukhang genuinely mahilig talaga sila sa musika at mga cool na bagay, kahit sa labas ng roles nila. At yes, wagi ang OST.
Flipped. Pogi ang bidang lalaki. As in. Tama si Juli Baker: “It’s his dazzling eyes.” Hindi ko akalaing maniniwala at ma-aappreciate ko pa ang salitang “dazzling” post-Twilight. Anyhoo, heartwarming ang pelikula. Hindi ko nabasa ang libro kaya inaasahan kong may mamamatay, batay na rin sa madalas na ending ng mga childhood love affairs sa kabukiran ng America (Bridge to Terabithia ang naiisip ko ngayon). Mabuti wala namang na-deads. Masayang kuwento lang ng unang pag-ibig.
Leave a reply to Jolens Cancel reply