Bente kuwatro oras na akong gising. Tinatayp ko ito sa phone ko habang tumatae. Katatapos ko lang magsulat ng report. Katatapos ko lang din umiyak. Papasok ba ako sa opisina bukas? Huwag na? Kung hindi ako pumasok, baka matulog lang ako buong araw. Deliks kasi may deadline ako bukas (o sa Huwebes). Miyerkules na ng madaling araw ngayon. Ano ang bukas at ano ang ngayon? Kailangan ko nang matulog. Wala akong matatapos bukas, o ngayon, kung hindi ako matutulog. Tapos na akong tumae. Masakit ang ulo ko. Gutom na ako.

kain lang muna ng konti. huwag biglain ang sarili. kung hindi kaya, pahinga muna tapos laban paunti-unti. okay lang umiyak, bigyan ka namin ng virtual yakap. wag ka sumuko, go go go laban!
LikeLiked by 1 person
sana nakatulog ka na and nakakain ka 😥
LikeLiked by 1 person
Nawa’y nakapasok ka at nameet ang deadline mo. Hehe
LikeLiked by 1 person