Bago ako magsimulang kumuda tungkol sa buwan ng Hulyo, ikukuwento ko muna na kanina, araw ng Linggo, bandang alas siete ng umaga, nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay. Gutom na gutom kasi ako.
N’ung Biernes pa ‘yung huling kain ko, pananghalian na shawarma mula sa isang restaurant malapit sa opisina. Biernes ng gabi dumaan lang ako sa mall at bumili ng ice cream (isang cup ng white chocolate with raspberry!). Kahapon naman, Sabado, nagkape lang ako buong araw. Balak ko naman talagang mag-almusal kaninang umaga, pero ‘ayun na nga, hinimatay ako. Nang magising ako sa sahig ng kusina kung saan ako bumagsak, kumain agad ako ng tsokolate at pumasok sa kwarto para humiga at magpahinga. Hayayay.
Pero ayos naman na ako ngayon. Namalengke na ako kanina, okay na. Susubukan ko na lang siguro na hindi magpagutom ulit. Hmm.
So mabalik tayo sa Hulyo. Ano nga ba ang nangyari n’ung Hulyo?
Medyo marami akong post n’ung nakaraang buwan, na ang ibig sabihin e wala talagang masyadong naganap sa totoong buhay. Maraming gawain, maraming tasks sa trabaho, pero ano namang bago d’un? Hay.
N’ung nakaraang buwan may fiesta dito sa Siyudad Kung Saan Ako Nakatira. May rides, may concerts, may food trucks at kung ano-ano pa. Dumaan ako sa fair grounds kasama si H pero umuwi rin kami agad. Boring e. Sabi sa akin ni H ang payat-payat ko na raw. Sabi ko sa kanya hindi kasi ako kumakain. Marami siyang mungkahi kung pa’no ko mapipilit ang sarili na kumain, pero alam naman niyang hindi rin ako makikinig.
“You need someone who would put a gun to your head and force you to eat, don’t you?” sabi niya. Siguro nga tama siya.
Dadalaw rin dapat ako sa bahay ng mga magulang ko n’ung Hulyo pero laging hindi natutuloy. Maulan kasi sa kanila, tapos ayaw naman nilang magmaneho ako tuwing maulan sa highway. Ako naman tinatamad ding magmaneho nang tatlong oras kaya ‘yun, hindi na ako umuwi. Sayang nga lang kasi may libreng masarap na pagkain pa naman sa bahay. Hay.
Naka-apat na pelikula rin ako n’ung nakaraang buwan. ‘Yung Ulan, napanood ko na noon pa. Unang beses kong mapanood n’ung Hulyo ang Sakaling Maging Tayo, Ang Kwento Nating Dalawa, at Endo. Ang ganda ng Endo!
Dalawang manipis na libro lang ang nabasa ko n’ung Hulyo: Twisted 9 ni Jessica Zafra at Malamig ang Gabi sa Sitio Catacutan ni Tony Perez. Balak kong magbasa ng mga akdang Pinoy ngayong Agosto. Masabi lang, ganyan.
May ilang kanta rin akong nadiskubre kamakailan na gusto kong ibahagi rito. Baka magustuhan n’yo rin, malay natin.
Sa riles ko nakita
Mula sa “Lumang Comedy” ni Kyle Anunciacion
Ang hari ng komedya
Pagmamahal ni Enteng
Sa magandang engkantada
Natutong mambola
Palibhasa lalaki ka
At sa Oki Doki Doc
Ang puso mo’y kay Aga tumibok
You canโt compete
Mula sa “No Yellow” ng Stomachine
With that kind of proximity
Itโs so natural
Yet so unhealthy
I guess there’s certain dreams that you gotta keep
Mula sa “Saturday Nights” ni Khalid
‘Cause they only know what you let ’em see
Hmm, ano pa ba? Wala na, ‘yan na muna. Pangako (sa sarili) na kakain na ako nang mas madalas ngayong Agosto. Sana ikaw din, kung sino ka mang nagbabasa ng post na ito — subukan mo ring alagaan ang sarili mo. Naks. ๐
Sorry, antagal kong hindi nakapagbasa. Bakit di ka kumakain?
LikeLiked by 1 person
Haha ‘wag ka magsorry! ๐ Tinatamad akong magluto Aysa e. Minsan nakakalimutan ko lang din talaga kumain. Hehe.
LikeLike
๐ค๐ค๐ค๐ค nebeyen. Kala ko may anorexia ka or something….katam lang pala wuhaha….pero never sa talambuhay kong makalimutan kumain…pano mo nagagawa yan ๐
LikeLiked by 1 person
Pinapalipas ko lang ‘yung gutom e. Kapag nakaramdam ako ng gutom ngayon, itutuloy ko lang ‘yung ginagawa ko hanggang sa makalimutan kong gutom pala ako. Tapos kapag naramdaman ko ulit ‘yung gutom, tapos na ang araw so matutulog na lang ako. Hahahuhu. ๐
LikeLiked by 1 person
WAAAAAH
LikeLike
HUY! GAGI! Wag ka na papagutom ulit!
LikeLiked by 1 person
Susubukan! Hehe. ๐
LikeLike
nakakatamad kumain nang mag-isa, no? nakakatamad din magluto. pero ako hanggang isang meal lang kaya kong i-skip.
nasa Netflix ba ang Ulan? San mo napanood ang Endo? tsaka saan ka nakakuha ng Twisted 9? Napunta na ba jan yung mga nagsasarang Booksale dito sa Pinas?
LikeLiked by 1 person
Naku teh, sinabi mo pa. ๐ฆ Hindi rin kasi ako physically active recently e, kaya siguro kaya ng katawan ko na hindi kumain nang ilang araw. Walang calorie demand, charot. Hayyy.
Wala sa Netflix ang Ulan pupsht. Pinanood ko siya sa sinehan n’ung Marso, so I guess pwede ko namang aminin na pinirata ko lang siya recently. Hehe. ‘Yung Endo nasa iFlix! Gawa ka account, libre lahat ng pelikula sa first 30 days! Daming obscure Pinoy films d’un, ‘yung mga hindi ko man lang alam na pelikula pala haha.
‘Yung Twisted 9 binili ko lang online kasama ng iba pang libro. Mahal ng shipping huhu, so pinag-ipunan ko nang medj matagal. ๐
LikeLiked by 1 person
Pinirata? As in naglabas ka ng camera sa loob ng sinehan tapos lumabas si Derek Ramsey? Tapos hinabol ka nya (at nagpahabol ka naman) at nahuli ka nya at…. nilabas niya yung baril nya at… =)
Lam mo bang ginawa ko na ‘yang sa IFlix, nag download ako ng isang movie na hindi ko rin napanood. Tapos na natapos ang 30 araw nang di ko namalayan.
Sayang, pakalat kalat lang sa National yang mga books ni Jessica Zafra. Kung pwede lang manghiram eh, tapos dadalhin mo sa counter tapos sabay “miss, paxerox naman, o” o kaya pa-scan. hahaha. Bago ba ang 9? O matagal na rin?
LikeLike
Gaga hahaha. Nag-stream lang ako online, available naman na e, haha.
Pwede palang mag-download sa iflix? Streaming lang ako e, pero siyemps mas mabilis internet ditey. Gusto mo bang mapanood Endo? Try ko idownload kung gusto mo kopya.
Gusto mo rin mabasa Twisted 9? Matagal na ‘to e, tas na-realize ko parang blogger-style din pala kung magsulat si Zafra. Pero unlike us, nasa broadsheet ang column niya haha.
LikeLike
Tama ba, may tikbalang sa Ulan? Medyo interested ako dun eh, hanapin ko nga sa weekend.
Parang sa netflix din.. DL mo lang sa device mo, tapos mag expire sya after 27 hours, Hehe. (Actually may copy ako ng Endo… somewhere. Napanood ko na rin yun 13 siguro dati sa CinemaOne. Alam ko din na tungkol sa sya sa contractualization. Pero di ko pa napanood ng buo,
Ano ba laman ng Twisted 9? May nabasa ako dati mga movie reviews nya. 6 yata yun.
LikeLike
self-harm na yan mehn. i-address mo nang maayos. take care.
LikeLiked by 1 person
Siguro ako naman babawasan ko ang pagkain ngayong Agosto hahahaha bumibigat nanaman ako ulit hahaha also, nakuha ko na ang postcard. Kilig na kilig ako โค Salamat!!!
LikeLike
As someone na may extensive experience sa pagkakahimatay, suggest ko talaga na magdala ng kahit kaunting pagkain sa bag mo lagi, kahit chocolate bar lang yan. Malakas gumamit ng energy ang utak mo kaya kung wala ka talagang time for proper sit down meal, kahit pamunch-munch ka lang. Kahit ‘san na’ko nahimatay dati, sa loob ng mall, sa loob ng tren, sa loob na mismo ng hospital, etc. Hindi masaya baks. Ingat ka ‘lagi.
LikeLike