Ngayong Gabi

MAGPAPASKIL AKO ng mga litrato bilang pananda sa nagdaang linggo. Maraming mga munting pighati ngunit marami ring munting tagumpay. Natutunan kong kaya ko namang kaligtaan (kahit panandalian) ang pag-inda sa mga problemang wala sa kamay ko ang solusyon. Naging mas maunawain din ako sa ibang tao, at lalo na sarili ko. Matagal ko nang ikinukumpisal ang mga pagkukulang at pagkakamali — panahon na upang patawarin ang sarili. Kaya ngayong gabi, hihinga ako. Magpapahinga ako. Kaya ko ‘to. #


Sinulat ko ‘to kagabi, Biernes. Pero Sabado na. Tapos na ang pahinga. Balik na ulit sa pag-aaral ugh ‘tang ina.

19 Comments

  1. rAdishhorse

    Ang gaganda ng pictures. Saan at ano ang mga ito? Yung sa taas parang usok galing sa Mayon. Yung sa baba parang dinosaur na nabuhusan ng tubig na biglang tumigas at naging yelo with matching blue and red and yellow.

    Naalala ko ‘yung sabi nung kaklase ko dati tungkol sa pagtatapos ng eng’g at pagpasa sa board exam: nakaya nga ni (name) eh, kaya ko rin yan! Pero iniimagine ko na iba yung skwela dyan at iba rin dito. ‘Yung inaral ko nung college, pakiramdam ko ay three decades old na, yun pa rin ang inaaral namin.

    Liked by 1 person

    1. Jolens

      Sa Ice Castle ito, parang winter attraction sa isang park todits. Gawa sa yelo ‘yung mga pader tas may paandar na LED lights para maganda tingnan sa dilim haha.

      Uy ang ganda ng Bitches Brew! Solid teh! Salamat, gusto ko talagang may pinakikinggan habang nag-aaral. Kung may recommendations ka pa keep ’em coming please! 😁

      At, haaay. Hindi ako fishing ha, pero bobo talaga kasi ako sa math. As in hirap na hirap na hirap na hirap ako.😒 Natatakot pa ako kasi, baks, paano ‘pag naging engineer nga ako tas gumuho o sumabog naman ang design na ginawa ko? Paano ‘pag makapatay ako ng mga tao dahil aanga-anga ko? Taena huhuhu.

      At nag-share talaga ako ‘no? I’m so tired I jaz wanna rant sarreh hahaha. πŸ˜‚

      Like

      1. rAdishhorse

        Ay, man-made? 😢

        Joke lang talaga yung pagrerecommend ko ng Bitches kasi di ko sya gusto hehe. Buti na lang nagustuhan mo. Kung gusto mo instrumental try mo yung 1st album ng tide/edit (ito talaga gusto ko ‘to). O kaya kahit ano ng Sigur Ros. Tapos Explosions in the Sky kung nagustuhan mo Sigur Ros.

        Anong math ba? Kaso nakalimutan ko na yung mga inaral ko. Parang sa trabaho, pagkatapos ng project, kinakalimutan na para di na bumalik pa or masisi pa pag may prob. 😁

        Wag mo munang isipin yung sa trabaho (at nagbigay talaga ako ng advice). Unless related sa nuclear, high voltage lines, or cell phone na sumasabog ang pipiliin mong linya. πŸ˜†

        Liked by 1 person

        1. Jolens

          Yes mars, man-made.

          Hindi ko na-gets na joke, haha sorry. Gusto ko rin talaga si Miles Davis e. Favorite ko ‘yung Kind of Blue pero naa-associate ko ‘yun sa ibang bagay so deins pwede pang-aral. Try ko ang tide/edit tanayt!

          Hirap ako sa lahat ng math! Haha. Feeling ko tatapusin ko na lang ‘tong eng’g tas bahala na si Darna. Ang hirap ng walang direksyon sa buhay! (At sorry ulit sa first-world / burgis problems agjawlkgje πŸ˜†)

          Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.