MAGPAPASKIL AKO ng mga litrato bilang pananda sa nagdaang linggo. Maraming mga munting pighati ngunit marami ring munting tagumpay. Natutunan kong kaya ko namang kaligtaan (kahit panandalian) ang pag-inda sa mga problemang wala sa kamay ko ang solusyon. Naging mas maunawain din ako sa ibang tao, at lalo na sarili ko. Matagal ko nang ikinukumpisal ang mga pagkukulang at pagkakamali — panahon na upang patawarin ang sarili. Kaya ngayong gabi, hihinga ako. Magpapahinga ako. Kaya ko ‘to. #
Sinulat ko ‘to kagabi, Biernes. Pero Sabado na. Tapos na ang pahinga. Balik na ulit sa pag-aaral ugh ‘tang ina.




Leave a reply to Jolens Cancel reply