MINSAN, NOONG mga siyam o sampung taong gulang ako, nagsimba ako sa parish church ng bayan namin kasama ang kapitbahay naming si Nana Beth. Hinding-hindi ko makalilimutan ang homily noong hรกpong iyon.
“Ang sermon ta ngunyan na aldaw,” panimula ni Father, “ay manungod sa pisรณt kan santol.” Ang sermon daw para sa araw na iyon ay tungkol sa pisรณt o sa titi ng santol.
Nagtaka ako. Pisรณt? Okay lang ba na magsabi si Father ki “pisรณt” sa loob nin simbahan?
Sa tuwing binabanggit ni Father ang salitang pisรณt, tinitingala ko si Nana Beth at hinihintay ang pagdilat ng mata o pagtakip ng bibig o kahit anong senyas ng pagkabigla — pero wala. Walang pagbabago sa mukha at postura ni Nana Beth. Masigid pa rin ang tingin niya kay Father, tuwid pa rin ang pagkakaupo at mahinahon pa rin ang pagpaypay niya sa hawak na abaniko.
Nilibot ko ng tingin ang buong simbahan. Siksikan ang mga tao. Nakasuot sila ng bestida o kamisetang may kuwelyo at, kagaya ni Nana Beth, seryoso at pormal din ang asal ng lahat para sa banal na oras ng Linggo.
Tila ako lang ang litong-lito sa mga sinasabi ni Father. Naguguluhan ako, hindi lang sa pagbanggit niya sa salitang “pisรณt,” kundi sa mismong konsepto ng titi ng santol. Bilog ang prutas ng santol, hindi ba? Aling bahagi kaya nito ang tinutukoy ni Father na titi?
Pagkatapos ng misa at pagkauwi sa bahay, nagbuklat agad ako ng encyclopedia at hinanap ang litrato ng anatomiya ng prutas. Ang pinaka-posibleng titi ng santol, batay sa aking research, ay ang peduncle. Ito ang maikling sanga na nakausli sa bumbunan ng bunga ng santol.

Pero bakit sinabi ni Father na, gaya ng santol, ang pinakamahalagang bahagi raw ng tao ay nasa panloob at wala sa panlabas na katangian? May iba pa bang titi ang santol sa loob nito?
Hindi ko na tinanong si Nana Beth o ang mga magulang ko kung ano nga ba ang ibig sabihin ng sermon ni Father. Nahiya ako. Baka pagalitan pa nila ako kapag inulit ko nang malakas ang salitang “pisรณt” — e hindi naman ako pari.
Ilang araw pa ang lumipas bago ko napagtagpi-tagpi ang ibig sabihin ng nasabing sermon. Eureka!, naisip ko. (Natutunan ko rin ang salitang eureka sa encyclopedia, sa entry tungkol kay “Archimedes.”) Nang sinabi ni Father na, “Maliit lang an pisรณt pero pwede ini magdakula asin magbunga,” ang binibigkas niya talaga ay “pisรณg” at hindi pisรณt. Butรณ pala ng santol, hindi titi. Nabingi lang ako.
Nang mag-click sa utak ko ang nais sabihin ni Father, para akong uminom ng malamig na malamig na tubig matapos ang buong araw na pakikipaghabulan at pakikipaglaro sa ilalim ng alinsangan ng araw.
Hindi naman ako naging sagradong relihiyosa pagkatapos ng araw na iyon. Hindi ko na rin maalala kung nasaan ako o kung ano ang ginagawa ko nang maisip kong pisรณg talaga at hindi pisรณt ang tinutukoy ni Father. Puwedeng nakikipaghabulan nga ako sa labas, pero palagay ko nasa bahay lang ako — bakasyon, walang mapanood sa TV, kaya nagbabasรก ng encyclopedia.
Ang litrato ng sculpture ay mula kay T. Selin Erkan ng Unsplash. Ako ang naglagay n’ung red na bilog. Wala akong mahanap na libreng litrato ng santol kaya ako na rin ang gumuhit n’ung drawing.
Leave a reply to Thea Cancel reply