SALAMAT KAY Juvie sa pagnomina sa akin.
Kagaya ng ibang award, simple lang ang panuto: magpasalamat sa nagnomina, maglista ng pitong bagay tungkol sa sarili, at magnomina ng iba pang blogger.
Rebelde mode ako ngayon kaya naisip kong magsulat ng pitong opinyon tungkol sa drug war. Hindi na rin ako magnonomina ng ibang blogger at baka matakot pa sila.
Handa rin akong makinig sa opinyon ng iba. Kinikilala kong may mga tinatamasa akong pribilehiyo na maaaring nagpapapurol sa kapasidad kong magsuri. Gayunman, huwag sanang iikot ang mga puna sa, “hindi ka kasi tagarito.” Matagal nang may krimen at may mga adik — Tondo na ang Tondo kahit noong nasa Pilipinas pa ako. At sa tingin ko, may karapatan din namang magkuro kahit ang mga migrante at OFW.
1.
Tutol ako sa state-sanctioned na pagpatay sa mga pinaghihinalaang pusher o user ng droga. Nakareserba ang due process para lamang sa mayayamang akusado (hal. Paolo Duterte at Joshua Arroyo) samantalang walang hinihinging ebidensya o patunay kung maralita ang pinaghihinalaan. Hindi ito makatao at lalong hindi ito patas.
2.
Hindi porke’t kinukundena ko ang mga masaker, suportado ko na ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga adik. Sa lohika, mayroong tinatawag na “false dichotomy.” Hindi lang dadalwa ang posibleng posisyon, at walang panuntunang nagbabawal na tumutol tayo sa lahat ng uri ng abuso, pulis man o adik ang kumalabit sa gatilyo.
3.
Ano man ang opinyon mo sa drug war, marapat pa ring kundenahin ang kawalan ng maayos na metodolohiya ng kapulisan. Nauuwi ang proseso sa arbitraryong pagpili ng mga target. Sa puntong ito, iwaksi na natin ang ilusyon na walang dapat ikabahala ang mga taong wala namang ginagawang masama.
4.
Sana may patunguhan ang isinampang kaso ng IBP laban sa mga berdugong pumatay kay Kian delos Santos. Naniniwala akong dapat panagutin ang mga mapang-abusong pulis kasabay ng pagpapanagot sa mga makapangyarihang personalidad sa likod ng drug trade. Walang silbi ang ground operations kung patuloy namang iiral ang mga kartel na nagsu-supply ng shabu sa bansa.
5.
Sinusubukan kong hindi marindi at mauyam sa mga bulag na fanatic ni Duterte. Nauunawaan ko naman kung bakit may ilan sa atin na handang tanggapin ang karahasan at mga pang-aabuso kung para naman ito sa ikabubuti ng bayan. Kailangan lang yata talaga ng matindi-tinding pagpapaliwanag (at pagpapakumbaba) upang makumbinsi ang ilang tao na hindi sa lahat ng pagkakataon, tama ang pangulo at ang mga alipores nito.
6.
Natutuwa at natatawa ako sa Dunning-Kruger Effect, isang konsepto sa sikolohiya tungkol sa cognitive bias ng mga tao na “unskilled and unaware of it.” Sabi pa sa abstract ng pag-aaral, “These people reach erroneous conclusions and make unfortunate choices, but their incompetence robs them of the metacognitive ability to realize it.”
Alam n’yo sino una kong naisip? Si Mocha Uson.
7.
Hindi naman ako imbyerna kay Mocha Uson bilang tao. Hindi lang talaga ako sang-ayon sa marami niyang hanash, mula sa pagpapalaganap ng mga maling dikotomiya (dilawan vs. ka-DDS), tungo sa pangungutya niya sa kahalagahan ng peryodismo (she’s “not-a-journalist”).
Bagamat may merit ang ilang puna ni Mocha laban sa mainstream media, naniniwala akong kailangan niya ring matutong umunawa sa konsepto ng media accountability. Kung may pagkakamali, huwag nang magpalusot — kilalanin ang sariling pagkukulang, humingi ng paumanhin, at ilahad ang tamang ulat.
‘Ayun lamang powhz, bow.
PS. Dito ko nakuha ang logo ng award.
Di pa ako tapos magbasa kaso baka malimutan ko gusto kong sabihin. Super agree ako sa number 1. Hindi ito biro ah pero nagaalala ako talaga kasi si Kyx super payat!!!! As in baka gawan nila ng kwento na durogista o pusher 😥 on a different note, kailangan talagang may due process!!! Hindi pwede yang papatayin ng ganon ganon nalang! teka back to reading na ako.
LikeLiked by 2 people
Hala oo nga! Huy remind mo lagi si Kyx (close??) na mag-ingat! Kung may work ID siya dalhin niya lagi! May kakilala ako, nilapitan siya ng mga pulis na may malalaking baril nakakaloka. Buti dala niya ang press ID niya (journalist siya) kaya feeling niya ‘yun ang nag-save sa kanya. Juskopo ingat!!!
LikeLiked by 1 person
Home based na si Kyx ngayon BUT STILL, sa walang pinapalampas sila natatakot pa rin ako huhuhu pero girl ang payat payat talaga ni KYx as in tapos hindi biro yung baka matokhang kasi ang dali dali nila magimbento ng mga kwento. Kahit nga mga bata diba nagagawan ng kwento, may bago nga ngayon na kesyo holdaper daw kaya pinatay ng mga pulis. Nakakalurkey 😥
LikeLiked by 1 person
Oo nabasa ko ‘yun. Jusme huhu. Sana hindi naman mangyari kay Kyx, o sa kahit na sino pa. Grabe ‘no? Akala ko these drug operations were supposed to make the people feel safe pero mukhang ‘yung opposite ang nangyayari. 😥
LikeLiked by 1 person
Totoo!!! Kasi kahit sino pwede nalang bumulagta tapos gagawan nalang ng kwento tapos di na alam ng public kung ano yung totoo. Hayyy nakakalungkot. Bakit kasi nangyayari ito eh 😦
LikeLike
Jolens, gustong gusto ko yung mga sinulat mo. Sana magkaroon din ako ng ganyang pakielam sa bayan kasi sa totoo lang nalulungkot na ako ayaw ko na nga makarinig o makanood ng news pero dahil sa sinulat mo, kahit isang malawak na topic lang ito na parte ng mas malaking problema sa bansa, nagkaroon ako ng pag-asa na makielam at magbigay ng opinyon kung ano ang sinasang ayunan ko o hindi.
Hindi ako pro Duterte at mas leaning towards ako sa pagkaayaw ko sakanya. Hayyy. Marami akong mga prinsipyo na taliwas sa mga prinsipyo niya pero ang helpless ko kasi sino lang ba ako. Hayy.
LikeLiked by 1 person
Nafefeel kita, Thea! Nagunfollow ako ng news sa lahat sa Twitter at FB kasi nauumay ako sa nakikita. Hindi narin ako nagbubukas ng MSN kasi ung newsfeed nila, nakakaumay din. Tapos sa lahat ng nangyayari ngayon, naiiyak ako kada nakikita ko ung tax sa payslip ko.
Jolens, super agree sa 1, 3 and 7. Nakita mo ba ung pinakalast na hanash ni Ateng Mocha sa Twitter? Yung False Meme? Itinawa ko na lang. Tapos iwas isip sa parte ng tax kong pinapambayad sa kanya.
LikeLiked by 2 people
Buti wala akong Twitter! Hahaha. Ang hirap kasing maging mabuting tao kapag nababasa ko ang mga kuda ni Mocha e. ‘Yung kahit I want to take the high road and be the better person, ang hirap-hirap na hindi siya husgahan at tawaging bobo. Ayoko pa namang nambabansag ng bobo kasi ako rin naman may boba moments. Hay maryosep jusmiyo I hate draaaags!!! Hahaha.
LikeLike
Ay ganyan din ako, feeling helpless talaga kasi wala ako sa Pilipinas. Ang dami kong gustong sabihin at gawin pero nai-incapacitate ako ng milya-milyang distansya ko sa bansa natin.
Siguro kaya rin concerned pa rin ako sa mga ganito kasi naniniwala akong “the personal is political.” Hindi tayo nakatira sa vacuum — marami sa decisions at preferences at values natin are shaped by political and social factors around us. Mahirap i-explain pero ‘yan lagi ang pinanghahawakan ko: na kahit feeling ko wala akong magagawa, gusto ko pa ring unawain ang mga kaganapan sa paligid ko kasi sa ganitong paraan ko rin mas makikilala pa ang sarili ko.
T*ng ina ang arte pakinggan pero totoo ‘yan pramis! Hahahahaha.
LikeLike
Bakit para naman akong umattend ng seminar ng mga nag-aayang magrally sa Mendiola sa post na ito ha ha ha sorry wala akong magandang maicomment haha
LikeLiked by 2 people
Hahahaha! Oy nagrarali talaga ako dati para ipaglaban ang mas mataas na budget allocation for education! Saya-saya ko nga n’ung pinirmahan ni Duts ‘yung free tuition bill e haha. Naiinis din ako sa mga nagsasabing bayaran ang mga nagrarali kasi never ako kumita d’yan bwiset hahaha.
LikeLiked by 1 person
Ha ha ha muntik-muntikan na rin akong mahimok dyan sa rally na yan dati eh….bilang anlapit ng UNI namin sa Mendiola ha ha, kami yung nagsusunog ng upuan pag nagtaas ng PISO per unit? ha ha
LikeLiked by 1 person
Hahahaha ang tatapang! 😀
LikeLiked by 1 person
Hahaha ayaw ko na rin sa balita dahil sa mga pangit (in general) kong nakikita! Deads dito, deads doon. Wala ng positive na news, puro negative. Nakakaumay! >__<
LikeLiked by 1 person
Great post
LikeLiked by 1 person
Teka lang ang lalim naloka ako hahahaha
LikeLike
Pero okay game. Agree ako sa lahat ng sinabi mo, Ate. Parang sinabi mo na lahat ng gusto kong sabihin. Ako usually sa Twitter lang ako naglalabas ng saloobin ko about d’yan eh. Kapag mahirap, deds agad pero kapag mayaman (at ehem anak niya) kahit 6+ million/billion pesos ang involved, wala, ekis? Hindi papatayin? Akala ko ba kahit anak niya walang ligtas sa patayang ‘yan? Duda na ‘ko d’yan kay Duterts na ‘yan hindi tumataba e lagi nalang kinakain mga sinasabi n’ya. Puro pa kapag may idedeclare na katangahan tapos a few days after.. JOKE LANG. Juskooo di ko maexplain kung gano ka-joke ang administrasyon natin, idagdag pa talaga ‘yang si Mocha Uson na ‘yan. Puro dede nalang, walang utak. Hahahahahahaha ang galit ko talaga sorry HAHAHAHA
Hindi ako anti or pro-duterte pero Pro-PH ako. Kung may nagawang maganda si Duterte, okay, suportahan. Pero kung wala, jusko, may right tayo ipaglaban at i-voice out thoughts natin. Sabi nga nung nabasa kong campaign online, “Hanggang kelan ka mananahimik?”
LikeLiked by 1 person
Huy nabalitaan mo na ‘yung news tungkol sa sinaksak na 14 years old? At ‘yung fact na two days after napatay si Kian binigyan ng award (as in parangal, hindi award ng mga beki) ang Caloocan Police?
Nakakaloka ‘teh! Ang tanong ko sa mga ka-DDS: mga baks, seriously, pakipaliwanag naman kung bakit okay lang sa inyo ‘yan? Wala ba kayong sense of empathy sa katawan? Huhuhu.
At grabe Amielle girl, sobrang sharp mo! Hindi tayo necessarily pro or anti Duterte pero mahal natin ang Pilipinas huhuhuhu. Mga batang Pilipino na ang pinapatay besh! Kung pwede lang talagang umuwi huhuhu. 😦
LikeLiked by 1 person
Yes ka-DDS! Tapos iiyak iyak si Bato at magsosorry. HAHHAHAHA pakshet na ‘yan pwede na sa Star Magic eh. Asarrrr
LikeLiked by 1 person
Natuwa naman ako, andami nang comments. mga 2 araw ko ata binalik-balikan itong post na ‘to. sabi ko, ganun yata talaga pag tungkol dito, tahimik na lang ang mga tao. buti na lang hindi.
“…hindi tumataba e lagi nalang kinakain mga sinasabi n’ya… idagdag pa talaga ‘yang si Mocha Uson na ‘yan. Puro dede nalang, walang utak.”
Salamat, Amielle. Buo na ang araw ko.
LikeLiked by 2 people
Hello po!! ‘Di ko po malaman kung Kuya ikaw o Ate kasi wala ako makita sa About mo pero salamat!
Ako, feeling ko kahit naman sa mga nagdaang administrasyon (marcos, etc), may nasasabing ganito ang mga tao pero ang kaibahan lang ngayon e mas nakikita ‘yung freedom of speech ng mga tao dahil ng social media. Minsan nga lang, ‘di nagagamit sa tamang paraan aka pagpapakalat ng fake news aka m0ch@ us0n.
LikeLiked by 2 people
Kahit nagsagot ka na, ninominate pa rin kita kasi alam mo na, friend kita ganern ahhahaha
https://xoxalthea.wordpress.com/2017/09/07/awards-awards-awards/
LikeLiked by 1 person
Aw thanks bakla! Trabahuin ko ‘to hopefully this weekend! Thank you ulit. 🙂
LikeLiked by 1 person
Go lang baks ❤ ❤ ❤
LikeLike
Natawa ako sa word na uyam. Ilocano ba yun? Or super malalim na Tagalog? Ngayon ko na lang ulit narinig. Agree sa lahat ng sinabi mo except sa kay Mocha. Hindi ko na kayang maging civilized pag napag-uusapan siya hahaha. I fucking see blood whenever I see her posts. Recently, nag-a-unfriend ako ng mga kaibigang ka-DDS. Tapos na ko sa point ng buhay na mag-educate ng mga mga ka-DDS natin. Keribels na dapat ang isang taon para makita nila ang mga mali sa war on drugs na ‘to. At sa kung ilang libong namatay dahil dito ay suportado pa rin nila ang admin, tangina, may mali na sa pagkatao at values mo. Hindi ko na kailangan ng ganyang klaseng negativity sa buhay ko. Nakaka-wrinkles at dry ng skin. Charot not charot. Nakakalunod, nakakalungkot at nakakagalit na nga ang mga balita e, bawasan ko na sila. Haha.
LikeLiked by 1 person
Uyam din sa Bikol haha. Ako rin nasstress kay Mocha sobra! Hahaha. Baka isipin ng mga tao feelingera tayo, feeling respo na mag-educate. Mamaya maka-hurt pa tayo ng feelings hahaha. Pero gets kita talaga. Buti wala akong friend na ka-DDS. Medyo interesado nga akong makipag-usap sa isang ka-DDS e. ‘Yung seryosong usap a, ‘yung maayos ang mga argumento at hindi puro pintasan at “kanya-kanya tayo” achuchu. Kaya nga nakikipagtalastasan, ang intensyon ay maunaawan ang pinagmumulan ng isa’t isa at makahanap ng pinaka-sharp na consensus. Feeling ko may Duterte supporter naman na capable sa ganyan, pero sure ako hindi si Mocha ‘yon haha.
LikeLike
Ah! Ang layo ng Bicol sa Ilocos pero narinig ko na talaga yang word na yan hehe. Naku super dalang ng ganung ka-DDS. Rare gem sila. Kasi para silang lahat may zombie virus na nagiging rabid at nawawalan ng thought process, values at katwiran. Ang crazy talaga. Ang nakakalungkot, yung mga natatauhan, hindi naman makapag-out lahat na “oo mali nga kami” kasi di ba sampal sa kanila din yun. Tinanong ko yung kapatid ko nung nakaraan kung nagsisisisi na siya. Hindi agad nakasagot tas sabi niya, hindi naman daw pero sana raw hindi ganito, ganyan ganyan. Haha! Gusto ko rin tanungin yung iba kong kaibigan pero mauubusan ako ng mga 3 close friends na di ko kayang i-FO hahaha! Usually, taboo yun sa topics namin, or magra-rant ako tas pakikinggan lang nila ko hahaha! Wala kong makukuhang response ang frustrating.
LikeLiked by 1 person
Hahaha. May friends naman ako na bumoto kay Duts pero hindi sila ka-DDS. Napaisip tuloy ako: what makes a ka-DDS?
Parang may fanaticism involved kasi sa mga ka-DDS e. Sabi mo nga, nawalan na yata ng values at katwiran. In fairness naman sa mga kakilala kong bumoto kay Duts, maaga din nilang na-recognize ang emptiness ng kanyang socialist claims (e.g. neoliberal policies, wishy-washy stance on peace talks, etc).
At agree ako sa sinabi mo on chilling effect (kind of) among ka-DDS and Duterte supporters. Medyo antagonistic na rin kasi sa kanila ang mga tao ngayon — people stereotype them as bobo and, worse, some people blame them for what’s going on in the country. Kaya rin siguro natatakot silang mag-open up. But naniniwala akong they really have no hand in the killings — binoto lang nila ang taong sa tingin nila ay may idudulot na pagbabago sa bansa.
Everything that’s going on right now — the killings of the innocent, even the deaths of the cops — are all on Duterte and no one else. And I hope our Duterte supporter friends and our ka-DDS countrymen would realize this and start speaking out against all the atrocities.
LikeLiked by 1 person
Ako rin meron. Pero it irks me na hindi sila nagsasalita ngayon to condemn the killings, probably because they feel na they have a hand in it too. Hindi nila nakita na ganto mangyayari o nabulagan na sila nung election period craving for a change, a change that came for the worst. I’ve never been more afraid to go home late. Wala na akong media ID tulad ni Sef Gozon, wala akong proof na hindi ako nagda-drugs bukod sa hindi ako mukhang adik, but will that save me? Haha! Ni hindi ko nga magawang magsulat ng experience ko ng happy pizza for fear na pag nadamay ako sa war on drugs magamit pa against me hahaha but sadness diba
Ka-DDS yung mga blind followers talaga, meron na bang nagsulat ng anatomy of a ka-DDS? Haha!
I agree na not everyone has a hand in the killings, but I believe na if up at this point you still have the gall to believe in him, then might as well get a gun and kill another innocent kid.
LikeLiked by 1 person
Ay true, ang power ng last paragraph mo mumsht. Totoo naman. Kung hindi man sila naniniwalang mali ang proseso, kilalanin man lang sana nilang may lapses ito. Huhu.
At gusto ko rin ‘yang Anatomy of a Ka-DDS idea mo. Ayoko lang isulat kasi wala akong kakilala, baka mauwi lang sa unnecessary stereotypes tapos lalong maka-antagonize sa halip na mas ma-convince sila to join the clamor against human rights violations.
And speaking of human rights, sarap sapukin ng kongreso hesuskopo! Ano ba ang nangyayari sa mundo mumsht??
At ikaw, mag-iingat ka lagi huhu. Afraid ang nangyari kay Sef no? Kahit luma mong press ID dalhin mo huhuhu. Ingat ka!!! 😦
LikeLike
Ang sarap isulat nung Anatomy of a ka-DDS. Haha! Ayoko rin isulat magkakaron ako ng maraming kaaway pag inaway ko presidente nila.
Jusko yang sa human rights na P1000 proposed budget!!! Napainom ako mag-isa kagabi sa sobrang inis ko! Afraidy aguilar na talaga sa Pinas, nag-iisip na talaga akong umalis dito bago maging worst ang lahat na hindi ka na makakaalis talaga ng bansa juskopo! Balik na lang ako mga 2022.
LikeLiked by 1 person
Umiinom ka mag-isa baks? Ako rin! Magdamayan tayo huhu.
Nakakaloka talaga! Nako, isulat mo na ‘yan! Hayaan mo na ang feelings nila charot! Kung may oras lang ako nag-content analysis ako sa mga sikat na pages ng mga ka-DDS. Gusto kong tilad-tilarin kung paano sila sumagot sa mga argumento juskolord.
At mumsht, feeling ko seseryosohin mo ‘yang pag-alis mo ng bansa once ma-railroad sa kongreso ang ChaCha at magkaroon ng posibilidad na ma-extend ang term ni Duts. Haha charot lang ‘wag naman po sana. Basta sa ngayon mag-iingat ka! Sa bahay ka na lang mag-inom ‘di baleng walang kasama. 😀
LikeLiked by 1 person
First time ko uninom mag-isa sa asar ko! Hahaha! Might do it again soon. Okay naman pala! Haha! Virtual inuman? Pwede!
Isipin ko pa kung anong dapat ilagay hehe. Mej tinigilan ko pagsusulat ng politics. Ang hobby ko ngayon magcomment sa mga news articles ng walang kawawaan, mga nang-aaaar lang hahaha kailangan ko ng bagong hobby lol
Magmamartial law na raw. Magstart na ko magdispose ng gamit ko. Need money pansimula sa ibang bansa haha!
LikeLiked by 1 person
Hoy game ako sa virtual inuman! Kaya lang magkaiba time zone natin, mahirap i-schedule. Kailangan isa sa atin iinom sa umaga hahaha.
Bili ka ng coloring book teh! Parang nakaka-relax ‘yung pagkukulay-kulay haha. At please, jusko, wag naman sanang matuloy ang martial law. Hangga’t kaya mong magstay, stay ka lang jan mum. Malungkot sa malayo huhuhu!
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Ang saya ng virtual inuman diba? Hahaha! Pwede namans siguro happy hour. Yung isa tanghali iinom, yung isa maaga sa gabi? Di ko alam ilan ang difference ng oras haha!
Napapagod ako sa pagkukulay. Nagkukulay lang ako bonding namin ng mga pamangkin ko kaso graduate na sila sa coloring book stage haha! Iisipan ko yang nakakarelax na activity, sabi ng kaibigan ko cross stitch/gantsilyo full blown tita HAHAHAHA!
Oo nga e, tsaka paano pa ko makakanood ng mga indie huhu isa talaga yun sa dahilan ko pucha. Bakit ako ganto hahaha! Though if ever, puntahan ko lang naman sa Phuket mama ko. Nakakarelax naman ang beaches.
LikeLiked by 1 person
Hoy gising ka? Kung gising ka ngayon inuman tayo hahaha.
Also, may Facebook ka ba? Add kita d’un tayo mag-sched ng inuman kung game ka! HAHAHA.
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Kagigising ko lang! Shet wag ngayon papunta ako ng meeting lol ischedule natin yan! Meron akong Facebook – Carmina Giezzele. Message mo ko hahaha!
LikeLike