NAUUSO YATA ANG mga pelikulang lunsaran ng mga personal na danas at hanash ng mga batang direktor. Cinema as self-expression, ika nga, at ang layunin ay ang maantig ang puso ng madla dahil unibersal naman ang tamis at alat at pait ng naunsyaming pag-ibig.
Sa ganitong framework ko nakikita ang I’m Drunk, I Love You ni JP Habac. Hindi kailangan ng extensive research upang mabuo ang kwento nina Carson at Dio, matalik na magkaibigan ngunit palihim na iniibig ng babae ang lalaki.
May sariling vibe ang IDILY kahit gasgas na ang premise nito. May road trip at indie hymns na nakasalansan sa naratibo at may mga eksena ring pang-music video ang hitsura at haba. Cool at hip, pero hindi pretensyoso. Swak ang aesthetics ng pelikula sa panlasa ng target demographic nito: ang nakababatang bahagi ng populasyon na may prebilehiyong tumuntong sa kolehiyo at magwaldas ng pera sa beer.
Tipikal man ang temang tinatalakay, malay pa ring sinalungat ng IDILY ang ilang cliché na karaniwang kalakip ng Pinoy romcom. Walang obligatory happy ending at may sariling story arc din ang baklang best friend ni Carson na si Jason Ty.
Tokenistic nga lang ang kwento ni Jason. Ang pangunahing papel niya pa rin ay ang magbigay-komento sa buhay ng mga bida at magbitiw ng prompts upang ilahad ni Carson ang kasaysayan nila ni Dio. Vehicle for exposition lang si Jason kumbaga, at wala rin siyang malaking ipinagkaiba kina Nikki Valdez at Dimples Romana.
Marupok din ang karakterisasyon ng mismong mga bida. Walang malinaw na pagkatao si Carson labas sa pag-ibig niya kay Dio. Wala ring paliwanag kung bakit gusto pa rin ni Dio si Pathy, ang tauhang sobrang nipis ng pagkakasulat walang sinabi ang kamison ni Osang noong 90’s. Maging ang fixation sa extra ‘h’ ni Pathy ay naging comedic device lang at wala man lang pasakalye sa pagkatao ng dalaga.
Labas kay Pathy, matagumpay na naipinta ng IDILY ang takot at pagkalito ng kabataan ukol sa mga bagay na walang katiyakan. Tinalakay ng kwento ang pagharap sa realidad ng bukas, mula sa pagtatapos sa kolehiyo (“Anong plano mo sa future?”), pag-amin sa itinatagong damdamin (“Mahal kita, seven years na.”), hanggang sa pagpasok sa mga hindi kumbensyunal na relasyon (“Threesome?”). Inilarawan din ng pelikula ang pagnanais na manatili sa mga transisyunal na sandali habang hindi pa absoluto ang hinaharap (“Five minutes pa…”).
Instrumental ang pagtoma sa IDILY bilang paraan ng pagpapaliban sa hinaharap. Ngunit bukod sa pagiging coping device, hindi gaanong napiga ng pelikula ang complexity ng inuman at ng pagkalango sa serbesa. Sabi nga ng isang kaibigan, “Wala na ba silang ibang pinag-uusapan kundi mga sarili nila?”
“Natural” at nakakatawa ang mga dayalogo ngunit kulang ito sa laman. Uminog lamang sa internal na sigalot ang tensyon, ni walang introspection o malalim na pagkilala sa mga external sa salik na humubog sa damdamin at disposisyon ng mga bida, lalo na ni Carson.
Ang kalakasan lang ng mga linya ay ang pagsasawika nito sa pangangailangan ng kolektibong pag-igpaw sa kaisipang “hugot.” Hindi gaya ng ibang saksak-puso blockbuster, hinihimok tayo ng IDILY na umusad at umunlad — “time check,” mga baks, dahil panahon na para “grumadweyt” sa kakornihan at defeatism ng hugot attitude.
Sa huli, kasiya-siya ang IDILY bilang pelikulang nagsasalamin sa karanasan ng pag-ibig na hindi nasuklian. Marami itong kahinaan at pagkukulang, ngunit kung ang tunguhin ng manonood ay matawa, maluha, at magtuklap ng langib ng pusong minsang nasugatan — ah eh, pwede na. #
Dito ko nakuha ang featured image. At kung nagustuhan ninyo ang I’m Drunk, I Love You, subukan n’yo rin ang Drinking Buddies ni Joe Swanberg.
Beh, dinugo ilong ko sa review mo. Isunod mo yung 100 Tula.
LikeLiked by 1 person
Inedit ko tuloy nang kaunti, haha. Nosebleed ba? Si Roland Tolentino ang peg ko sa language nito e, haha. At hindi ba nanonoplak ‘yung direktor ng 100 Tula? Sige try ko hahaha.
LikeLiked by 1 person
Hahaha, ako nga kalahating taon na hindi ko parin tinatapos review ko ng ‘Instalado’. Kailangan maayos kung kontra sa gustong mabasa ni direk.
LikeLiked by 1 person
Pangit ‘Instalado’? Shet, sayang. Tapusin mo na review mo, gusto ko nang mabasa daliii! Wuw, nagdemand? Hahaha.
LikeLike
Hindi naming pangit, hindi lang din maganda para sakin haha. May good ideas naman, pero as a movie it doesn’t work. Sige, ipprioritize ko after ng ibang utang kong mga reviews haha.
LikeLiked by 1 person
May mga parts na inulit ko basahin ang hirap pala pag may mga malalalim na Tagalog haha! Nagustuhan ko yung IDILY (namention ko na yata sayo before na dahil dito napa-La Union kami ng mga kaibigan ko) kasi ang totoo lang ng nga nangyayari – lalo sa dialogue. Ang konti ng mga pelikulang napanood ko na yung sinasabi ng mga artista, totoong sinasabi sa totoong buhay. Common MPDG na walang background si Pathy. Pakiramdam ko nilagay lang siya dun as plot device lang din. Hindi ko na rin masyadong hinanapan ng lalim ang usapan sa mga inuman nila kasi di ba in vino veritas? Mas maluwag dila ng mga tao pag nakainom (at least applicable sakin) and although marami namang dapat pag-usapan sa inuman, iisipin mo rin kung halimbawa, lagyan ng ibang topic, relevant ba sa pelikula? Before series lang yata ang napanood ko na ang galing ng batuhan ng dialogue.
Ganito ko tinignan yung movie, tinanggal na lahat ng unnecessary na nangyayari sa totoong buhay natin tapos kung ano ung gusto nilang iwang message sa mga tao (pagmove on, paggraduate, pagtingin sa future), yun na talaga diniscuss. Haha. Mej biased din siguro ako bilang kilala ko yung direktor! Haha!
Pero ang concern ko talaga sa movie na to ay: nasa La Union kayo, bakit hindi kayo nagswimming at surfing?!
LikeLiked by 2 people
Hmm, hindi ka ba nakulangan sa characters at all? Honestly, mum, sino si Carson sa labas ng pag-ibig niya kay Dio? Did I miss something? Is there more to her than being a Bicolana from CSWCD who’s in love with her best friend?
Magandang example ang Before trilogy kasi buo ang character nina Jesse at Celine. Kahit mag-usap ang dalawa tungkol sa Green Cross — isang NGO na seemingly “off-topic” sa love story — may nasasabi sila tungkol sa konsumerismo at sa paghahanap ng purpose sa buhay. Maganda, insightful.
At ang primary weakness ng IDILY, para sa akin, ay ang pagiging hilaw ng mga tauhan. I don’t think tinanggal lang ‘yung “unnecessary” kuda. Ang daming moments para humanash nang mas specific na insights na pwede pa ring i-relate sa theme: exchange on Young Star, veganism ethics ni Pathy, physical efficiency ng time. Kung buo ang characters, may masasabi silang hanash tungkol sa mga ‘yun na magre-reveal sa pagkatao nila, sa preferences nila, sa histories nila as individuals. Pero wala e, ‘yung audience na ang bahalang mag-project ng traits sa characters. Kaya rin relatable, kasi halos empty slate ‘yung mga bida.
Kahit ‘yung parallelism sa pag-graduate at pag-move on, hindi rin matibay ang pagkakaugat sa character ni Carson. ‘Yung love mode lang ang na-explore, ni hindi man lang implied kung ano ang nakita ni Carson kay Dio. Wala tayong alam sa other side ng metaphor, ‘yung pag-graduate. Bakit siya inabot ng seven years? At bakit sa CSWCD, ang college na explicitly social service ang thrust?
Hay. Nag-enjoy naman ako sa pelikula, bibili ako ng DVD haha. Pero ‘ayun nga, sa tingin ko mas marami pang Pinoy romance na masinsin ang pagtrato sa mga tauhan, hehe.
LikeLiked by 1 person
Yung character na Carson parang alam mo yung mga taong tanga na dun lang nila sa isang taong mahal nila pinaikot yung mundo nila? Para siyang ganun. Yun din naman yung mga sinabi niya sa usapan nila ni Jason Ty diba yung mga anong mga katangahan per year ginawa niya. Yung buong 7 years na yun pinaikot niya kay Dio buhay niya. Yung mga walang buhay pag wala yung isa.
Yung bakit CWSD na course parang hindi rin naman niya alam anong gagawin niya sa buhay diba? Kasi tinanong siya ng tatay ni Dio parang wala, kulang na kulang siya sa excitement sa graduation tsaka ano bang gagawin niya paggraduate, mas excited pa nanay niya sa kanya
Yung buong La Union sequence ang focus is yung anticipation na okay aamin na ba niya o hindi pa. Para sa kin, parang nakichismis ka lang sa isang chapter ng buhay ni Carson, kaya siguro hindi na ibinigay lahat kung yun ang intensyon ng nagsulat ng movie, parang yun mga nausong slice of life na ewan ko kung sub-genre ba ng ibang indies na ikaw na mag-iisip sa ibang bagay. Halimbawa, yung Kadin, ang point lang niya hanapin yung kambing jusko puro hanapan lang buong movie, yung Aurora naman na ano bang feeling ng maging bihag ng NPA. Mas sa ganun ung focus. Although yes agree ako na may kulang sa pagkatao niya na sana naexplain pa. Tulad nung hindi man lang ni-utilize si Irma Adlawan. THE IRMA ADLAWAN. Nagulat ako na siya ang nanay, sayang ganda siguro kung may ibang scenes sila bukod sa breakdown scene ni teh gurl sa dulo.
LikeLiked by 1 person
Ang mas issue ko sa CSWCD, maraming tibak d’un haha. Hindi lahat openly tibak pero required silang mag-community work bago grumadweyt. Kahit ‘di mo type ang course mo, I’m sure may wisdom kang makukuha sa school at sa field work. At kung buo ang character, magiging apparent ‘yun sa mga opinyon niya sa buhay. Baka may comment siya sa gatekeeping mode ng Young Star, o may pag-question sa vegan ethics? Pero wala e, hanggang generic funny banat lang siya.
Carson can be a jologs Atenista or an engg major from MAPUA, gan’on pa rin ang mga linya niya. Siguro deliberate desisyon ito ng writers — the more generic her traits are, the more relatable the film will be.
Wala namang kaso sa pag-narrow down ng focus. May mga narrative din naman na maganda pero hindi character ang strength. Siguro nag-expect lang ako ng depth sa characters sa IDILY dahil dialog-heavy ito, at dahil taga-UP ang mga bida. Purely for visual effect lang ang UP (sablay + UPFI). Hay, sayang.
At sayang nga si Irma at sayang ang beaches ng La Union, haha.
LikeLiked by 1 person
Ah. Wala kong idea sa mga estudyante ng CSWCD at ng buong UP. Generic lang na maraming tibak sa UP, though parang mas konti na yata ngayon? Puro Inglisero/a na nakakasalubong ko pag andun ako, para kong nasa sosyal na school at hindi mga isko/a ang andun. Lelz.
Mahirap bumanat sa vegan ethics ngayon, isang tweet lang, nangunguyog mga “woke people of Twitter” chos. In reality na yan. Baka nga yun ang gusto nila, mas maging relatable si teh, kasi kung gagawin mo siyang maraming hanash sa mga issues, medyo hindi na siya relatable, pwedeng “Carmina” na pangalan niya joke haha, mas konti airtime ng hugot at feelz niya kay kyah. Baka mas marami kang issue bilang ginawang background ang school mo, baka ako rin kung school ko ang back drop, baka mas may issue din ako.
LikeLiked by 1 person
Bukod sa school, siguro mas nakaapekto ‘yung fact na pinanood ko ito waaay after kong mabasa at marinig ‘yung positive response ng mga tao. Nag-expect ako beh. Akala ko ni-revolutionize nito ang Pinoy romcom or zamthing. Pero ‘ayun, slight diversions lang pala haha. 🙂
LikeLike
“Nag-expect ako beh. Akala ko ni-revolutionize nito ang Pinoy romcom or zamthing.”
Parang mas nirevolutionize ni Starting Over Again at ni That Thing Called Tadhana, yung taste ng tao sa commercialized pinoy romcom. Inalis kasi neto yung idea ng HEA.
Character-wise mababaw nga. Pumapatok lang talaga siya kasi andaming mga secretly in love sa mga best friends nila or nakarelate sa sitwasyon, ganern.
In fairness naman sa mga commercial films, umaayos naman siya lately. Dati hindi mo ko mapapanood ng sine. Ngayon, kung okay ang director, manunulat at premise, nanood ako. Deadma ako sa artista.
LikeLiked by 1 person
Hindi ko pa napapanood ang ‘Starting Over Again.’ Panoorin ko kapag nagka-oras, hehe.
Dami ngang magagandang pelikula recently ‘no? Kung may recommendation ka message mo ‘ko hahaha.
LikeLike
“walang sinabi ang kamison ni Osang noong 90’s” *clap clap clap* peyborit, haha
‘Di ko pa napapanood pero dahil sa sober review na ito, paglalaanan ko na ng oras 😀
LikeLiked by 1 person
Hahaha. ‘Pag napanood mo na let us know whatchuthink! 😀
LikeLiked by 1 person
Gumagamit din ba si Rolando Tolentino ng tulad ng “walang sinabi ang kamison ni Osang noong 90’s”? Hehehe. Mema lang.
Kulang pala ng “I” yung title.
LikeLiked by 2 people
Hindi nga siguro hihirit ng ganyan si RT haha. Teka, sexist ba ‘yang linyang ‘yan? Shet hahahuhu. 😂
At migod, oo nga. Gusto ko tuloy palitan altogether ang title, gawin ko na lang “I’m Drunk, Labyu” hahaha.
LikeLiked by 1 person
Hahaha, pwede….
LikeLiked by 1 person
Nice, nagsulat ka ulit in Kulê mode haha. Gusto ko ‘yung “hindi gaanong napiga ng pelikula ang complexity ng inuman at ng pagkalango sa serbesa…” Nagka-‘oo nga ‘no’ moment ako almost a year since seeing the movie.
Napanood mo na ba ‘yung ‘Shift’? Hula ko mas magugustuhan mo. Lamang si IDILY sa visuals, pero mas buo character ng bida sa Shift.
Magkukuwento din ako. Three months ago nanood ako sa short film festival ng mga student projects ng APFI. Napa-kamot ako sa ulo kasi seven or eight out of 10 films, lahat IDILY-type ang story at characters. Sabi ko sa kaibigan ko, wala na ba silang ibang maisip na ikuwento? Tapos na-realize ko na na-inspire lang siguro sila sa instructor nila—si JP Habac.
LikeLiked by 1 person
Nabasa ko ‘yung review mo on ‘Shift.’ Ito ‘yung ex-tibak si Yeng ‘di ba? Shet baka maiyak ako huhuhu.
At ugh, kamot-ulo talaga ang annoyingly insular themes sa movies ‘no? Hindi nga lang sa movies e. Sabi rin ng kaibigan kong pintor, saturated daw ang art scene ngayon ng mga obrang ‘self-expression’ lang ang puno’t dulo ng rationale. And people don’t mind kasi it’s what’s ‘authentic.’ Hayayay.
LikeLiked by 1 person
Naghahanap ako ng kopya ng Shift na yan. Call Center agent ata si Yeng diyan at nainlove siya sa bakla niyang kaofficemate. Sabihan mo ko kapag nakahanap ka na ng kopya.
LikeLiked by 1 person
Oo nga, baka ‘relatable’ sa’yo haha.
Masyadong literal nilang tinatanggap ‘yung “art is a mirror”, sariling mundo lang tuloy ang nakikita. Dapat art is a window kasi haha. Sabagay ‘yan ang uso ngayon, hindi lang sa art, kahit sa politika: authentic, informal self-expression ng self-interests. Kahit masagwa, kahit may masagasaan, basta totoo sa sarili.
LikeLiked by 2 people
Ang husay mo maghimay.
Gusto ko din gumawa ng movie review pero pag iniisip ko kung ano na ang isusulat ko, eto lang ang mga naiisip kong deskripsyon ng palabas – maganda, nakakaiyak, hindi korny.
LikeLike
Ganyan ako sa Twirrer! ‘Pag nanonood ako ng sports, puro lang ako “potaaah” tsaka “yaaass!!!” Hahaha.
Isipin mo teh parang book review lang! 😁
LikeLiked by 1 person
HA HA HA, susubukan ko
LikeLike
You had me at, “mas manipis pa sa damit ni Osang” or something like that. Haha. Naisip ko din sanang panoorin iyan dahil kay Paulo Avelino. Ay, biased na. Haha.
LikeLiked by 1 person
Hahaha, beh hindi ka magsisisi! Ang pangit niyang kumanta, pero ang gwapo ni Paulo Avelino rito! ❤ ❤ ❤
LikeLike